Alexa's POV:
Mga ilang araw na ang nakalipas, tumagal at tumagal na ang pagkagusto ko sa paaralang ito.
May mga pagsubok. Mayroon ring kalayaan.
Kapag nasa dilim ka, maabot mo rin ang liwanag.
Kapag binaha ka ng pagsubok, makaka-akyat ka sa bundok upang maging ligtas.
Kapag umaakyat ka sa bundok, makakatapos ka rin.
Ganoon lang naman ang mga pagsubok eh, kaya, kaya rin natin to.
Sabado rin naman ngayon, ibibigay ko na lang ngayon ang aking katawan sa higaang ito.
Pabagsak akong humiga at nakatingin sa puting kisame. Hay...
Kinalma ko na lang ang sarili ko.
At, binalot na ako ng dilim.
Kahit yumanig ang mundo, hindi ako gigising.
"Hoy!"
Ikaw talaga Anne!
Babawiin ko na ang sinabi ko, gumising na ako, balikat pa lang ang yumayanig...
Ugh!
"Magkita daw kayo ni Xander sa Canteen!"
"Ayaw ko." Lumiko ako sa opposite direction against Anne.
"Edi wag. May sasabihin pa naman siya sayo."
"Ayaw ko nga. Ugh!"
•Π•
"Bye na nga--"
Sumabog sa aking teinga ang tilian ng mga babae sa baba.
"Ano ba iyon?" Tanong ko.
"Tara tignan natin!"
Bumaba na kami para tignan. Wala akong paki kahit naka pajamas ako basta tignan ko lang yon.
Bumungad sa akin ang isang taga star section na nakabulagta lang sa sahig which means kaklase ko.
Kita ko sa leeg nya isang bala ng baril at mga galos sa kanyang katawan na malamang ay kutsilyo ang weapon.
Teka lang.. Hindi pa ang tamang oras. Kita ko sa paligid na umaga pa. Bakit?
5:00pm-5:00am lang pwede di ba?
Hindi pa ang tamang oras ah. Tiningnan ko ang huge clock sa building na nasa gilid. Hindi pa 5:00 ng gabi ah.
Hindi ito tama.
Nakita ko sa kunting distansya ang lalaking tumatakbo papunta sa Office. Bakit naman?
Halata sa kanyang buhok nasiya ay si Carlo. Ano bang nangyari?
Susundan ko na sana si Carlo ngunit hinawak ni Anne ang kamay ko at hinila ako papunta sa canteen.
"Bakit ba kasi-"
Tumigil ang aking pagsasalita when i saw Xander staring at me.
His cute eyes. No. I hope this won't happen.
It can't be.
"Alexa..."
"Xander?"
"Oh yan na. Bahala na kayo diyan."
Nakasuot sya ng simple. Ngunit mukhang pormal.
"Ano ibig sabihin nito?"
Lumapit siya sa akin at lumuhod.
"Alexa, gusto ko lang sabihin sayo na sana may malawak akong space diyan sa puso mo lalo na ikaw. Gusto ko lang na mapasa-akin ka. Mahal kita. Tatangapin mo ba ako bilang-"
"Huwag mo ituloy ito."
"Please lang. Mahal kita. Tatangapin mo ba ako bilang boyfriend?"
"S-sorry Xander. Hindi ako handa ngayon. Hindi ako handa upang ibigin ka. May space ka dito sa puso ko ngunit ito ay para sa matalik na kaibigan lamang. Hanggang kaibigan lang muna, Xander."
At iniwan ko na siya doon ng mabilis at na may mainit na tubig sa aking pisngi. Bakit ba? Ako na nga yung nanakit, ako pa yung masasaktan?
Alam kong kinurot ko ang puso niya, pero di niya ako mapipilit dahil hindi pa ako ready.
Pasensya na.
BINABASA MO ANG
Santima University [On Going]
Mystery / ThrillerCome and walk in. Its a great adventure. Full of mysteries. Its a great school of mystery. "Your name." You'll be amazed.