five

9 0 0
                                    

¤Dandre's Pov¤

Okay lang saken ung pag-reject ni patrishia sa mga gift ko, may isa namang babae na kahit kelan di ako nireject, hindi ako niloko, at hindi ako sinaktan. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko, sobra. Hindi rin ako aalis sa tabi nya

Noong mga panahon na pinatuli ako, nandoon sya naghintay sa labas ng clinic, siya pa nagpahiram ng palda saken. Tawang tawa siya sa itsura ko kahit masakit, basta nakikita ko siyang nakangiti, masayang masaya na ko.

Ayokong nasasaktan ang bestfriend ko, kahit lagi kaming di magkasundo alam kong di nya ko natitiis.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

▪Monic▪

It's 7:30 at 8:00 ang first class namin ni dan pero wala pa siya, kaya naisipan kong mauna na ko, baka late lang.

Nagsimula na ang first class namin at wala siya, tinanong ko sa mga lalaki nyang kaibigan baka nagbasketball lang pero hindi, hindi sya pumasok.

Nung dismissed na kami agad agad akong umuwi, nagbihis at pumunta sa bahay nila kasama ko si cassy nun dahil gagawa kami ng project ng sabay.

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

●Cassy maganda●

Madaling madali si monic maglakad nun, bakas sa mukha nya ang pagaalala dahil sa nangyari nung valentine's kaya agad agad syang umuwi at nagbihis sabay punta sa bahay nila dan.

Nagaalala siya, halata naman

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

"Nagaalala ka ba?" Tanong ni cassy

"Oo naman, baka ano na nangyari dun"

"Ano ka ba! Baka masamaa lang pakiramdam okaya tinamad lang kaya gumawa na tayo ng project"

"Hindi pwedeng hindi ko siya bisitahin, kahit tinamad lang sya, mas gugustuhin kong makita siya kesa magalala"

"Okay" pairap na sinabi ni cassy halata ang pagkatamad maglakad

Nung dumating kami sa bahay nila dan nagdoorbell si cass at lumabas ang nanay ni dan, si tita karen.

"Hi tita karen, nandyan po ba si dan?"

"Ay oo, nasa kwarto nya, pumasok muna kayo"

Binuksan ni tita karen ang gate at pumasok kami ni cass

"Masama pakiramdam ni dan kaya di siya nakapasok, medyo namumutla at mataas din ang body temperature nya"

"Ay ganun po ba, hayst"

"Dan! Nandito si monic at cassy" pasigaw na tinawag si dan.

"Ay iha kayo nalang pumasok dun, masama nga pala ang pakiramdam"

"Opo, salamat po"

Kumatok kami sa kwarto ni dan

"Dan... dan..... dandre..."

Wala namang nagbukas ng pinto kaya pumasok nalang kami ni cassy

"Dan......"

Natutulog pala si dan, ang cute ng mukha nya pag natutulog, ang inosente parang walang alam sa mundo, cute.

"Monica! Kain muna tayo" panira naman si cassy oh!

"Mauna kana sige na basta balikan moko dito ah"

"Oo na, wait lang ah"

Tinitigan ko lang si dandre habang natutulog, nakalimutan ko na nga rin na may sakit siya e, ang cute nya, para siyang anghel na kay inosente kaya ko siyang titigan buong araw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hanggang diyan muna..

Ideas please

Please

~nikol~ xoxo

i fell inlove with my bestfriendWhere stories live. Discover now