Chapter 32: Accident

2.7K 63 3
                                    

Xia's POV

So nandito nga kami sa Cristales Island. At lahat ng ito ay ginawa niya na naman para sa akin.




Minsan tuloy nahihiya na ko. Feeling ko kasi napaka ma-effort niya samantalang ako ito at wala.



Magtatagal pa kaya 'to? Hanggang kailan pa kaya 'tong kasiyahang nararamdaman ko? May hangganan kaya lahat ng 'to?




Wish ko sana wala na. Feeling ko kasi lagi akog nasa cloud nine lalo na kapag inaangkin niya yung labi ko.




Akala ko puro kagaguhan lang yung cloud nine na yun. Na imaginary lang nung mga taong inlove na inlove.




Well ganun na nga ata ako. Na yung tipong hindi buo yung araw mo kapag di mo siya makita o makasama man lang.




Fuck it Vince! You always driving me crazy! Nababaliw na naman ako!



Nagising na lamang ako dahil sa amoy sunog na HOTDOG?!?! What the hell!



Bumaba ako at nagtungo sa kitchen. Shit! Napatingin ako sa ginagawa ni Vince. What's that shitty thing? Hotdog pa ba tawag jan?



Napatingin naman ako sa niluto niyang kanin. Ang galing lang kasi yung kanin niya amoy may patis tapos...bakit may mantika? Tska toyo? Ano bang niluluto niya?



Kanin ba o adobo? Jusko halata naman na expertise niya ay ang pagluluto. "Ahh good morning mahal!" Pambungad niya sa akin. Namula pa ang pisnge dahil sa nakita kong luto niya. Ngumiti ako at niyakap siya.



Nakakatawa man yung luto niya mas natuwa ako sa effort na ginawa niya. Nanghula pa yan kung paano lutuin yung kanin.



"Umupo ka muna jan at panuorin mo ko kung paano magluto ng hotdog at kanin." Natatawa kong sabi. Sinuot ko yung apron tska nagtakal ng apat na gatang ng bigas.



Hayst! Loko loko ba naman kasi. Sino ba naman kasing may sabi na magluto siya? Pero okay lang. Ang sweet nga eh. Ang kulit! Hindi marunong magluto haha!



Habang hinihiwa yung hotdog biglang nagsitaasan lahat ng balahibo dahil sa binigay na yakap ni Vince mula sa aking likuran.



What the! Hindi ako makapag-concentrate! Nanginginig yung buong sistema ko dahil sa mga bisig na pumulupot sa aking katawan. "Pwede na tayong maging mag-asawa noh? Pakasal na kaya tayo?" Bulong niya sa akin sabay tawa.



Seriously asawa agad? Bumitiw siya sa pagkakayap sa akin at may kinuha sa taas. Habang ako tinitingnan yung niluluto kong kanin.



Naalala ko dati hindi ako marunong mag-saing. Nung unang beses kong magluto nasunog tapos isang beses hilaw. Nung dati pa nga naging lugaw yung luto ko sa sobrang dami ng tubig eh.



Click! Click! Click!



Ugh! Pinipicturan na naman niya ko! Nilingon ko siya at tiningnan habang tuwang tuwa sa view na kinuhanan niya.



Click! Click! Click!



"Vince tama na yan! Ano ka ba naman! Nakakahiya! Mamaya ipost mo pa yan eh! Mukha pa kong nagii-scandal!" Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.



Hayst sige lang Vince pagtawanan mo pa ko't bibigwasan na kita!



Nang matapos ang niluto kong specialty hotdog. Lol! Kumain na kami at yung kumag tuwang tuwa.



Ang girlfriend kong gangsterWhere stories live. Discover now