Chapter 67Lango ako nung makapasok kinabukasan sa school. Kanina pa tingin ng tingin sa akin si Glen, nag-aalala. Sinabi ko narin na ayos na ang pakiramdam ko. Tanging pagsumpong-sumpong nalang ng sakit ng ulo ang kanina pa gumagambala sa akin bago pumasok.
Uminom na ako ng gamot para kahit papaano ay mahismasmasan at mawala ang sakit na nararamdaman ko, ngunit hanggang ngayon ay wala paring epekto.
Hinayaan ko nalang dahil hindi magtatagal ay mawawala rin ang pananakit ng ulo ko. Naparami nga siguro ang inom. Drinking an alcohol isn't my inclined. In States, sometimes I drunk a alcohol but not as always. Kaya hanggang ngayon ay naninibago parin siguro ang pakiramdam ko.
Naka-ilang saway narin sa akin si Glen na wag nalang muna akong pumasok at hayaan nalang muna siyang mag-isa. Ipapa-alam nalang din sa mga subject teachers namin ang kalagayan ko. Ngunit naging mapilit ako at hindi sinunod ang gusto niya. Wala na siyang nagawa nung magsimula na akong kumilos kahit pa kumikirot parin ang ulo ko.
He even lectured at me while heading to go in school. I just nodded on what he's saying. I'm not in the mood to do argument with him. Naka-ilang ulit na siya at nagpapantig na ang tenga ko sa mga walang sawang pangangaral niya. Kesyo daw na isusumbong niya ako kila Papa at kay Ate Nickie.
Nagkibit-balikat nalang ako sa mga banta niya. Kahit naman sabihin niya ang ginawa ko kagabi ay wala narin namang magbabago.
Nalaman ko na. Narinig ko narin ang mga sagot sa katanungan ko kahit pa half of me was unconscious because of hard alcohol.
Minsan ay napapasapo ako sa utak ko sa tuwing naalala ko ang mga binitawan kong salita sa harapan niya. Hiyang-hiya ako. Naisip ko narin na magpaliban nalang muna sa klase kahit ngayong araw lang ngunit iniisip ko ang pag-aaral ko. Hindi pwedeng unahin ko ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi sa panahon ngayon na kailangan kong makapagtapos para makatulong sa pagpapatakbo ng negosyo namin. Tumatanda na ako at tumatanda narin ang parents ko. Madalas na kung magkasakit si Papa.
Kaya madalas ay nasa kwarto na lamang siya at nagpapahinga habang ako ay tutok na tutok sa mga gawain sa office. Ako ang pumapalit kay Papa. Inaalalayan lamang ako ni Mama kapag sa oras na hindi ko na talaga alam ang gagawin.
There a times that they always their, in our company. But the times that he's health suddenly break down. Ako ang humahawak. Ako ang nag-aalaga at gumagawa ng gawain na nakatoka kay Papa.
Nakarating na kami sa school at patungo na sa next class namin. May iilan na bumabati sa akin. Hindi ko na lamang pinapansin. Wala rin naman akong kilala sa kanila.
"Huwag na huwag mo ng uulitin na paunahin akong umuwi ah! Baka kung mapano kapa at ako ang napagalitan nila Tito kapag may nangyareng masama sayo. Edi kargo de konsensya pa kita! Nakailang tawag na ako pero laging out of coverage. Naka-off bayang cell phone mo!?" Inis na tanong niya.
Hindi ko maiwasang mainis kay Glen. Kanina palang paggising ko ay puro sermon na agad ang inaabot ko sa kanya. Hanggang dito ba naman ay sermon parin. Hanggang kailan niya ba ako pagsasabihan? Nagtitimpi nalang talaga ako at baka kung ano pa ang masabi kong hindi maganda tungkol sa kanya!
Sinamaan ko siya ng tingin at siniringan.
"Shut your fucking mouth! I don't want to hear your voice even just a minute!" Timping saad ko at inalis ang tingin sa kanya.
Narinig ko ang pagbulong-bulong niya sa hangin ngunit hindi ko nalang pinansin. Alam kong magme-make face na naman ang isang to habang hindi ako nakatingin. Gawain niya iyon kapag sinasaway ko na siya.
BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...