Kanina ko pa inaalala ang naging panaginip ko kagabi, di ako makapaniwala na sa sobrang desperada kong magkaroon ng boypren ay nagawa kong sumbatan si cupid! at sinabing mahal niya daw ako. Kalokohan! siguro nababaliw na ako at kung ano-ano nalang ang napapanaginipan ko dahil sa kaiisip ko kung kelan ba ako mag kakaroon ng lalaking hindi ako kayang saktan.
Meron pa ba kayang lalaking marunong rumespeto sa mga babae ngayon? haha meron! sa wattpad! lol
"celyne? bakit ngumingiti-ngiti ka dyan mag isa?" tanong ng kaibigan kong si Maila.
"wala! dun kana nga sa jowa mong chaka! chee!" inirapan ko siya pagkasabi ko
"gwapo kaya si mike no! palibhasa wala kang jowa!!"
"ewan ko sayo!"
"haha pikon! teka puntahan ko muna si mike ha sabay kaming mag lalunch eh, gusto mong sumabay?"
"ayoko nga! ano ako? chaperone nyong dalawa?" inirapan ko siya, aba! gawin ba naman akong chaperone! kainis! magsama silang dalawa mga mukang unggoy! chee!So heto ako ngayon mag isang nag lalunch, pano ba naman ipinagpalit ako ng kaibigan ko sa jowa niya! Naku maghihiwalay din kayong dalawa!
Habang kumakain ako tinatanaw ko ang malaking soccer field ng aming paaralan, ang presko ng hangin at ang payapa. Masarap din naman pala sa feeling ang mag isa dahil tahimik at walang gulo pero mas masarap parin sa pakiramdam na may kasama kang magpapangiti sayo at patatawanin ka. hays!
"cupid, ibigay mo na yung lalaking para sakin please?" bulong ko sa hangin.
"celyne"
nagulat ako nang may tumabi sakin.
"sino ka? bakit mo ko kilala?"
oh my cupid! dont tell me, eto na yung lalaking para sakin? haha"haha sungit mo naman, ako si Mike Suarez, actually mag kaklase tayo ng isang subject kaya kita kilala"
"ahh, bakit ka andito? stalker kita no?"
"haha hindi no! wala na kasing upuan, kaya pwede bang maki share?"
siningkitan ko siya ng mata "ayoko!"
"bakit? may kasama ka ba?"
"w-wala!" ipaglandakan ba namang loner ako! che!
"o wala naman pala eh, pa share na"
nginitian ko siya ng pilit "heh! nakaupo ka eh, ano pang magagawa ko!"
"hehe thanks, by the way celyne narinig ko kanina na hinihiling mo kay cupid na magkaroon ka ng boyfriend" sabi niya sakin na parang nang aasar.
"h-hindi no! a-anong cupid? di na ako bata para maniwala sa mga ganyan!"
ano kaba celyne nakakahiya ka! baka akalain nitong lalaking to na nababaliw na ko -_-"haha rinig na rinig ko kaya kanina yung sinabi mo pa nga cupid, ibigay mo na yung lalaking para sakin please?" sabi niya na nag boses babae pa para magaya yung boses ko. hays! nakakahiya talaga! buset!
"a-ahh eh ano, baka naman hindi ako yung narinig mo no! ang dami kayang tao dito"
palusot ko sa kanya"ang cute mo magsinungaling haha namumula ka!"
namumula? what? agad ko kinuha sa bag ko ang foundation at nanalamin, sinapak ko siya nang makita kong hindi naman namumula yung mukha ko! nakakainis!
"alam mo di naman masamang maniwala kay cupid kasi totoo siya"