ENTRY (5)

262 8 3
                                    

Tzuyu was sweating nervously. Papunta na ang kanilang van sa MBC  para sa contract signing. Kahit anong gawin pang pag aalo ng kaniyang mga unnie ay hindi pa rin mapakali si Tzuyu.

Sakay ng van sina Tzuyu, Jihyo, Jeongyeon at ang kanilang manager. Tahimik lamang sila but Tzuyu was becoming restless on her seat.

"Manager-nim sure na po ba talaga na ako ang sasali sa reality show na 'to?" Tzuyu asked for the nth time.

Their manager sighed. Naiintindihan niya ang nararamdaman ni Tzuyu sapagkat noon pa man siya na ang naghahandle ng Twice at talagang mahiyain ito. Ngunit sa pagkakataong ito she needs to get out of her comfort zone.

"Tzuyu ikaw talaga kase ang gusto ng mga producer. At saka naaprobahan na rin ng management eh." their manager patiently explained.

Tzuyu shook her head in defeat. That was her last attempt to persuade her manager.

"I understand" she replied in a small voice.

Seeing their maknae disappointed-- Jihyo and Jeongyeon tried consoling her.

"Alam namin na kinakabahan ka dahil first time mo sumali sa isang reality show na ikaw lang, pero Tzuyu you should take this as a learning experience." saad ni Jeongyeon.

"At malay mo Tzuyu after nito magiging kasing galing ka na ni Jae suk sunbae sa pagiging variety show host" Jihyo joked. Making the atmosphere light. Dahil dito napangiti si Tzuyu at medyo nawala na ang kaniyang kaba.

"Thanks Unnies"

Maya-maya pa ay naalala ni Jihyo ang kaniyang dapat na itinanong sa kanilang manager.

"Manager-nim alam niyo na po ba kung ano ang sasalihan na reality show ni Tzuyu?" Napakamot naman ng kaniyang ulo ang kanilang manager.

"Hindi ko natanong eh. Pero pagdating natin dun malalaman rin natin." their manager replied.

Dahil dito ay naghulaan naman ang kaniyang mga unnie sa kung anong variety show ang sasalihan ni Tzuyu.

"Baka sa running man as temporary member." hula ni Jeongyeon.

"Hindi pwede kasi pag ganon dapat yung mga may experience na ang kukuhanin nila kasi mataas ang ratings ng Running man." Jihyo explained.

"Aha! Baka sa Knowing bros, palagi tayong nag guguest dun diba." Jeongyeon stated. Napaisip naman si Jihyo.

"Ano ka ba. Puro lalaki ang cast nun. Bat naman sasali si Tzuyu doon." saad ni Jihyo. Nag shrug lang si Jeongyeon sabay sa got. "For ratings?"

Tzuyu has heard enough. "Alam ninyo unnie, malalaman rin natin mamaya kaya pwede ba wag muna tayong maingay?" Tzuyu pleaded. Ngumisi naman si Jihyo at Jeongyeon.

"Oh narinig mo si boss Tzuyu. Wag daw tayo maingay." saad ni Jihyo. Tumawa lang si Jeongyeon at ang kanilang manager. Tzuyu just shaked her head.

Pagkatapos nun ay natahimik naman ang loob ng van. Dahil sa suporta ng kaniyang mga unnie ay nawala na ang kaba na nararamdaman ni Tzuyu.

ALWAYS BEEN YOUR GIRL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon