Chapter 2

3 0 0
                                    

"celyne totoo si cupid"

"tigilan mo nga ako mike! alam mo kumain ka na lang diyan, mukhang nagutuman ka eh!"

sinunod niya naman ako at patuloy siyang kumakain. Pero pano kung totoo nga  cupid? naku celyne wag ka magpapaniwala sa mga ganyan ginugood time ka lang niyan. Hays! pero kung totoo talaga si cupid, sana naman ibigay niya na ang hiling ko. haha ang desperada ko na talaga!

Maya-maya narinig kong nagbell na kaya naman iniwan ko na si mike doon at nagmadali sa next subject ko. Naku di ako pwedeng malate dahil terror ang prof namin sa history balibhasa kasi matandang dalaga. pwe!

Pagkarating ko sa room maaga pa ako ng 10 mins kaya naghanap ako ng librong pwedeng basahin sa bag ko, nahagip ng paningin ko ang librong 'cupid & psyche'
actually fan talaga ako ng story na ito ewan ko ba dahil perfect ang relationship nila? hays. buti pa sila!

"hindi totoo yung kwento diyan!"

napatingin ako sa nag salita. Si mike. bakit siya andito? ahh baka ditong subject kami magkaklase.

"pano mo naman nasabi?" tanong ko sakanya

"kasi hindi naman talaga nagkatuluyan si cupid at psyche"

"ha? ehh diba sabi ng libro mahal na mahal nila ang isa't isa, ehh panong hindi sila nagkatuluyan?" bakit ang dami nitong alam kay cupid? siguro fan din siya no. hehe

"gaya nga nang sabi ko hindi totoo yang kwento diyan. Hindi nila mahal ang isa't isa, actually si pshyche lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa."

"ehh? bakit? hindi ba mahal ni cupid si psyche? ang choosy na ha" pabiro kong sabi sa kanya.

"hindi. hindi mahal ni cupid si psyche" seryoso niyang sabi

"bakit? tsaka bakit ang dami mo masyadong alam kay cupid? siguro fan ka niya no? haha naku!" inasar ko siya! haha kala mo ah!

"oo"
sagot niya at seryosong nakatingin sakin, agad naman akong umiwas ng tingin sakanya. Ngayon ko lang napansin na gwapo pala si mike hehe, ang ganda ng mata niya na kulay brown at ang tangos din ilong niya, idagdag mo pa yung labi nya kay pula! aba tinalo niya pa yung lipstick ko sa pula ng labi niya!

Biglang tumahimik ang kapaligaran kaya na sesense ko na ang presensya ng prof namin.

Natapos ang araw at kasalukuyan akong nasa harap ng loptop at naghanap ng iba pang kwento tungkol kay cupid. Ano bayan! nahawaan na ako sa ka wirduhan ni mike! Pero wala! ng mga kwentong andito ay kaparehas lang sa kwento sa libro ko. Ang weird talaga nun ni mike!

Pero nagtataka talaga ako, nung sinabi ni mike ang kwento ni cupid seryoso siya at mukhang hindi siya nag bibiro.

sinerch ko nalang si mike kasi plano kong isave yung picture niya! haha ang gwapo niya kaya. Pero nakakapagtaka, walang Mike Suarez na lumabas. Ang weird talaga nung lalaking yun, baka naman di lang talaga siya sociable ! sayang naman ang gwapo niya! pwe!

Pero Mike Suarez, sino ka ba talaga?

bakit ang dami mo masyadong alam tungkol kay cupid?

Cupid's LoveWhere stories live. Discover now