MORRISSON

614 9 11
                                    

Beware of typos and grammatical errors.
No proofreading '

———
SIMULA

May, 1901

SA OPISINA ng Attorney General, received an anonymous letter.

It is said that;
[ In the Morrisson's house, there was a prisoner. Half starved, half living. ]

Hindi niya alam kung kanino nanggaling ang liham dahil wala naman nakasulat na pangalan kung kanino nanggaling.

Pero dahil sa nakalagay sa sulat ay pinuntahan niya ang lugar na nakasaad sa liham.

Dalawang linggo naghanda siya—sinama niya ang limang kapulisan upang samahan siya sa bahay ng pamilyang Morrisson.

Ang pamilyang Morrisson ay isang kilalang pamilya sa Paris. Ngunit, simula nang mawala ang kaisa-isang  babaeng anak ng mga Morrisson ay tila naging mailap ang ilaw ng tahanan nito sa mga tao.

Ang pamilyang Morrisson ay kilala bilang respetadong pamilya lalo na si Madam Morrisson, kilala siya bilang mapagbigay na tao, ginawaran na din siya  bilang mapagbigay na personalidad dahil sa mga nagawa nitong pagtulong sa mga tao.
Ang asawa nito ay maagang namatay.

May dalawang anak ang mga Morrisson, ang isang anak ay lalaki na tinatawag na Anthony Morrisson na kasalukuyang nagtatrabaho bilang respetadong abogado. Ang isa naman ay babae— si Blanche Morrisson na nawawala dalawampu't limang taon na ang nakalipas.

Kumatok sila dala ang 'search warrant'.
Pinagbuksan sila ni Madam Morrisson.

Pag pasok ay nakita nilang maayos naman ang lahat. Malinis ang kabuuan.

Normal at parang walang nangyari.
Nakakapagtaka lang simula nang mawala ang anak nito ay  tila wala naman mabakasan na pagkabahala at tila namuhay na normal at parang walang nangyari.

"Sino kayo? Bakit kayo naparito?"

Hindi niya ito pinansin, narinig niya ang kasamahan niya na nagpapaliwanag sa babae kung bakit sila naroon.

Napagdesisyunan na sana nila na umalis na dahil normal naman ang nakikita nang pigilan sila ng isang kasamahan nila.

"May naaamoy ako."

Pinagana niya ang pang-amoy niya.

Masangsang na amoy.

Sinundan nila ito.

Tinungo nila ang hagdan. Nakita nila ang isang kwarto na may kandado at do'n mismo ang nanggagaling ang amoy.

Binuksan nila ito at nagulantang sa nakita.

———
February, 1876

"ILANG BESES ko na ba itong sasabihin sa'yo na pumili ka naman ng lalaki na mas mayaman at mas bata!"

"Mahal ko si Javier! At siya lang mamahalin ko! Sana maintindihan mo 'yon, Ma!"

Hindi sumagot ang ina niya. Hinablot siya sa braso nito at kinaladkad papuntang dulo ng kwarto.

"Ma! Maaa!"

"Hindi ka makakalabas hangga't hindi mababago ang isip mo!"

"Ma! Palabasin n'yo 'ko dito! Ma!"

"Pipili ka na nga lang doon pa sa matanda at naghihirap na abogado!"

Padabog na iniwan niya ang anak sa nakakandadong kwarto.

———
May, 1901

MASANGSANG na amoy ang bumungad sa kanila.

Nakita nila ang mga iba-ibang insekto sa sulok na bahagi ng kwarto.

Madilim ang kwarto.

Mabahong amoy.

Pinasok nila ang silid at tinungo ang sulok ng parte ng kwarto. Nakita nila ang kama. At isang babae na buto't balat. Buhay pa!
Mabaho. Nilalangaw na ang katawan nito, inu-uod at nilalanggam. Naliligo sa sariling ihi at dumi. Mga bulok na pagkain at tuyo't na baso na may uod na din.

Blanche Morrisson!

Ang nawawalang anak na babae ng mga Morrisson ay kinulong pala sa bahay ng mga ito!

Agad na sinaklolohan ang babae. Dinala sa hospital.

Agad na inaresto si Madam Morrisson at ang anak na lalaki na si Anthony Morrisson.

———
February, 1876

DALAWANG LINGGO
"Pwede ka na lumabas."

Hindi kumilos ang dalaga. Nakatingin lang ito sa bintana habang akap ang mga tuhod nito—nakatulala, malalim ang iniisip.

"Anak." Nilapitan ng ina ang anak pagkunwa'y hinaplos ang malakulot na buhok nito.

"Para naman sa'yo ang ginagawa kong 'to."

Hindi pa din tumutugon ang dalaga.

"Ito na ang pagkain mo. Alam kong nagugutom kana. Bawiin mo lakas mo, maligo ka at magbihis ng maganda. Ipapakilala kita sa magiging bisita natin. Gusto ko na payagan mo siyang ligawan ka."

———
June, 1901

ISANG buwan ang nakalipas ng masagip si Blanche Morrisson. Nabawi na din ang lakas nito. Nagkaroon na ng laman ang katawan ngunit tuluyan nang nawala sa pag-iisip si Blanche.

Ngayon ay 50 years old na si Blanche Morrisson.

Kinasuhan ang Nanay nito dahil sa pagkulong sa sariling anak. Ngunit agarang namatay ito dahil may sakit ito sa puso.

Si Blanche ay ililipat sa 'Mental Institution'.

———
March, 1876

"WALA NA si Javier."

Binisita niya ang anak sa kwarto. Ipinarating ang masamang nangyari sa kasintahan.

Nakatulala lang siya. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya kinakausap ang ina.

Umalis ang ina.

Do'n niya pinakawalan ang emosyong piniligilan niya.

———
Anthony Morrisson Confessed, he was the one who sent the letter to the General. But there was no proof to claim na sa kaniya ang nanggaling ang sulat.
Later on, Anthony imprisoned within 15months because he didn't touch Blanche nor abuse her.

December, 1903

DALAWANG TAON ang nakalipas, nabalitaan ni Attorney General na namatay sa loob ng institusyon si Blanche. Hindi na daw kinaya at kinitil ang sariling buhay.

WAKAS
———
2020/05/13

CRUCIAL THINKER FILESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon