chapter 8

20 0 0
                                    

Sue Corpus on duty!

Hayy! Salamat! Makakahiga na rin. Hwehehe. Mas likas na mas malambot ang kama nya kesa sa kama ko na nasa bahay ko. Ibang klaseng foam ata ang gamit nya.

Pabagsak akong humiga sa kama. Nanatili akong nakahiga ng ilang minuto. Hayy. Ilang bwan pa ba ang itatagal ng misyon na to? Dati naman ay isang bwan lang okay na.

Hindi kasi pwedeng isang linggo lang kasi lust lang ang mangyayari samin ng target ko kaya hindi sya masasaktan kaya kaylangang mas tagalan pa.

Grabe naman kasi ang tibay nitong si Felix. Bato pa ata ang puso nito eh. Akala ko bakla sya kaya ang ilap nya sakin pero totoo palang straight sya. Nakakaasar.

"Wutduh!" Ouch! Sinamaan ko ng tingin yung tumulak sakin mula sa higaan. Bwisit toh!

"Hoyy! Ako dyaaaaannnn!!!!" Inis na sigaw with matching padyak pa.

"Anong ikaw? Akin tong kama na to! Dun ka sa labas!" Sabi nya at dumapa sa kama.

"Ako dyan! Ako ang babae so–"

"Babae? May matres ka pala?" Putol nya sa sasabihin ko.

"Namo! May matres ako! Itapal ko sa mukha mo yung pad ng ginamit ko para alam mo!"

"Yuck! Ikaw nalang!"

"Ayaw mo umalis ah!" Umupo ako sa gilid ng kama at tinulak ko sya.

Loko to! Ang tibay! Tinulak din ako. Pero asa pa na magpatalo ako kata humiga ako sa kama at tinula ko sya. Todo ko pa ang lakas ko kaya ang ginawa ko ay tinuon ko ang paa ko sa  dingding para maitulak ko sya gamit ng balikat ko. Mukhang epektive naman. Kasi nung malapit na syang malaglag ay kinapitan nya ako braso kaya ang ending ay nasama ako sa pagbagsak nya.

Ganda pala ng mga mata nya no. Brown. Taray. Haba ng pilik mata.

Natauhan ako sa pwesto namin kaya nakaisip ako ng ideya.

"Araaay!" Daing ko at hinawakan ang tuhod ko. Nagpanggap ako na tumama ang tuhod ko sa sahig pagbagsak ko.

"Oh problema?"

"A-ouch!" Daing ko pa lalo para magmukhang masakit na talaga. Hehe. Laughtrip mukha nya.

"Ayst! Yan. Puro landi kasi!" Inis na sabi nya at binuhat ako. Landi? Gago to ah!

Sinabunutan ko sya habang nadaing. Wala lang bwisit sya eh.

"Shet! San galing yung sabunot?!"

"Aray!!"

"Takte! Saglit! Kukuha ako ng yelo sa kusina!" Sabi nya nung hiniga ako sa kama.

Daing ako ng daing bago sya nakalabas ng kwarto. Nung makalabas sya ng kwarto at nasa kusina na ay tumayo ako.

"Haha! Bleh!" Asar ko sa kanya at nakita kong patakbo na sya pabalik!

"Syet!" Sabi nya kaya sinarado at nilock ko na yumg kwarto. Dinoble lock ko pa para sigurado.

Narinig ko ang bawat kalabog nya sa pinto.

"Bwisit ka Ariana! Buksan mo to!" Sabi nya habang kumakatok.

"Goodnight!" Sabi ko habang natawa.

"Arrgh! Patay ka sakin bukas!

Naglakad ako pabalik ng kama. Pero nakaramdam ako ng sakit sa likod ko.

Ouch! Nabigla ata dun sa pagtulak ko kanina kay Felix! Langhiyang yun! Gano ba kabigat yun?!

"Ouch! Hoo!" Grabe hirap humiga. Tss karma ba to? Ang sakit!

Felix Navidad on duty!

Nakakainis! Akin tong bahay. Pero bakit di ako makatulog sa kwarto ko? Arggh! Sakit na ng likod ko kakahiga sa sofa. Nako kung lalaki lang yun baka nabugbog ko na yung babaeng yun!

"Linisin mo yan", sabi ko sabay hagis ko sa kanya ng basahan pag labas nya ng kwarto sabay turo sa may cabinet sa kusina.

"Woah! Umagang umaga naman!" Sabi nya sa pagkabigla inismiran ko lang sya.

"Linisin mo yan. Bye" iniwan ko sya sa sala sabay pasok sa kwarto. Nag bihis ako ng damit. Wala naman talagang kalat yung cabinet dinumihan ko lang bwisit eh

Sue Corpus on duty!

Yung salubungin ka ng lumilipad na basahan pag labas mo ng kwarto? Hindi cool yon. Nakakabwisit yun. Ganda ganda ng umaga ko sinira nya agad. Pwede naman sabihin ng ayos may pabato bato pa ng basahan. Basa pa yung basahan. Ihahagis ko sana yung basahan pabalik kaso..

Syet. Wet look. Top less. Towel. He's so damn ho... hoy! Sue! Gaga ka! Kailan ka pa naging ganyan! Ikaw dapat pinag papantasyahan!

Dahil sa naisip napa face palm lang ako. Teka bat basa?

Tsaka ko lang naisip na.yung basahan ang naiface palm ko. Face palm? Baka face rug? Arrgh! Nababaliw na ko! Kasalanan ng christmas na yun!

Dali dali ako naghilamos at nag toothbrush.

Nag hahanda ako ng panlinis ng lumabas sya kaya nakaisip ako ng idea.

Kumuha ako ng upuan at pumatong sa upuan para maabot ko yung cabinet. Oo alam kong gasgas na tong naisip ko sa mga drama. Pero..

Uwaah! Desperada na ako! Gusto ko nang umalia dito!!

So hinintay ko na yung paglapit nya kasi akmang tatayo na sya.

"Woah! Ahhh!" Sigaw ako para mukhang totoo. At nagpatihulog na ako at sinalo ako! Sinalo ako hindi ng mainit nyang braso! Sinalo ako ng malamig na sahig! Asa ako sa gago na yun!

Tumayo ako at inis na bumaling sa kanya.

"Ang sama mo! Wala kang ni katiting na gentle man sa katawan mo! Nakita mo nang malalaglag na ako pero di mo ko sinalo!"  Inis na sabo ko habang iniinda yung balakang ko.

"Bakit kita sasaluhin? Eh katangahan mo yan? Hindi ko kasalanan na tanga ka kaya bahala ka jan" sabi nya sabay sarado ng ref at balik sa lamesa.

Sinamaan ko sya ng tingin at pinatay ko sya sa isip ko.

Felix Navidad on duty

Di ako tanga. Alam ko ang ginawa nyA. Style na bulok. Baba baba lang ng cabinet huhulog pa sya.

Ganon ba ako ka gwapo para maging desperada sya? Sus haha sanay na ako jan.

Umupo ako sa lamesa at uminom ng kape. May tumunog sa cellphone ko at tinignan ko yon. Txt lang pala dahil sa mga meeting. Bukas pa naman yun.

Di ko alam pero napatingin ako sa kanya. Naglilinis sya sa may bandang baba ng kabinet. Dahil dun kitabg kita ang.... syet! Lalaki ako. May chance na mapatingin ako sa isang babae.

Grabe pala talaga ang hubog ng katawan nya. Bilog na bilog. Ang laman laman.. teka! Ano to! Kailangan kong makaalis dito!

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko

"Hello? Ok. Im on my way!" Sabi ko sabay aalis na ng condo pero bago ako lumabas narinig ko sya.

"Felix! Yung cellphone mo baligtad!"

Dahil din tinignan ko cellphone ko. Fvck. Nakabalgtad nga. NaPasabunot ako sa inis dahil dun

------

Jungmal mianhe. Sorry na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartbreaker's Company IncorporatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon