"isang mortal na tao ang minahal ni cupid"
sabi ni mike ng nakatingin lang sa libro na kanyang binabasa"pano nangyari yun?" ano nga ba talaga ang totoong kwento mo cupid? bakit napaka hiwaga mo? totoo ka ba talaga? o kathang isip kalang talaga ni mike?
"ako mismo di ko alam celyne"
"teka.. mike sino ka ba talaga ? bakit wala ang pangalan mo sa school na to?" deretsong tanong ko kay mike. natigilan siya sa pagtingin niya sa libro niya at timingin sakin. OO tama kayo, nagbackround ako kay mike pero wala akong nakuha, ni wala ang pangalan niya sa school kung saan kami nag aaral. Sino nga ba talaga siya?
Nakitingin si mike sakin ng deretso.
"ceyne..""ano dika makasagot! sino ka nga ba Mike Suare--" di ko natuloy yung sasabihin ko kasi hinila ako ni mike palabas ng room
"ano ba! may klase pa! ayaw ko mag cutting" singhal ko sa kanya
nakarating kami sa may likod ng building at hinarap niya ako sakanya
"celyne? ano kaba talaga?" aba?
"aba! dapat ako ang nagtatanong sayo niyan! sino ka ba talaga Mik--" walanjo tong lalaking to!
"isa akong gods! ikaw sino kaba talaga Celyne? Bakit ayaw ka tablan ng kapangyatihan ko?" asdfgh WHAT?
"a-anong gods? k-kapangyarihan? haha baliw ka na nga!" pilit akong tumawa dahil kinakabahan ako sa mga pinagsasabi niya.
"alam kong mahirap intindihin, pero celyne totoo kaming mga gods and goddess. Totoo din sina cupid at psyche. Di ka ba nag tataka kung bakit ang dami kong alam sa kanila?"
"shit! baliw kana nga talaga!" aalis na sana ako kaso bigla niya akong hinila palapit sa kanya at boom! nasa ibang lugar na kami!
"p-pano mo nagawa yun?" OMG!hindi to totoo celyne nananaginip ka lang!
"sabi ko nga sayo na totoo kaming mga gods and goddess"
di ako makapag salita dahil na overwhelm pa ako sa nangyari. Tiningnan ko ang lugar, para akong nasa paraiso ang ganda ng lugar ang daming puno at ang presko ng hangin idagdag mo pa ang isang falls na may malinaw na tubig.
"celyne may sasabihin ako sayo"
"totoo ba talaga to? hindi ba talaga ako nananaginip?"
"totoo lahat ng to celyne. di ka nananaginip"
"di talaga ako makapaniwala!"
"celyne may dapat kang malaman"
ano na naman to?
"ano?"
"tungkol kay cupid.." napatingin ako kay mike
"anong tungkol kay cupid?"
parang ako yata ang mababaliw dito sa kwentong to ah!"celyne si cupid ay kasalukuyang walang malay ngayon at si psyche naman ay nanghihina dahil sa kasalanan na kanilang nagawa"
"a-anong k-kasalanan nilang dalawa?"
"ang mga gods at goddess ay hindi pinahihintulutang mahulog sa isang mortal, pero sumuway si cupid doon at patuloy niya paring minamahal ang babaeng mortal, nalaman ng hari ang ginawang pagtataksil ni cupid kaya hinatulan siya ng kamatayan pero nagmakaawa si psyche sa hari.."
tumigil sa pagkwento si mike at napansin kong nangingilid ang mga luha niya sa kanyang mga mata
"dahil sa pagmamakaawa ni psyche sa hari ay binigyan siya ng mabigat na pagsubok kailangan niya mahanap ang babaeng mahal ni cupid sa loob ng 3 taon"
tuluyan ng naiyak si mike sa kwento niya, bakit kaya?
"masakit para kay psyche ang pagsubok na yun dahil mahal niya si cupid at di niya kakayaning makita ito na may kapiling na iba, binigyan siya ng panahon ng hari para gawin yun, wala kaming alam kung hanggang kailan ang panahon na iyon"
huminga ng malalim si mike at pinag patuloy niya ang pag kwento
"Habang lumilipas ang isang araw ay nawawalan na ng pag-asa si psyche na magawa ang mission dahil unti-unti na ding naghihina ang katawan niya, sa kadahilanang unti-unti naring nauubos ang oras na ibinigay ng hari, di naman niya matanong kay cupid kung sino ang mortal na iyon dahil walang malay si cupid"
"nakakapagtaka? bakit ka masyadong naapektohan sa kwento nilang dalawa?"
"dahil mahal ko si psyche, kaya ako nandito sa mundo niyo ay para hanapin ang mortal na babaeng mahal ni cupid dahil siya lang ang susi para matapos ang paghihirap nilang dalawa"
nakakalugkot isipin na kayang isakripisyo ni psyche ang buhay niya para lang sa taong mahal niya.
Sino kaya yung mortal na babaeng mahal ni cupid? at bakit sinasabi ni mike sa akin ang mga bagay na ito?
NOTE: Inuulit ko po na lahat po ng mababasa ninyo sa kwento ay kathang isip lamang ng author. Eto po ay fiction kaya lahat pwedeng gawin ng author sa gustuhin niyang pangyayari sa kwento. :)
