Author's Note: Sorry po sa mga bad word na mababasa dito sa story na ito. May pagka-action kase itong story. At sa mga typo error sorry rin. Maging sa mga maling grammar pasensya na dahil ito palang ang unang story na gawa ko. Kaya pagpasensyahan niyo na.. Salamat sa mga nagbabasa nito. Thanks a lot.STACEY'S POV
Naitakip ko ang unan ko sa aking tenga ng marining ko ang napakalakas na alarm clock sa aking ulunan. Hindi ko ninais na magising ng maaga, ngunit naalala ko na kailangan ko ng bumangon gayong ito ang unang araw ng klase ko. Kunot noong nag-angat ako ng tingin sa alarm clock at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko nung marealize na malelate na pala ako sa unang araw ng klase. Gusto kong batukan ang sarili ko ngunit wala na akong panahon para gawin pa iyon.
Dali-dali akong pumasok sa banyo ng aking kwarto upang gawin ang daily routine ko, tantya ko ay limang minutos lamang ang inilagi ko sa banyo at dali-dali na rin akong lumabas upang magbihis. Bumaba ako sa hagdan habang sinusuklay ko ang aking matigas na buhok, madalas ay buhol-buhol ang inaabot ng buhok ko dahil hindi ko ugaling mag-ayos sa aking sarili.
Naupo agad ako sa harapan nila Mama Elain at Tatay Patrick, ang mga magulang ko. Sunod-sunod ang naging pagnguya at paglunok na ginawa ko. Nakakainis lang at unang araw ng klase ay mukang malelate pa ako.
"Dahan-dahan Stacey at mabulunan ka sa ginagawa mo." Suway sa akin ni Mama. Sinulpayapan ko lang ito at muling itonuon ang aking paningin.
"Wala ng oras Ma, malelate na ako e." Natalsikan pa ang ilang kanin dahil sa pagsasalita ko gayong puno ang aking bunganga.
"Umayos ka nga! Parang hindi ka babae kung umasta." Suway naman ni Papa. Napairap na lang ako at saka dagliang tumayo at uminom ng tubig. Nagtungo agad ako sa lababo upang magsepilyo.
Natapos ang pag-aayos ko ay isinabit ko agad ang bag ko sa aking balikat at dinaluhan ng halik ang aking magulang sa kanilang pisngi.
"Alis na ako Ma, Pa." Pamamaalam ko. At lumabas na ng gate.
"Ingat ka ah!" Sigaw ni Mama. Kumaway na lamang ako ng hindi siya nililingon.
Dali-dali akong naglakad at agarang nagtungo sa waiting shed para maghintay ng dyip. Lumipas ang limang minuto ngunit maski isa man lang ay walang dumadaan, kung may dadaan man ay punong-puno. Hindi naman pwedeng sumabit na lamang ako sa dyip dahil siguradong hahanginin ang palda ko, hindi pa naman mahaba ang palda sa bagong paaralang papasukan ko ngayon.
Ngayon ko lang kase mararanasan na pumasok sa paaralang exclusive for wealthy student at hindi ako yun. Sadyang utak lang ang puhunan ko at nakapasok ako sa isa sa mga malaking paaralan sa Maynila. Heart Stone Academy.
Npapadyak na ako dahil wala man lang akong matyempuhan na sasakyan, nagpalinga na lang ako at napatingin sa wall clock ng isang karenderya. Kunot noong naisipang lakarin na lamang ito kahit pa na sa tingin ko ay malayo-layong lakaran ang gagawin ko.
Tanaw ko na sa hindi kalayuan ang napakalaking paaralan nasa simula ngayon ay papasukan ko ng biglang may humila sa braso ko at dinala ako sa iskinta. Hindi ko masyadong maaninag ang muka ng humila sa akin dahil nasisinagan ng araw ang aking muka, bagaman malabo ang imahe ng lalaki sa aking harapan ay alam kong may katandaan na ito ngunit hindi ito ganung kalaki.
"Ibigay mo na sa akin Miss yung bag mo kung ayaw mong masaktan." Malalim ang kanyang boses at sapat para matakot kung sino mang pagnanakawan niya. Ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng takot at sa halip ay napangisi pa ako.
{-_-}
'Ganito na ba kadesperado ang mga tao ngayon? Tss!'
Naramdaman ko ang tulis sa aking bewang, bagaman madiin ang pagkakadikit nito sa balat ko ay hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Bad Boy Meets Ms. Nerd. (EDITING)
RomanceNaranasan mo na ba ang MAGMAHAL? Eh yung MASAKTAN habang NAGMAMAHAL? At patuloy na NASASAKTAN dahil sa iyong NARARAMDAMAN? Yung nag-umpisa sa ASARAN Na naging MAGKAGUSTUHAN Na nauwi sa SAKITAN At natapos sa IYAKAN At sabi nga nila na T...