Part 2

113 0 0
                                    

2017. Hindi napigilan ni Nicole Nuestro Agustin na  kagatin ang pang-ibabang labi dahil sa sakit na naramdaman niya dahil wala man lang karea-reaksyon ang ina nang makita ang kanyang report card.
Dapat ay sanay na siyang tila hindi pinahahalagahan ng ina ang kanyang presensiya ngunit masakit pa rin talaga lalo na't ginawa naman niya ang lahat para matawa ito. Puro 90 plus ang kanyang grade at siya ang naging valedictorian sa kanilang eskuwelahan ngunit parang hindi pa rin nasisiyahan ang kanyang ina.
Sabi ng kanyang ama, unawain na lang niya ang kanyang ina dahil marami itong iniisip. Ito nga ang namamahala ng Nuestro Hospital. Dahil doon, halos hindi na ito umuuwi sa kanilang bahay. Para tuloy gusto niyang isipin na hindi naman talaga sila mahal ng kanyang ina. Kung totoo kasi ang pagmamahal nito sa kanilang pamilya, tiyak na gagawa rin ito ng paraan para sila ay pansinin kahit kaunti.
"O, may kailangan ka pa ba?" kunot noong tanong sa kanya ng ina. 
"Gusto ko sanang mag-dinner tayo ni Daddy sa labas, Mommy."
"Marami akong gagawin."
Hindi na siya nagulat sa isinagot nito. Kahit naman kasi kailan ay hindi ito nagbigay ng oras sa kanilang mag-ama. Kung minsan tuloy hindi niya napigilang tanungin ang kanyang ama kung bakit nito pinakasaln ang kanyang ina. Sagot nito, dahil mahal nito ang kanyang ina. Ngunit, hindi nakakibo ang kanyang ama ng tanungin niya ito kung mahal ba ito ng kanyang ina.
"Please po...ngayon lang po. Promise, hindi na ulit ako manghihingi ng pabor sa inyo. Gusto ko lang po talagang makasama kayo. Gusto ko namang maramdaman na may Mommy at Daddy ako."
"Ang drama mo naman." Pagkaraan, malalim na buntunghininga ang pinawalan nito. "Sige, payag na akong mag-dinner tayo pero gusto ko by 6pm handa na kayong mag-ama. Ayokong maghintay sa inyo, naiintindihan mo? Mahalaga ang bawat oras, hindi natin dapat sayangin. Huwag nating bibigyan ng panahon ang mga ahas na makapamuksa sa ating buhay," matalinghaga nitong sabi. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nobela ni Maria Angela Gonzales (Published at BULGAR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon