Kit/Sandra's POV
Mula ngayon ako na si Kit. Di na ako si Sandra. Eto na talaga ang pinakahihintay kong araw. Pero bukas pa yun kaya matutulog na ko.
*kinabukasan*
"Goooooooooooooooodmooooooooooorning Kit!" Anne
"Antok pa ako maya maya na." Ako
"Ikaw na nga yan Kit. Si Sandra kasi wala pa yung Guard nasa school na." Anne
"Umalis ka nga muna sabi nang antok pa ako eh." Ako
"Pano kung ayoko? Ha Kit?" Anne
"Wala kang galang ah ate mo kaya ako!" Ako.
"Ay sori po ate. Buti pinaalala mo po" sarkastikong sabi ni Anne
Hay nako napakakulit talaga nitong kapatid ko. Bumangon na ako para bugbugin to.
"Hay salamat bumangon ka na rin." Anne
Kaasar talaga tong babaeng to konti na lang talaga masasapak ko na to.
"Alis na ko baka masapak mo pa ako." Anne
"Buti alam mo na sasapakin kita." Ako
"Di mo ko pwedeng sapakin kasi isusumbong kita kay mama. Bleeeeeehhh!" Anne
"Di kita pwede sapakin pero pwede kitang tadyakan. Pag di ka pa umalis ako mismo kakaladkad sayo palabas. " ako
"Eto na po oh lalabas na nga po eh." Anne
Nung papalabas siya bigla siyang tumawa ng malakas. Pakiramdam ko may naiisip na naman tong kalakohan. Meron pa kong isang kaming isang kapatid. Kuya namin siya malamang mas matanda siya sa amin. His name is
"Kuya Luke Michael Xander Nicholson Martinez gising na!" Anne
Grabe talaga yang babaeng yan. Abot yata sa kabilang subdivision yung boses niyan. Inaaraw-araw kasi niya yung pagkain ng megaphone.
"Hoy Rac manahimik ka nga alas tres palang nang madaling araw nanggigisin ka agad!" Sigaw ni kuya kay Anne. Tawag kay Anne sa bahay Rac. Malamang yun nickname niya eh.
"Yan oh kuya kanina pa yan eh. Ginugulo ang beauty sleep ko." Ako
"Hoy anong beauty sleep? Bakit maganda ka ba." Anne
"Oo nga naman. Ano bang pinagsasabi mong beauty sleep diyan. Di ka naman maganda." Pang asar ni kuya.
Napagtulungan na ko ng dalawang toh. Umagang umaga binabadtrip ako neto.
"Luke Michael Xander Nicholson, Kaye Irene Trisha Sandra at Rein Ann Criscia matulog pa kayo maaga pa. " sabi ni mama
"Opo." Sabay sabay naming sabi
Pahabaan kami ng pangalan eh. Ang panagalan kasi ng mama at papa namin ay Jed at Kaye. Ang lakas ng trip ng mga magulang namin eh. Sobrang pinahaba yung panagalan namin tapos sa kanila sobrang ikli.
Nagsisihan pa kaming tatlo. Kulit kasi ni Anne. Pumasok sa kwarto. Nakalimutan ko kasing i-lock kagabi.
"Huy ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate ate." Anne
"Ano ba kasi? Bakit ka ba nang gigising kanina?" Ako
"Basta tignan mo sa labas. Nandun na din si kuya sa labas. BILIS!" Anne
Lumabas ako at may nakita ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Teka niloloko yata kami ni Anne eh. Pati si kuya nagtataka kung bakit kami pinakabas bi Anne
"Tingin kayo sa taas." Anne
"Hoy Rac ano nanaman tong kalokohan mo?" Kuya
"Bakit ba kasi kayo nakatingin sa taas? Eh yung ipapakita ko nasa harapan niyo lang." Anne
"Sabi mo kasi tumingin kami sa taas. " ako
"Eh bakit naman kayo tumingin sa taas. Niloloko ko lang kayo. Tumingin kayo dun sa bahay sa harapan natin. Diba dating bahay yan nila Pards?" Anne
"Teka may bagong lipat yata eh." Kuya
May nakita akong nakatayo sa may tapat nung pinto nung dating bahay nila Jasmine.
"Uy si Migs ba yun?" Anne
Tinignan kong mabuti yung lalakeng nakatayo sa tapat ng pinto. Nakito ko si Migs nga yon.
"Tara pasok na tayo sa loob." Ako
"Wait lang, diba may gusto ka dun sa Migs na yun?" Kuya"Ha? Wa-wala kay-kaya." Ako
"Sige ate deny pa. Kaya ka nga bumalik sa dati para sa kanya diba?" Ann
"Siya pala dahilan kaya bumalik ka sa dati. Siya din dahilan kung bakit ka nagpakanerd diba?" Kuya
"Oo eh." Ako
Di na ako makapag deny. Buking na ako
"Sana nga mapansin ka na niya ngayung ikaw na si Kit." Anne
"Sana nga." Ako
BINABASA MO ANG
The Return
Fiksi RemajaLahat ng ginagawa mo ay may katumbas na karma, mabuti man yan o masama kaya mag ingat ka kasi hindi mo alam kung paano ibabalik ng tadhana sayo ang ginawa mo. Walang pinipiling oras, lugar at lalo na sa taong magiging susi para magawa ang karma mo.