Chapter 27: Harana?

3.2K 64 0
                                    

Xia's POV

Nandito kami ngayo  sa school. Taena lang inaantok ako. Hay ano pa nga?


Napakatagal ba naman kasi nung teacher na bakulaw na yun! Lintek tapos kung manigaw at singhalan kami wagas!


Yung kulupong na yun! Arghh! Napapikit na lang ako dahil sa antok. Para na kong zombie kanina habang naglalakad papasok sa building namin. Hindi ako pinapatulog ng kumag na yun...alam niyo kung bakit?

Wait alalahanin ko lang.....

Flashback.....

Nandito ako sa kwarto ko habang nag-iisip kung paano isolve yung sa math. Lintek na math kasi yan! Kailangan ba ng algebra o kung ano mang anik anik jan kapag bumibili ka sa tindahan?

Pero eto patuloy pa rin sa pagsasagot ng pesteg assignment na toh. Grades eh, walang pakielamanan, grades pinag-uusapan natin dito noh. So ayun nga habang nagsasagot napatalon ako sa inuupuan ko dahil....

It's your smile,
Your face, your lips that I miss,
Those sweet little eyes that stare at me
And make me say,
I'm with you through all the way.



'Cause it's you
Who fills the emptiness in me;
It changes ev'rything, you see,
When I know I've got you with me


What the hell diba?! Kasi what the fuck! Napapamura na lang ako dahil sa siraulong lalaking nandun sa tapat ng gate namin na parang nanliligaw pero mukhang akyat bahay. Lol.


Pero yung taong kumakanta...taena yung taong mahal na mahal ko. Lels! >,<



Pero shit lang kasi ang ganda ng boses niya lintek ng yan! Bwiset hirap na hirap na nga akong sagutan tong math tapos pupunta siya para lang manggulo ng utak ng may utak?! Aba pag ako bumaba jan aambahan ko siya ng halik. Ayt!!!! Taena nadulas dapat suntok eh >____<


Pero ayun nga shet nung nakita ko siya sa bintana ngumiti siya saken. Pwede na bang mahimatay?! Tanginang lalaking yun! Ano bang ginagawa niya sa akin kaya ako nagkakaganito?! Drugs ba siya o ecstasy? Habang patagal ng patagal naaadik na ko sa kanya!


Punyeta labi pa lang nakaka-adik na!!!! Ayoko na please lang! Biglang tumunog yung phone ko..tumatawag ang pinakagwapo sa balat bg sibuyas. Hahaha LUPA pala.


"Hoy Mr. Alcantara ano na namang trip mong kumag ka?!" Sabi ko nakatingin ako sa baba tapos bigla siyang tumawa. Pinipigilan ko yung kilig ko kasi naman! Tingnan mo ha!!! Grabe napaka gwapo niya!


Bakit ang unfair! Ang gwapo niya tapos ang panget ko? Di kami bagay T^T! Haha chos akin lang siya noh!


(Tama na yang assignment! Bukas mo na gawin puro na lang aral ang iniisip mo! Ako naman! Nagseselos na ko sa assignment mo eh puro na lang yan! Yan na lang i-boyfriend mo!) Sabi niya sabay pout. Gago talaga! Kundi ba naman siraulo eh tingnan mo naman? Pati paggawa ko ng assignment pinagseselosan ng MAHAL ko. Lol. >.<



"Bakit ka nga pala pumunta dito? Gabi na ha? Lakas talaga ng tama mo!" Natawa tuloy ako. Bakit totoo naman ah?

(Wala uuwe na rin ako. Para naman makatulog ako ng mahimbing. Nakita ko na yung kanina ko pa hinahanap na falling star na NAHULOG sa akin. Nandito lang pala sa bahay na toh.) What the fudge? Napaka korny namin lintek!

"Matulog ka na! Gabi na kaya! Hay lakas ng tama nitong lalaking toh. Goodnyt na......" Naihiya akong sabihin leche! "Oo nga pala....ano uhm...... I love you sweet dreams!" Sabi ko tapos pinatay ko na. Tumalon ako sa pesteng kama.


Ang girlfriend kong gangsterWhere stories live. Discover now