Part 1

135 0 0
                                    

Hello. Ito ang kuwento kong lumalabas sa Pahayagang BULGAR. Wala pang nakalagay na Titulo rito kaya sana tulungan mo akong makapag-isip ng titulo.
Maraming Salamat.


1995. DALAWANG  linggo pa ang kasal ni Margarita kay Gerardo ngunit excited na excited na siya. Paano ba naman, magpapakasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Kaya,  nais niyang masigurong magiging perpekto ang kanilang pag-iisang dibdib.
"Relax ka lang bestfriend," nakangiting sabi ni Sofia.
Masyado siyang masaya ng mga sandaling iyon kaya hindi niya napansin ang lungkot na nakikita niya sa mga mata nito. Malalim na buntunghininga ang pinawalan pa nito pagkaraan kaya hindi na niya napigil ang ma-curious. Salubong na salubong ang kilay nito ng magtanong. "May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
Nang salubungin nito ang kanyang tingin, hindi pa rin nawawala ang lungkot sa mga mata nito. "Mami-miss kasi kita."
"Sus, para namang aalis ako. Ikakasal lang ako. Magkikita pa rin tayo." Napabuntunghininga rin siya pagkaraan. Hindi rin kasi niya alam kung matutupad ba niya ang pangako niya dahil tiyak na magiging abala siya sa buhay may asawa. Saabi rin ng mga magulang niya kailangn ay malaman niya ang pasikut-sikot sa kanilang ospital.
"HUwag mo na akong alalahanin. Siyempre, mami-miss lang kita at..." Umiling ito sa halip na ipagpatuloy ang sasabihin pero agad din nitong dinugtungan ang sinabi. "...at ang samahan natin."
"Basta ipanatag mo ang kalooban mo. Hindi tayo magkakasira dahil lang sa magkakaasawa ako. Ikaw naman kasi, bakit lahat na lamang ng nanligaw sa'yo ay binasted mo."
"Hindi kasi ako makakita ng tulad ng boyfriend mo."
Lalo siyang napangiti. "Talagang mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend kung hahanapin mo lahat ng katangian ni Gerardo. Siya na lang yata kasi ang natitirang perpektong lalaki. Mala-prinsipe at knight in shining armour."
Tumango ito. "Hindi na baleng mapanis ako sa paghihintay basta ang gusto kong matagpuan ay ang lalaking magmamahal talaga sa akin," matabang nitong sabi. Parang ang bigat-bigat ng dibdib.

Nobela ni Maria Angela Gonzales (Published at BULGAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon