Chapter 2

3 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa mall, nag-aya kasi ang mga ugok. Bibili daw sila ng maraming beer. Gusto daw nila mag overnight sa bahay since wala naman daw si Mommy at kami lang ni Sean ang tao sa bahay, baka mapano pa daw kami. Hanep diba. Ano kami bata?

Nag-disguise kami as a nerd, pero hindi naman yung exaggerated. Na-ban kasi kami sa mall na 'to, dahil sa mga kalokohan namin. Grabe nga e, hindi ko man lang alam na ang gwapo ko pa din kahit naka nerdy glasses ako. Tsk. Tsk. Tsk.

Bago kami mamili dumaan muna kami sa Bookstore, bumili kami ng mga ilang gamit na gagamitin para sa activity sa school bukas.

Nag kukwentuhan kami about random things nang mapansin naming may tinitingnan or more like tinititigan ang mga tao.

Dyosa. Nahanap ko na ang forever ko.

Shit. Tumingin siya sak --- wait!

Pumutok ng parang bula ang lahat ng nasa isip ko ng umirap siya sakin. Taray ni atii girl.

May mga katabi nga pala ko, hay nako napaka asumming mo talaga Steeve para isiping sayo nakatingin yung babae.

Napakunot ang aking noo ng nakita ang kaniyang suot. West University, so isa lang ang ibig sabihin. 'Rich kid'.

"Tangina. Ang ganda." Tulalang saad ni Raven.

Mukhang natauhan naman ang mga itlog sa sinabing iyon ni Raven.

"Hoy! Raven magtigil ka! Wag na wag mo isasali si Miss Ganda sa mga babaae mo. " Saad ni Ian habang dinuduro pa si Raven.

"Asa naman patulan ka non, hindi niyo ba nakita? West University ang suot na uniform, mataas ang standard sa lalaki nun, hindi kayo papasa. Tapos umirap pa kanina maarte yon, mayaman eh ibig sabihin spoiled brat." Mahabang lintaya ko.

"Grabe ka naman, manghuhula ka ba?" Raven

"Ang inosente ng mukha niya para siyang anghel." Nakangiting sabi ni Sean.

"Oo nga. Anghel na bumaba sa langit teka --hoy Ian! Tulala ka dyan?" Sita ni Lance kay Ian kaya napatingin kami sa kaniya.

"Pamilyar yung mukha nung babae. Parang nakita ko na siya." Kunot noong saad ni Ian.

"Pinagsasabi mo?"

"Gutom ka lang. Tara na."- Raven

"Oo nga. Tara na gutom na din ako." - Sean

"Lagi ka naman gutom eh."

"Kupal ka!"

"Mas kupal ka. Timawa!"

"Tigil niyo na yan, pinag-titinginan na tayo."

"Tarang Starbucks na lang." -- Ian

"Mag-isa ka, wala kong dalang pera."

"Di ka naman bibili, kami lang." -- Sean

"Hoy panget! Wag ka nga sumabat kami lang nag-uusap!"

"Bleeeeee!" Naka-tounge out pa at nang-iinis na sabi ni Sean sabay takbo.

Aba't! Talaga nga naman.

At yun naman tatlong mokong nag tatawanan pa habang ako bwisit na sa kupal na yun. Tsk.

Iniwan ko na silang nag-tatawanan dun at nauna nang lumabas ng NBS sa kanila. Kabanas.

Hinabol din naman nila agad ako hinawakan sa braso at ang mga gago kinaladkad ako!

"Hoy! Ano ba!" Sigaw ko. Pumasok kami sa Starbucks at nag-punta sa cashier, nauna na pala si Lance dito at naka-order na ang gago. Sabi nang wala kong pera eh, nag-iipon kaya ako. Nag-bayad naman na silang apat at dire-diretsong lumabas, mga gago talaga. Iniwan talaga nila ko dito? At yung kapatid ko, ayun kasama nila. Ang bait ng kapatid ko hano. Tae. Wala na kong pera pano yan? Naman oh!

"Sir?"

"Ah miss hindi ako um-order."  Sabi ko sa cashier. Hindi ako pwede basta na lang tumakbo, mahuhuli ako agad.

"Pero sir, in-order po ito ng mga kaibigan niyo." Shit. Hindi talaga ko pwede gumawa ng gulo ngayon, mag-isa lang ako

"Ah sorry, pero hindi talaga ak ---"

"Pero sir kaylangan niyo po mag-bayad, kundi ipapahuli ko po kayo sa guard. " Nakakahiya. Pinag-titinginan na ako dito, pag-nakita ko talaga yung apat na yun sasakalin ko sila hanggang sa mamatay!

"Add one dark mocha frap on our order miss." Saad ng isang babae at nag lapag ng 1,000 pesos sa cashier.

"Keep the change." Kinuha niya ang dalawang frappé sa cashier binigay sa akin ang isa hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami ng Starbucks. Pag labas naman namin ay binitawan niya na agad ang kamay ko at nag-lakad na palayo sa akin na para ba'ng walang nangyari.

Wtf?

Siya yung magandang babae sa NBS!

Fuckshit!

~~

Tapos na kami bumili ng mga gagamitin for our project and bago umuwi dadaan muna kami sa Starbucks, dadaan lang kami --- pero syempre charot lang.

Of course bibili kami, hindi yung tatambay lang para maki-wifi. Oops! Hindi ko gawain yun ah at hindi din ako defensive, how do I know? Gawain yun ng kasama ko.

Abigail Trinidad.

Madalas gumawa ng kalokohan kaya laging grounded at bawas ang allowance, kaya ayun nakiki-wifi na lang. Wag ko nga daw siya pakielaman e. Pano ko naman kasi hindi papakielaman, e ako lagi ang hinihila para 'raw' may kasama siya o baka naman para mag palibre lang. Psh. Pero sabi lang niya 'walang basagan ng trip.'  Ewan ko ba sa childish na yan napaka abnormal. Minsan nga naisip ko kaya lang siya nakipag kaibigan sakin para mag palibre.

"OMGosh. Zap mauna na ko may emergency sa house bye!" Bumeso lang siya sakin at umalis na, hindi man lang ako pinag-salita. Psh.

Dimiretso na lang ako sa Starbucks bibili lang ako frappé then uuwi na wala na din naman ako gagawin dito, sa bahay na lang ako kakain.

May commotion yata, may tinitingnan yung mga customers. Tumingin ako kung saan sila nakatingin, sa cashier may isang lalaki.

"Pero sir kaylangan niyo po mag-bayad, kundi ipapahuli ko po kayo sa guard." Sabi ng babae sa cashier, mukhang hiyang hiya naman yung lalaki sa nangyayari.

At dahil nga mabait ako --- walang kokontra! Pumunta ako sa cashier um-order na at binayaran ko na yung frappé nang lalaki kasama nung order ko. Baka umiyak pa dito eh, kawawa naman.

Binitbit ko na din siya palabas, hiyang hiya na si kuya eh. Iniwan ko na din naman siya dun, alangan naman isama ko pa. Hindi ako FC hano.

"Wait miss!" Napahinto ako ng may humawak sa wrist ko kaya nilingon ko kung sinong damuho ang pumigil sakin. Uwing-uwi na ko! Magluluto pa ko ng carbonara!

Oh? Si kuya sa Starbucks pala
Nasundan pa niya ko? Psh.

"What?" I raise my eyebrow on him.

"Ahhm. A'ano --- kasi --- ahhh " Wth? Why is he stammering? Pero sabagay, karamihan sa mga nerd madalas mag stammer.

"Hindi naman ako nangangain, say what you want to say im in a hurry."

"Thank you." Nakayukong sabi niya. 'Cute' -- wait? What did I just said?

"Welcome." Saad ko. Hinawakan ko ang kanyang ulo at ginulo ang kaniyang buhok kaya napaangat ang kaniyang ulo at tumingin sa akin, mukhang nagulat pa siya kaya nginitian ko na lang.

At dahil mukhang wala na siyang balak gumalaw, iniwan ko na siya dun.

×××

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bad Boy's Princess (Trouble Makers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon