Galawang Koreano

215 8 11
                                    


Soundtrack: Where My Love Goes - Lawson

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, paulit ulit na lang ang nangyayari sa buhay ko. Isa kasi akong working student. Sa school, sa bahay at sa trabaho lang umiikot ang mundo ko. Madalang akong lumabas 'di katulad ng ibang kabataan pero regular akong pumupunta sa isang café malapit sa pinagtatrabahuhan ko.

Kada pupunta ako doon, I always take the same seat. Hindi ko alam kung bakit. Just out of routine, I guess. Tuwing pumupunta naman ako, bakante yung pinepwestuhan ko na para bang may pangalan ko 'yun.

Araw ng Lunes at final week na namin sa school. Tapos na ang shift ko at may dalawang oras pa ako para mag-review. Dahil mas malapit yung café sa school kaysa sa bahay, doon na ako tumambay.

"The usual?" sabi nung barista na si Mark. Feeling ko rich kid ako tuwing sinasabihan ako ng ganun. Alam naman ni Mark 'yun kaya panay ganun ang bungad n'ya sa 'kin. Tropa kasi kami.

Tumango ako at umupo na sa pwesto ko pagkabayad.

Nagsimula na akong magbasa at kahit na nakuha ko na yung pagkain ay hindi ko agad nakain dahil sa puspusang pagre-review.

"Annyeonghaseyo!" sabi ng isang lalaki. 

Out of curiosity, napatingala ako mula sa libro na binabasa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sa direksyon ko nakatingin 'yung Koreano. Lumingon ako sa likod ko. Walang tao. Lumakas kabog ng dibdib ko. Ako nga kaya kausap nito?

"Excuse me?" paninigurado ko. Sa dinami dami ba naman kasi ng babae sa mundo, hindi ako makapaniwalang ako pa ang naisipang batiin ng isang gwapong nilalang.

Parang bumagal yung oras nang ngumiti s'ya sa akin at itinaas ang kamay saka bahagyang ikinaway. Tipid na ngiti at tango lang ang isinukli ko bago bumalik sa pagbabasa.

Napaisip ako bigla habang kumakain. Mapuputi ang mga ngipin n'ya. Ang ganda ng ilong n'ya. At 'yung chinito n'yang mga mata na kumikinang? Naku! Pamatay. Samahan pa nung kilay at panga n'yang pak na pak! Hindi kaya artista 'yun?

Aishh!

Nadismaya ako. Nakalabas na kasi agad yung Koreano at hindi man lang ako nakapagpa-picture.

Habang kumakain ako ay bigla akong nilapitan ni Mark.

"Tol, type ka nun!" aniya.

Napabuga na ako ng hangin. "Ano ka ba, tol? Bumati lang type na agad? Malay mo naman nasa culture lang talaga nila ang pagiging polite."

"Pustahan tayo?" hamon ni Mark. "Kung 'di ka type nun, bakit ikaw lang ang kinawayan?"

"Tss. Bawal mag-assume, 'no. Nakakamatay. Saka, buti nga kung babalik pa dito 'yun," sagot ko.

"Maniwala ka sa 'kin," determinadong sagot ni Mark.

Lutang ang isip ko habang nakatulala sa screen noong gabi na. Naalala ko na naman kasi 'yung nangyari kanina, lalo na at nanunood ako ng paborito kong Korean drama. Paano ba naman kasi? Sobrang gwapo nung Koreano kanina. Para talagang siyang artista. Kung naging babae 'yun, sigurado akong mas maganda pa sa 'kin 'yun.

Napangiti na lang ako nang saktong sakto sa iniisip ko 'yung linyang binitawan ni Cha Shi-ah, isang character sa pinapanood ko.

 "How can he be prettier than a girl?"  

One-shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon