#MBMMNKiss
STACEY'S POV
"Papasok kana?" Napatingin naman ako sa bukana ng kwarto ko nung marinig ko ang boses ni Ate. Natanaw ko siya na nakatingin sa akin habang prenteng nakasandal sa pintuan ng kwarto ko at nakaekis ang kanyang braso.
"Ano sa tingin mo?" Walang ganang tanong ko sa kanya at tumindig ng maayos upang makita niya ang kabuuan ko. Napataas naman ang sulok ng kanyang labi habang tinignan ang kabuuan ko bago inilihis ang kanyang paningin sa kwarto ko.
Nakauwi na kami sa bahay. Kaming dalawa palang ni Ate dahil sila Naster at Mama ang pumalit sa pagbabantay. Ayaw pa sana namin dahil mahihirapan lang si Mama at siya na lang muna dapat ang nagpapahinga, pero sadyang mapilit si Mama kaya wala kaming nagawa kung hindi ay sundin na lamang ang utos niya.
"Psh! Bakit ba hindi kita makausap ng maayos ha? Lagi kang parang nang-aasar. Akala ko pa naman kapag nahanap kana nila Mama ay magkakaroon narin ako ng kakampi pagdating kay Naster. Yun pala parang mas malala kapa sa kanya." Angil niya habang nakanguso at nakatingin sa akin.
{-_-}
'Tss! Nakakatamad kayang magsalita.'
"Pwes hindi mo ako madadaan diyan sa panguso-nguso mo. Wala akong kinakampihan, masyado lang talaga akong naririndi sa boses mo. Ang tining at ang sakit sa tenga." Natatawang saad ko at saka yumuko upang isalansan ng maayos ang aking mga aklat sa bag
"Ang sama mo!.. ang sama niyong dalawa ni Naster!" Sigaw niya. Gulat na napabaling muli sa kanya ang atensyon ko.
{O_O}
'Ano bang problema ng isang to at kung makasigaw ay akala mo nasa malayo ang kausap niya.'
"Wag ka ngang manigaw! Ano kaba!"
"Nakakainis ka kase e!" Reklamo ni Ate.
{O_o}
'Hanep! Ako pa ang may kasalanan ah!'
"Tss! Ako pa ngayon ang may kasalanan.. Woi! Baka nakakalimutan mo na hindi ka sana maiinis kung hindi ka pupunta-punta dito sa kwarto ko!" Sigaw ko.
"Psh!" Singhal nito at saka padabog na nilisan ang kwarto ko. Hindi naman ako makapaniwalang sinundan ng tingin ay dinaanan niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...