Badboy (Twelve)

311 9 1
                                    

~~~

Rain's Pov

Inakay ko si Ken palabas nitong library.

Wala nang masyadong tao dahil 6:00 PM na.

Sino tutulong sa amin ngayon?

Oh God!

Malapit nang tumulo yung luha ko ng biglang may lalaking humarang sa dadaanan namin.

"Louie?"

Takang tanong niya at biglang kinuha sa mga kamay ko si Ken.

Wala sanang mangyaring masama! Kahit binubully niya pa ako dati.

Napalingon naman sa akin si Kurt at lumaki yung mata niya.

“Nyar? Anong nangyari sa kanya?”

“I don't know. Bigla lang siyang natumba.”

Kinagat ko yung mga daliri ko na nakasanayan kong gawin 'pag ninenerbyos ako.

Sinakay niya si Ken sa sasakyan nya.

Tinitigan niya naman ako at tinuro ang shotgun seat kaya mabilis akong sumakay sa kotse niya.

"Faster, Kurt."

Sabi ko kay Kurt dahil parang hirap na hirap na si Ken sa kalagayan niya.

Ano bang nagyayari?

May sakit ba siya?

"I'm trying!"

Sagot niya at mas pinabilis pa ang pag-andar ng kotse niya.

Maya-maya biglang hininto ni Kurt ang sasakyan at nakita kong nasa C.H pala kami.

Castillejo Hospital

Mabilis nila kaming tinulungan at pinasok si Ken sa isang room.

"Bakit mo siya kasama?"

Napalingon ako kay Kurt nang tanungin niya ako.

"Masama ba?!"

Umupo ako sa isang bench at nakita ko namang may pinipindot-pindot si Kurt sa cellphone niya.

Hindi ko alam kung bakit... Bakit ako umiiyak ngayon? Dapat nasa bahay na ako at naghahanda sa nalalapit kong Mall Tour.

Pero bakit ako nandito sa hospital at hinihintay ang magandang balita ng doctor?

Umupo si Kurt sa katabi kong upuan kaya napalingon ako sa kanya.

“You know, I like you.”

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Ano raw?

"What?"

Nagkibit-balikat siya at nagpatuloy sa pagsasalita,

“You can't blame me Nyar. You're gorgeous. A lot of girls envy you? Jealous? Insecure? Ano pa ba? Hahaha.”

Kinunutan ko siya ng noo at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata ko kanina.

“You know, Louie is right. Na mabait ka. Kaya nga ako nagkagusto sa'yo.”

Napayuko ako sa mga sinasabi niya. Bat niya sa akin sinasabi ang mga ito?

May kailangan ba akong malaman?

“Louie is a bad boy. Rebel to be exact. Everyone knows that. But you know? Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko.... may brain tumor siya. Ang lalaking siga? May ganoong sakit? Ako lang ang may alam at pati parents niya... at kasama ka na doon. Alam mo? May sinabi siya sa akin dati. Na mag-sosorry siya sa babaeng binubully niya and that's Rain Ramirez or let's say, you.”

Bigla akong napasinghap sa mga sinasabi niya.

So, totoo pala ang sinasabi ni Kervi dati?

“Gusto niyang mag-sorry sayo, know why? Dahil ayaw niyang mamatay ng maraming iniisip na problema. Selfish 'yang lalaking 'yan. Pagkatapos niya daw mag-sorry sa'yo ay pwede na siyang mamatay. Tignan mo! Ikaw pa ang inisip. Hahaha.”

Biglang may tumulong luha sa mata ko habang pinapakinggan siya sa pagsasalita.

“Bat niya ginawa yon? Dahil malamang gusto ka niya—”

“That's not true—”

“It is. Ayaw kong maging karibal ang kaibigan ko kaya... sige pinaparaya ko na siya sayo. Kung kakayanin pa niya.”

Doon ako napahagulgol ng iyak sa huli niyang sinabi.

Anong kakayanin? Mabubuhay pa si Ken.

Malakas siyang tao! Si Kurt na nga ang nagsabi kanina!

Hindi pa nga ako nakakaamin sa kanya tapos iiwan niya lang ako.

May isang babae at matandang lalaki ang dumating at sa tingin ko, sila ang magulang ni Ken.

“Kurt, kamusta ang anak ko?”

Nakayuko lang si Kurt kaya mas lalong napahagulgol ng iyak yung nanay ni Ken.

Napahawak ako sa bibig ko at pinabayaan ang mga luha kong umagos.

Pumunta ako sa chapel nitong hospital at taimtim na nagdasal.

Lord, sana 'wag niyo po muna kunin ang taong mahal ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Please Lord, kahit binubully niya ako dati, okay lang sa akin dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya. Lord Please! Buhayin niyo pa siya. Please.....

Pumunta ulit ako sa labas ng room ni Ken at nakita kong umiiyak pa rin ang nanay niya habang ang tatay niya ay hinahagod ang likod nito.

Kakayanin 'to ni Ken! May tiwala ako sa Diyos.

Maya-maya lumabas ang doctor at tinaggal ang face mask nito.

"Doc, how's my son?"

Lumapit ang nanay ni Ken sa doctor kaya pati kami ni Kurt ay napalapit.

Bigkang ngumiti ang doctor at sinabing, “Congratulations Mrs. Castillejo, the operation is successful. Ken has no brain tumor.”

Badboy's Last Wish (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon