Chapter 1 : Her Life

41 1 0
                                    


Tinitigan ko ang Facebook acount ko.

Shet!

Tinitingnan ko kasi ang timeline ni crush.

Kinakabahan kong iginalaw ang cursor ko sa Add friend.

Should I click it or not?

Should I?

Should I add him?

Ano na?

Huminga ako ng malalim, bago clinick ang add friend.

Tapos, ilang seconds ang lumipas.

Friend request sent.

Shet!!!

Ang kapal ng mukha ko este ang lakas pala ng loob ko.

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko dahil sa kilig. Sana iaccept niya.

Tiningnan ko na yung account ko, nagtingin ng mga post sa news feed ko hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko.

Eh? Ano ba yan! Nabasa at nakita ko lang naman na nireject ni crush yung isang babaeng varsity player ng volleyball!! Ang ganda kaya nun!

May pictures pa nga eh. Ang lakas ha nagconfess talaga siya. Ang daming comments, may mga nagreact pa nga ng sad face.

Haayy..minsan naaawa din ako sa mga babaeng nirereject niya. Ang nakakaasar kasi kay crush ay super straightforward niyang magsalita. Hindi uso ang magpaligoy-ligoy sa kanya. Laging direct to the point. Pero isa rin yun sa nagustuhan ko sa kanya dahil totoo siya sa sinasabi niya. Hindi niya pinapaasa yung mga babae hindi tulad ng ibang lalaki jan, na paasa.

*knock*knock*

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Mon na may dala-dalang glass of milk.

"Oh? Bakit ka nandito kuya?"

"Dahil nitong milk" sagot niya at inilapag sa table ko ang gatas.

"Thanks"

"Matulog ka na pagkatapos mong inumin iyang gatas mo ha! Gabi na Sylveon, may pasok ka pa bukas" sabi niya at isinara ang pinto.

Haay! Buti pa si kuya. Si kuya na lang kasi ang may pakialam sa akin. Wala na kasing pakialam sa akin ang parents ko simula nung nangyari ang aksidenteng iyon.

Sinunod ko na lang si kuya. Ininom ko na lang yung gatas at naglogout na sa facebook.

******

"Wake up na Sylv"

"Kuya 5 minutes pwede?"

"Sylveon naman, tanghali na! 6:00 a.m. na!"

Ano?

Napabangon ako sa higaan ko. Shet! 6:00 na nga! Tapos ang time sa school ko ay 7:15. Ang bagal ko pa namang kumilos tapos traffic pa!

"Bakit ngayon mo lang ako ginising kuya?"

"Kanina ko pa kaya ikaw ginigising, bakit di ka ba gumamit ng alarm clock mo?"

"Kuya hindi ko narinig na nag-alarm"

Napailing si kuya.

"Hihintayin kita sa dining room, bilisan mong maligo kung ayaw mong malate"

Umalis na ako sa kama ko at dali-daling pumunta sa bathroom, hindi ko na sinulyapan si kuya kung umalis na or what.

Basta kailangan kong magmadali.

After 15 minutes na pagliligo, lumabas ako ng kwarto ko. Laking gulat ko ng makita ang nakahandang school uniform ko sa higaan ko.

A Hundred Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon