Ikalawang Tagpo

263 11 1
                                    

The BestMan Series
(BLUE CERVANTES)

BY: christian penaflor

Author's Note: This is a fiction story. Any resemblance to name of persons, business, places, or other institution is merely coincidence due to the author's imagination.

*This is a boyXboy Story. There are Words or actions that may not suitable to a very young readers. Please leave if your not interested. Thank you :)




        Isang linggo na ako dito sa maynila. Hindi muna ako umuwi kasi nga sayang sa pamasahe. Ayaw ko naman na pati iyon ay pro-problemahin pa nila tito at tita. Naghanap-hanap na rin ako ng part time job, para kahit papaano ay may ipon ako para sa mga projects at baon ko. Malaking bawas din yun sa pabaon ni tita. Wala parin naman tumatawag sakin. Kasalukuyan akong nagaayos ng sarili ko para magsimba. Simula kasi nung iniwan kami ng mga magulang namin ay tinuruan kami ni tita kong paano maniwala at manalig sa kapangyarihan ng diyos.  Palagi niya kaming sinasama tuwing linggo sa pagsimba. Isa lang naman ang tangi kong dasal sa Panginoon ang mabuo ulit ang pamilya namin.  Naniniwala ako na may rason kung bakit binigay ni God yung ganung pagsubok sa akin sa amin.

        Saktong paglabas ko ng apartment ay siya ring labas nila ate Perla. Kasama yung lalakeng masungit. Justine Ba pangalan nun. Hay ewan. Kaschoolmate ko pala siya. Pero bukod sa pagiging masungit at mayabang e, babaero din ata. Kasi bawat araw iba't ibang babae ang nakalingkis sa braso niya. Well wala akong pake, buhay niya yun bahala siya kong ano gusto niyang gawin. 

" oh, blue! Magsisimba ka rin?" Ang gaan ng awra ni ate perla taliwas sa awra ng anak nito. Mukhang may regla ata.  Tumango ako bilang sagot " opo ate perla. " naging pamilyar na rin ako sa lugar dito sa ******. "Sumabay ka na sa'min. " napahinto naman yung anak niya at natingin sakin. Yung tingin na wag kang umuo, kundi patay ka sakin.

"Ah wag na ho ate perla. Teka may nakalimutan pa pala ako!." Palusot ko kay ate perla at naglakad pabalik sa kwarto ko, kunwari may kukuning nga ako. Narinig ko na ring Bumuhay ang makina ng kotse ni Justine hudyat na Paalis na sila. Kagaya ng unang inpression ko sa kanya, Mayabang talaga. Lumabas na ulit ako at naglakad na papuntang simbahan. Hindi rin naman kalayuan ang simbahan dito.

*****


    Matapos kong magsimba ay naglakad lakad muna ako para makahanap ng pwedeng pasukan na part time job. Nagtanong na rin ako sa mga fastfood, pero di pa daw sila hiring. Habang naglalakad ako pauwi may huminto na magarang sasakyan, sa tabi ko. Haha Lord mabait po ako, h'wag niyo naman po ako ipakidnap. Binilisan ko ng bahagya ang lakad ko. Peroo nakasunod lang ito. Hanggang sa pumrada ito sa tapat ko at binaba ang bintana sa passenger set. Niluwa nun ang tawa ng tawa na binata. Napasimangot naman ako. Akala ko ba malinaw ang usapan namin na di na niya ako aasarin.  "Hey!! Classmate hatid na kita.!" Nakangiti parin ang loko. Siya ba talaga ang artista na crush ko sa Tv o baka naman impostor tong isang to. Pag sa mga interviews sa kanya, napaka bait at cool niya lang. Eh sa school napakahangin at yabang din ng isang to. Parang si ano. Si Justine.

"Huwag na kaya ko naman maglakad, saka malapit na yung apartment ko." Pagsusungit ko sakanya..aktong lalakad na ulit, pero lumabas siya sa kanyang kotse. Hala di ba siya takot dumugin ng mga tao, kapag nakita siya dito.

Hindi nga ako nagkamali, maya maya pa ay parang tubig na rumaragasa ang mga kababaihan na fans niya ang bilis nilang makalapit sa kinaruruonan namin. Hinablot namana niya ang braso ko at pinasakay sa kotse niya. Dahilsa shock ako ay di na ako nakapagprotesta. Nyaayyy.... tiyak paguusapann siya ng mga tao. Baka gawin pang isyu yung nakita nila kanina.. Teka asan na ba yun bat di parin pumapasok ng Kotse.  Binalik ko ang tanaw ko sa labas. Parang di na siya makakaahon, sa sobrang dami ng mga fans na lumapit ay nagpapicture sa kanya.. Tsskk! Ano ba kasi naisip niya at lumabas siya ng wala manglang hood at shade para di mahalata na artista siya. Binuksan ko yung pinto ng kotse niya. Hindi ko alam pero pagdi ko to gagawin mattagalan siya bago makaalis sa kumpulan ng mga Fans niya.

The BestMan present (BLUE CERVANTES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon