Kabanata 1

9 1 0
                                    

*tic toc tic toc*.......

*booghs* *crack*

Tunog ng bagay na nabasag....

Aaaarrghhhh bwisit na alarm clock yan oh ! Umagang umaga nag-iingay. .Malamang fea alarm clock yan eh! sigaw ng utak ko

Oohh shut up! Baliw na ba ako dahil kinakausap ko ang sarili ko? At dahil sa ingay ng alarm clock na siguradong bibili na naman ako bukas dahil basag nanaman bumangon na ako at ginawa ko na ang morning ritual ko .

Pagbaba ko ay saktong  nakita ko si mama  na may dala dalang bowl ng mga cookies .

"Ma! San mo yan dadalhin may bisita ba?" Nakapagtataka dahil hindi naman madalas mag bake si mama ng cookies sa panahon ngayun .
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisnge .

"Aah may bago kasing lipat dyan sa tapat natin .At tamang tama  nakaligo kana ikaw nalang ang mag-abot nitong mga cookies baka kasi hindi pa sila nag-aalmusal at  diba may tradisyon tayo na 'kapag may bagong lipat  bigyan ng grasya' " sabay na sabi namin ni mama  at anu daw?! Ako ang mag-bibigay? Hay naku wag nalang nuh!

Baka masama pa ang ugali ng may-ari ng bahay !.

" ma naman baka masamang tao ang nakatira dyan baka saktan nila ako!"

Pinandilatan ako ng mata ni mama.

"Ibibigay mo lang yan kaya wag ka ng magreklamo! Naku FEALYN! Kapag ako ang narindi sayo "

"Haaiisst sige na  akin na yan " kinuha ko na ang bowl ng mga cookies dahil nakakatakot magalit si mama kapag lumalaki na ang mata nya hihihihi.

"Ikaw talagang bata ka! Kukurutin na talaga  kita sa singit!" Eeehhh si mama talaga ! Baka may makarinig nakakahiya nuh ! Padabog akong lumabas ng bahay at nagdoorbell ako sa pagbibigyan ko ng cookies  .

"Tao po? tao po? Yoohoo" anu ba yan ang tagal naman buksan nitong gate hindi ba nila alam na ginto ang oras ko?!

Malamang fea hindi nila alam kasi hindi ka naman nila kilala!.sigaw ng utak ko.

Umiling nalang ako sa sarili ko , baliw na nga ako ha!ha!ha!.

*Kriccccckkkk*

Waahh grabe pati tunog ng gate nila nakakatakot!

Dahan dahan kong sinilip ang kunting awang ng gate nila at saktong  pagsilip ko ay syang paglabas ng  may-ari ng bahay.

OMG!!! Sana sinabi agad sakin ni mama na ang gwapo pala ng bagong kapitbahay namin! . Ang tangkad nya , ang puti , ang tangos ng ilong , pulang labi , napaka-perpekto nya para sakin.

"What?!" ang harsh naman nitong magsalita pero infairness ang ganda ng boses nya para bang hulog sya ng langit sa ganda ng boses nya .

Umayos ako ng tayo at nginitian ko sya . Mabuti nalang at nagtoothbrush ako ng mabuti kanina . ngumiti ako ng pagkatamis tamis sakanya at inilahad ko sa kanya ang bowl ng mga cookies .

"A-a-ahm hello ako nga pala si fea " maligayang bati ko , nakita ko syang naka-halukipkip at pinagmamasdan akong mabuti." Dyan lang ako nakatira  sa tapat nyo" tinuro ko ang bahay namin at hinarap ko sya.

"At ito nga palang mga cookies bigay ng mommy ko sa may-ari ng bahay nato , kasi may tradisyon kami na  'kapag may bagong lipat , bigyan ng grasya'" ngiti ko .

Nakita ko syang umirap at humakbang papalapit sakin.

Nangingig ang kamay ko habang lumalapit sya sakin.

"Ok" ok?  Ok lang ang sinabi sakin ni mr. gwapo ? Sa lahat ng sinabi ko ok lang?! Pero kahit na ganun hindi ko parin inaalis ang ngiti ko sa kanya .Binigay ko sa kanya ang bowl ng cookies at mabuti naman ay tinanggap nya.

"Ahm sana magustuhan mo " sabi ko .
"May sasabihin ka pa? Kung wala na papasok na ako miss" sabi ni mr. Gwapo.

Hmmm ang sungit naman nito , magpasalamat ka gwapo ka kung hindi naku! Titirisin kita !

"Aah wala na , sige mauna " yumuko ako ng kunti at tumalikod na. Habang naglalakad ako pauwi nilingon ko ang may-ari ng bahay. Andun padin sya sa may gate at nakahilig , nag tama ang paningin namin at ako na ang unang umiwas . Binilisan ko na lang ang paglakad ko at dali dali kong binuksan ang gate namin, pagkasara ko  sumandal ako at kinapa ko ang puso ko . Ang bilis , ang bilis ng tibok ng puso ko , hinihingal ako habang kinakapa ko amg puso ko.

WHAT WAS THAT?!! My god nababaliw na talaga ako.

Dumeritsyo na lang ako sa kwarto ko at nagkulong . binagsak ko ang sarili ko sa kama habang iniisip ko ang nangyari kanina naiimagine ko ang unang lalaking nagpatibok  ng husto sa puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon