(4)- Know

0 2 0
                                    

Alexa's POV:

"Time check is 2:00, class suspended."

Nagsabi na kami ng goodbye sa isa't-isa at malamang, ako, papunta na ako sa canteen para sa pag-uusap namin.

Nagmadali na ako ng bumungad sa akin ang kaninang lalaking nakatingin sa akin ng  seryoso, at ngayon nakatingin ulit sya sa akin ng ganon.

Hinawak nya ang uniporme ko at nilapit nya ang ulo nya sa akin. At binigyan ako ng masamang at nakakatakot na tingin.

"Ito ang magiging huling araw mo, mag-ingat ka."

Napalunok ako sa tinding kaba at hanggang binitawan nya ako at mabilis na nawala sa aking paningin.

Sino ba siya ah?

Tinuloy ko na lang ang paglakad papunta sa canteen at bumungad sa akin si Rose.

"Ang tagal mo naman. Bakit ba?"

"Wala lang." Sinungaling ko.

Itatago ko na lang ang lihim na ito sa sarili ko. Ayaw ko na madamay pa sya.

"Ok. Umupo ka na. Ano ba ang unang tanong mo?"

"May history ba ang university na ito?"

"Mayroon. Ito ay dating international school. Mga amerikano at ibang taga-ibang bansa ang mga nasa star section dati. Hanggang namuno sa school na ito ang anak ng principal na si Ana Condeza na Pilipino. Sya ang inggitera sa mga amerikano at iba pa kaya naggawa sya ng alituntunin na patayin ang mga nasa star section. May sakit kasi ang principal kaya di nya yon alam."

"Ituloy mo lang." Ani ko.

"Dahil sa sobrang inggit nya, papatayin nya sana ang president ng star section ngunit nauna syang namatay dahil naunahan sya ng mga kakampi ng president."

"At ngayon, ang principal upang makaganti, itinuloy nya lang ang batas na iyon upang patayin tayo o tayong lahat sa star section. At isa pa, nandito pa rin sa atin kung sino ang presidente."

"Sino?"

"Ewan. Kaya mag-ingat tayo dahil na-iingit ang nasa lower section sa ating taga-star section. Papatayin nila tayo."

"Ano ba ang presidente? Filipino? Amerikano? Ano?"

"Filipino. Siya lang ang filipino sa star section ngayon ay marami na. Ang president ay nasa star section."

"Mayroon ka bang kotse?" Dugtong nya.

"Mayroon. Bakit?"

"Sinira nila ang makikita nilang kotse upang maligaw ang mga tao sa lugar na ito. At wala ring internet dito."

Napanganga lang talaga ako..

"At Isa pa, ang principal,tayong lahat dito sa school na ito, ay nagha-hunt sa tinatawag na Atlas upang malaman kung saan ang daan pauwi nila. Wala pa ang nakaka-alam non. At di ko yon alam."

4:30 pm na pala.

"Ok. Bye. Pumunta na tayo sa dorm natin."

"Ok. Bye."

Ngayon, alam ko na.

Santima University [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon