Two

8 0 0
                                    

~Sa School~

《》《》《》《》《》《》《》《》《》

"Kelan ba matutuyuan ng laway yan si Ms. Topacio??!! Kanina pa nagring ang bell putak parin ng putak nguso nya" pabulong na sinabi ni pat sakin

Medyo natawa ako sa sinasabi ni pat at narinig ito ni Ms. Topacio or A.k.a Daisy Duck

"Oy! Kayong dalawa dyan sa likod, anong pinagbubulungan nyo?!" pasigaw na taong ni Ms. Daisy Duck

"Ay wala po Ms. Dai-s este Ms. Topacio" painosente kong sinabi

"Siguraduhin nyo lang" at bumalik narin sya sa pagputak nya

Mga 10 mins din ang lumipas bago nag dismiss si Ms. Daisy Duck at nagmadali na rin akong magayos ng gamit dahil balak namin kumain ni Dandre sa labas.

"Oyy anunah dandre?! Gutom na ko!" Pasigaw kong sinabi sakanya habang nagmamadali syang magayos ng gamit.

"Oo na po madam ito na po"

"Bilisan mo!"

Nakalabas na kami ng campus at mga bandang 6:30 narin at medyo madilim na pero gusto ko padin ng friessssssss kaya dumaan kami ng mcdo. Habang naglalakad kami di ko maiwasan ang mapatingin sakanya, di ko na nga lang napapansin na nakakatitig na pala ako sakanya at muntik na ko masagasaan e.

"Ano ba?! Tumingin ka sa nilalakaran mo" pasimangot na sinabi ni dandre

"Sorry, medyo pagod lang"

Pero ang totoo nakatitig ako sakanya .. paano kaya ako nainlove sa bestfriend ko no?! Ung bawat galaw nya na wala namang malisya ay sobrang halaga na sakin nun kahit bestfriend lang ang turing nya sakin, i know we'll be more than that. Pero ayoko sirain ang friendship namin na pag umamin ako sakanya magiiba na ang turing niya sakin kaya i'd rather be his bestfriend than nobody.

Ilang sandali lang nakaorder na ko ng fries at dumiretso na pauwi dahil halos magkatabi lang bahay namin ni dandre kaya araw araw kaming sabay umuwi at sabay pumasok. Kaya nga mabilis kaming naging close at marami rin kaming similarities lalo na ang hilig namin sa stars.

Sobrang calming kasi makakita ng stars at nawawala problema ko pag nakatingin ako sa stars lalo na pag kasama ung taong mahal ko. Lagi niya kong sinasamahan sa park at nandun lang kami nakatingin sa langit. He's so precious at laging kong pinapasalamatan si Lord dahil kahit papano may mga taong nakakapagpasaya sakin.

i fell inlove with my bestfriendWhere stories live. Discover now