Chapter 2 : Saved

22 0 0
                                    

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Where am I?

Bumangon ako sa pagkakahiga ko dito sa sofa.

Sofa?

What the?

Anong nangyari?

Biglang nagflashback lahat ng nangyari kanina. Oh! Nagkaaway kami ng parents ko nung dumating sila kanina then tumakbo ako paalis ng clinic para magsuicide attempt.

Pero di ko naman talaga gagawin yun! Iniisip ko lang! Pero muntik na kasi yung kanina.

Siguro hindi ko namalayan yung sasakyang paparating nung dali-dali akong lumabas ng gate.

Nakaramdam ako ng takot ng time na iyon but then suddenly may dumating at iniligtas ako bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Haay! Sino kaya yun?

Saka! Grabe ha! Kanina pa akong tulog ng tulog! Nalampasan ko nanaman ang subjects ko.

Tumayo na ako at pinagmasdan ang paligid.

Wait...

ANONG GINAGAWA KO SA OFFICE NG STUDENT COUNCIL? !!!! ???

Sino ang nagdala sa a----

*door opens*

Hindi ko na naituloy ang iniisip kong tanong ng makilala ko kung sino ang pumasok sa office.

Gosh!!

Si Romeo!!!!

"Oh! Gising ka na pala?"

Oo! Gising na gising na!!!

Gosh! Pwede na akong mamatay! JOKE!

"Uh..k-kagigising ko l-lang" utal-utal kong sabi. .

Nako yung dila ko! Di pa nakisama!

"Are you alright? Ang pula mo" tanong niya at lumapit sa akin.

Automatic na napaatras ako nung humakbang siya papalapit sa akin. Sorry! Nagulat ako eh! Saka! Hindi ba niya alam na kaya ako namumula ay dahil sa hiya at kilig??

"I-I'm fine!" Sagot ko.

Then tahimik na...long silence! Awkward na!!!

"Anyway, narinig ko lahat" basag niya sa katahimikan at umupo sa katapat kong sofa.

He's not looking at me.

"Huh?"

"I mean...narinig ko yung pagtatalo nyo ng magulang mo sa clinic" seryoso niyang sabi habang nakatingin sa bintana.

Narinig niya?

Nakakahiya....

Napaupo ako sa sofa dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod.

"I'm sorry"

Mabilis akong lumingon sa kanya nung sinabi niya iyon. Nakatingin din siya sa akin.

"Ano..bakit? Di mo naman kasalanan" awkward kong sabi na may kasama pang kumpas ng kamay.

"Nothing..it's just that... ako yung dahilan kung bakit di ka nakaattend---"

"President...okay lang yun! Saka ganoon na sadya ang parents ko" nakangiti kong sabi kahit sa loob-loob ay gusto ko nanaman umiyak.

"Bakit nga pala ako nandito?" Nagtataka kong tanong.

"Nakita kitang tumakbo papalabas ng clinic...and...I followed you palabas ng campus. Muntik ka nang maaksidente . Good thing at sinundan kita at nailigtas ka bago pa may nangyaring masama sa iyo" paliwanag niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Hundred Days With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon