Soundtrack: Thunder - Boys Like Girls"Tigilan mo nga ako, Martin." Naiiritang sabi ko.
Ang kulit kulit n'ya. Tawagin ba naman akong "The Crying Lady" kada magkakasalubong kami dahil lang naiyak ako sa pressure during our math exam. He's unavoidable pa naman. Bukod kasi sa magkaklase kami, magkabarkada pa kami.
"Give me a good reason why I shouldn't bother you then I won't." aniya.
"Because you're annoying?" Natatawang sagot ko.
"Bahala ka nga d'yan, Shem." Pabiro niya pang sabi saka umalis.
Maya-maya nag-vibrate na yung cellphone ko at sigurado akong alam ko kung sino 'yon.
From: Martin
Never. :D
Bigla akong dumukdok sa desk para lang maitago yung ngiti ko. Eh kasi naman!
Nag-uusap kami sa personal pero madalang pa sa patak ng ulan. Kadalasan kasi buong barkada kami kung lumabas kaya kung mag-usap kami hindi naman direkta sa isa't isa. Yun nga, madalang pero madalas pang lumabas sa bibig n'ya puro pang-aasar. Nakakairita kaya.
Tuwing magkatext naman kami (which is more often), medyo matino naman s'yang kausap. May pagkakalog nga lang talaga s'ya sa personal.
Over the summer, s'ya yung madalas kong katext. Yung mga makukulit n'yang paandar ang bumuo sa summer ko.
Minsan nga, nagkaron ng power interruption at buong araw walang kuryente. Nagulat na lang ako nang bigla s'yang nagtext.
From: Martin
iDaho tayo.
Ako naman dahil walang alam ay napa-Ha? na lang. In-explain n'ya naman sa 'kin na isang com-shop pala 'yon sa kabilang bayan na may snack bar. Dahil nga sa kagustuhan kong makatakas sa mainit na panahon, sumama ako.
Kinilig ba ako?
Hindi.
Bulag pa kasi ako nung mga panahon na 'yon. Hindi ko pa napapansin na yung trato n'ya pala sa 'kin iba na kaysa sa ibang mga kaibigan namin. Saka, hello? Marami kaya kaming pupunta.
"Ano naman kaya gagawin ko dun?" Nag-aalalang tanong ko nang nasa sakayan na kami ng jeep. Puro lalaki kasi sila. "Umuwi na lang kaya ako?"
"Ano ka ba? Andito ka na. Edi mag-Facebook ka o magkakain ka na lang habang nagdo-Dota kami mamaya." sagot niya.
Maingay yung mga lalaki habang naglalaro. Ako naman naka-headset lang, nakikinig sa music habang naglalaro ng Habbo. Usong-uso pa noon yung kantang Crush ni David Archuleta. Bagong sikat kasi.
Siguro nagtataka kayo kung bakit puro lalaki mga kasama ko. Ako rin, eh. I've known most of them since childhood at sobrang at ease ako kahit kasama ko sila. Hindi ko nga alam kung sobrang naive lang ba talaga ako o wala naman talagang malisya sa 'min yung ganun.
Pagkatapos lang ng ilang kanta, bigla s'yang lumapit sa 'kin.
"Tapos na agad kayo?" kunot noong tanong ko. Wala pa yatang kalahating oras ang dumaan.
"Hindi ah," natatawang sagot n'ya. "Na-injury lang kasi yung player ko kaya pahinga muna ko."
BINABASA MO ANG
One-shot Collection
Short StoryA collection of teen romance short stories with a bonus playlist. ^ #927 Tag-lish Date started: April 2017 Date finished: -- © 2017 KRYS KRAFT ALL RIGHTS RESERVED