Epilogue

467 10 1
                                    

~~~

Rain's Pov

“Louie! Umalis ka sa harap ko! Hanapin mo si Kurt! ”

Pinagbabato ko si Ken ng mga unan kong nahahawakan.

Ano ba kaseng problema niya?

Eh sa gusto kong bilan niya ako ng saging na may bagoong! Tapos gusto kong nasa tabi ko si Kurt. Ano bang problema don?

“Baby naman. Maiintindihan ko pa kung mangga ang gusto mo, pero saging? Fuck—”

“Nagagalit ka?! Minumura mo ako?! Nagsasawa ka na ba?!”

Babatuhin ko sana siya ng lampshade kaso agad niyang nahawakan ang kamay ko.

“Oo na, baby. Bibili na! Pero hindi ko isasama si Kurt!”

“At bakit?!”

“Basta!”

Bigla siyang umalis atsaka padabog na ni-lock ang pintuan ng bahay namin.

Yes. We're already married. And... may anak na kami. She's a girl at may pangalan na akong gustong ipangalan sa kanya... and that's Paris.

Pinaglilihian ko talaga ang saging na may bagoong pero yung kay Kurt? Gusto ko lang talaga siyang asarin.

Biglang pumasok si Kuya Keith sa kwarto namin at may dala-dala siyang maraming prutas.

“Hey Princess! Where's Xian? ”

“Pinabili ko—”

“Nang saging na may bagoong? Ano? Hahaha.”

In fact, naiinis ako sa pagtawa ng kuya ko. Gusto ko siyang sakalin o kaya tadyakan pag naririnig ko yung boses niya.

“Hi buntis!”

Nakita kong pumasok sila Mommy Ame at Mommy Eshe at syempre with my Daddy Erick at Daddy Justin.

Nagbeso sa akin ang dalawa kong mommy at nagmano naman ako kayla daddy.

“Where’s Louie?”

“Baby naman, ang hirap—”

Biglang natigilan si Louie ng makita niya ang parents namin na nandito.

Nilapag niya sa table yung saging na may bagoong kaya nilantakan ko na 'yon.

“9 months na 'yang baby niyo, Louie. Expected mo nang biglang magsisigaw 'yang si Rain. Hahaha.”

Nagtawanan silang lahat samantalang tinitigan ko nang masama si Kuya Keith.

How dare he?! Sinong nagbigay ng permission sa kanya na pwede siyang tumawa?!

Tumigil naman sa pagtawa si Kuya kaya napangiti ako.

Hihihi.

“Doon na muna kami sa baba ng mapag-luto ko kayo ng tanghalian.”

Bumaba ng parents namin papuntang kitchen at sumunod naman sa kanila si Kuya Keith. Pero bago siya umalis ay nag-belat siya sa akin.

Jeezzz! Kainis!

Nakita kong nililigpit ni Ken yung mga kalat ng may naisip akong masamang plano.

Huwahahahaha!

“KEN! MANGANGANAK NA YATA AKO—”

“Fuck—”

Biglang naihagis ni Louie yung mga kalat na dinampot niya at mabilis na nag T-shirt.

Bubuhatin na niya sana ako ng bigla ko siyang tinulak.

“Practice palang 'yon, baby. Hihihi.”

Nag peace sign naman ako bago nagkamot sa batok ko.

Tinitigan niya lang ako ng masama at bumalik sa ginagawa niya kanina.

Taimtim akong kumakain nang makaramdam ako ng pananakit ng tiyan.

“K-Ken...”

“Hmmm?”

Sagot niya habang inaayos yung mga magazine sa ilalim ng TV.

“Manganganak na yata ako, Ken!”

“Don't fool me, baby. May ginagawa pa ako—”

“ARGH! SHIT, KEN! MANGANGANAK NA AKOOOO!”

~~~~

“Push Mommy, push.”

“Arghhhhhhh!”

*unga unga*

Nakaramdam ako ng antok at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Nagising nalang ako nang makita ko si Ken na natutulog sa tabi ko.

“Baby, nasan ang anak ko?"

Yinugyog ko ang balikat ni Ken hanggang sa magising siya.

Nagkusot muna siya ng mata bago lumingon sa akin.

“Are you okay?”

“Yeah! Nasaan si baby?”

May tinawagan si Ken sa cellphone at maya-maya ay may dumating na nurse kasama ang baby ko.

“Waaaahhh! Paris!”

Agad kong kinuha ang anak ko sa kamay ng nurse at masayang inugoy ito.

May dalang papel yung nurse at may tinanong sa akin.

“Ma'am, ano pong pangalan ni baby?”

“Paris Jame! Paris Jame Ramirez Castillejo.”

Agad umalis ang nurse. Napatingin naman ako kay Ken na ngayon ay nakanganga.

“Byy, pasukan ng langaw bibig mo—”

“Bakit 'yun ang pangalan niya?”

Nagulat naman ako sa tanong ni Ken.

Ano bang gusto niyang ipangalan sa baby girl ko?

“Bakit ba? Gusto mo Pedro, Juan—”

“Lalaki siya!”

Natigilan ako sa sinabi Ken. Ano daw?

Dahan-dahan kong tinaas ang telang bumabalot kay Paris at nagulat ako sa nakita ko.

“WAAAHHH! ANG BABY PARIS JAME KO, MAY PUTUTOY!”

Badboy's Last Wish (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon