-Prologue-

103 2 4
                                    




Paano nga ba ako nahulog sa kaibigan ko? Kahit alam kong may mahal siyang iba at sa pagkakaalam ko kaibigan din niya yun. Shet. Ansakit lang noh? One-sided love lang ang peg ko.

Mahigit apat na taon ko na din 'tong nararamdaman pero ni isang beses ay hindi pa ako umamin sa kanya. Natatakot kase ako na baka mafriend-zone. Hindi pa ako ready na masaktan.

Pero pag nagmamahal, nasasaktan din hindi ba?

Hindi ba pwedeng puro love na lang at wala na yung hate at sakit na yan? Para everybody happy 'di ba?

Pero mapaglaro talaga ang tadhana.

Kung kailan mahal ko na siya....

May mahal naman siyang iba...

Pero ang saklap lang...

Dahil yung inaakala kong 'kaibigan' na mahal daw niya, hindi pala ako.

Alam niyo yung feeling na masaya tas bigla na lang nalungkot at nadismaya? Yung feeling na nasayo na pero naagaw pa ng iba?

Paksh*t lang. Yun na yun e. Akala ko pareho kami ng nararamdaman. Pero hanggang akala lang pala yun.

Yung sinusuportahan mo s'ya sa nararamdaman niya. Na lagi kang handa para makinig sa mga kwento niya tungkol sa mahal niya.

Ang tanga ko lang hindi ba?

Pero hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan ko 'to kakayanin?

'Di pa ba ako aamin sa kanya kahit sobrang bigat na? Na pawang sasabog na yung dibdib ko sa nararamdaman ko para sa kanya.

Hahayaan ko na lang ba siya na mapunta sa iba na wala akong nagagawa?

Hindi. 'Di ko hahayaan na mangyari 'yon. Naging tanga na ako. 'Di ko na papalalaain yun. 'Di na ako magpapakator---

Saglit lang....

Meron pa palang isa...

Isa din pala 'tong paksh*t kong problema. Sasabihin ko ba?

Malamang -_- kaya nga ako nagkwe-kwento eh. Haha

Napagtanto mo na mahal mo na pala ang bestfriend mo. Sa loob ng ilang taon tsaka mo lang nasigurado na nahuhulog ka na pala sa kanya. Tas ng magkwento siya sayo tungkol sa natitipuhan niyang babae para bang gumuho yung buong mundo mo. Una, masasaktan ka pero magpapaubaya ka at susuportahan mo s'ya. Eh engot ko pala. Dahil hinayaan ko yun na mangyari. Hinayaan ko na mahulog siya doon sa ibang babae.

Yan. Yan talaga ang problema ko. Paano ako lalaban kung ganyang set-up ang kalaban ko?

Katangahan. Yan ang tawag ko sa sarili ko. Bobo ko lang kase hawak ko na pinaubaya ko pa sa iba. Mahal mo nga 'di mo naman kayang ipakita. Hanggang gilid ka lang at nanonood sa kanila na maglambingan sa harapan mo.

Tatanga-tanga ako eh. Sa tingin niyo? Mananalo pa kaya ako? Masasabi ko ba ang nararamdaman ko o hahayaan ko na lang na maglaho ito sa mga daraang panahon?

Hay. Masyadong komplikado. 'Di na nakekeri ng utak at puso ko. Ang baduy ko na -_-  ganun naman talaga pag nagmamahal e. Nagiging corny ka na hindi mo na napapansin.

*sabunot sa sarili*

Argggh!!! Paano ko ba ito sosolusyunan? Eh yung math problems nga nacocorrupt na yung utak ko e, eto pa kaya na love-life ko na yung pinag-uusapan?

Bahala na nga. Go with the flow na lang. Bahala na si author sa mangyayari. Siguraduhin niya lang na hindi mahuhulas ang beauty ko sa story na 'to. Hmp.

_________
A/N: Support! Support ! Support!

Friendship Over?Where stories live. Discover now