-2-

37 0 0
                                    

Daphne:

Pasalampak akong naupo sa couch sa salas namin. Yun agad ang ginawa ko pagkauwi na pagkauwi ko. Nakakapagod kase sobra!

Alam niyo ba. Napagalitan pa ako doon sa cafeteria namin. Kase naman 'tong si Kade napakaharot. Yan tuloy may nakabangga ako na estudyante, di ko naman sinasadya na maitapon sa kanya yung tray niya na punung-puno ng pagkain. Literal. -___-

Eto namang si bruho. Kesyo na tulungan ako tinawanan pa ako. Walang kwenta talaga. Eh di sa akin tuloy napunta lahat ng kasalanan. Ako namang si tanga inako ko din naman. Hayy buhay nga naman.

"Manang! Tubig nga po!" Bulyaw ko kay manang Leslie na nasa kusina. Tinatamad akong tumayo e. Anong silbi at may mga katulong kami kung hindi  ko naman uutusan diba? Ang talino mo talaga Daphne! :)

*tango tango*

"Ano naman ang tinatango-tango mo dyan, hija ha? O tubig mo." Napalingon ako kay manang tsaka umiling.

"Wala naman po, naisip ko lang na ang talino ko pala." Kinuha ko yung baso ng tubig sa kamay niya at humagalpak sa tawa. Yung mukha kase ni manang nakakatuwa, 'di yata naniwala sa sinabi ko. Tsk tsk

"Hay nako, ikaw talagang bata ka. Kung ano-ano yang mga sinasabi mo." Ngumiwi siya saglit at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Totoo naman yun manang e!" Ibinaba ko ang baso sa maliit na na lamesa at nag-pout ako kay manang.

Tumawa si manang "oo na, matalino ka----"

*door opens*

Sabay kaming natigilan ni Manang. Kumunot naman agad ang noo ko ng makita kung sino yung buwisita namin.

"Nako manang, inuuto ka lang niyan ni Daph." Pumasok siya ng walang pasabi at nagmano kay manang Leslie. Tinitigan ko lang siya ng masama.

"Uy galit ka pa rin sa'kin? Sorry na oh." Patalbog siyang umupo sa couch kaya umangat ako ng kaunti.

"Tingin mo, nakakatuwa yung ginawa mo kanina ah?" Kalmado pero seryoso ako sa pagkakasabi sa kanya. Tsk. Nang-iistorbo lang 'to e. Hulaan niyo kung sino yung buwisita namin? Yung hinayupak na ipinahamak ako kanina sa cafeteria. Si Kade. =____=

"Kaya nga sorry na e." Sumiksik siya sa akin at nagpacute effect. Psh. Akala naman niya cute siya.

"Ay. Maiwan ko na muna kayo dyan. Mukhang mag-aaway na naman kayong dalawa e." Paalam ni manang. Tumango ako bilang sagot at sinamaan ng tingin 'tong unggoy na nakalambitin sa braso ko.

Mukha siyang tarsier sa ayos niya. Nakalambitin siya sa akin habang nagpapaamo yung tingin. Mahina akong natawa sa naiisip ko. Bagay na bagay sa kanya hahaha!

Kumunot yung noo niya kaya mas lalo akong natawa. Panigurado nagtataka 'to kung ano yung iniisip ko.

"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" Sabi na nga ba e! Magtatanong siya. Tumingala siya sa mukha ko habang nagpapaamo pa rin yung mukha. Tinampal ko siya ng mahina sa noo kaya napaupo siya ng diretso. Nakakasuka kase yung mukha niya tas yung tono niya ng pananalita. Nag-be-baby talk ewww! Haha

"Aray! Ang amazona mo talaga! Bakit mo ako tinampal!" Reklamo niya habang hinihimas yung noo niya.

Ako naman yung lumambitin sa braso niya at nagpaawa effect. Mang-aasar lang :>

"Sooooreehh! May lamok kase kanina eee!" Nag-baby talk din ako. Akala niya siya lang ah!

Humagalpak ako ng tawa ng makita yung pagka-disgusto sa mukha niya. Ang epic!

Friendship Over?Where stories live. Discover now