Miguel's POV
Umaga na ngayon, maya maya tanghali na, tapos mag gagabi. Haisssttt basta. Nahihibang yata ako ngayon. Anong gagawin ko? Tulong!
"Brader gising na! Magseservice ka pa diba? Kailangan maaga ka!" Panggigising ng kapatid ko.
"Oo na! Oo na! Wala ka namang pakielam eh!" Sagot ko
"Napakasama talaga ng ugali mo!" Pasigaw na sabi ng kapatid ko
"Anong NAPAKAsama? Sama lang! Grabe ka naman!" Ako
Pagkatapos ng ngala ngala excercise ko para sa umagaang ito. Lumabas na ako. Naligo, nag-ayos tapos diretso na sa bahay nila Kit. Katapat lang nman eh. Naeexcite ako hindi ko alam kung bakit. Siguro nga dahil makikita ko ulet siya. Sino siya? Hulaan niyooooooo! Pero dahil mabait ako! Magbibigay ako ng clue.
Clue no. 1: Babae siya
Clue no. 2: May buhok siya
Clue no. 3: May mukaOh! Ano? Nahulaan niyo na? Malamang hindi! Lahat naman siguro ng magugustuhan ko ay babae na may buhok at may muka!
Kakatok na ko sa pinto ng biglang bumukas yung pinto. Wow! Automatic! Di naman ako nainform. Jokats lang. Di naman automatic sadyang binuksan lang ni
"WOW! AGA MO AH. TARA NA!" Sabi ni babaeng megaphone. Kilala niyo naman kung sino siya.
"Ah sige, uhmm asaan nga pala si Kit?" Tanong ko
"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEE! HINAHANAP NIYA SI KIT!" Anne
"Grabe toh, nagtanong lang tara na nga!" Sabi ko
Pumasok na kami sa kotse tapos dinaanan na namin si Pham.
Pagdating namin kina Pham............................................
"Hi Anne! Ang ganda mo today!" Pagbati ni pham
"Haynako! Di mo na kailangan sabihin, alam ko na yan hahahah." Panloloko ni Anne
Pagkatapos nun, dumiretso na kami sa school.
Pagpasok, as usual, andameng bumabati samin, syempre Peymus yata kami. Nagkita sina Anne at Sam ayun sila na lang magkasama. Bestfriends eh. Sa kanila rin sumama si Pham.Syempre, di pwedeng sila lang, pinuntahan ko na rin yung barkada ko sa peyborit naming tambayan.
"Good morning dude! Ano Guel? Musta?" Pagbati sakin ni Tristian. Nga pala Guel ang tawag sakin ng barkada ko
"Ayus lang Trist, heto gwapo pa rin!" Sagot ko
"Ayos ang sagot mo bro! Grabeeee, ang hangin!" Tristian
"Pero teka lang, parang good mood ka yata ngayon bro?" Tanong ko
"Oo naman may kas--------lhfhgkjdjskdkdjhfjskk." Pagsingit ni Chad na hindi naman natuloy dahil tinakpan ni Trist yung bibig niya.
"Hoy kayo ha! Kelan pa kayo natutong magsikreto saken?" Pangongonsensya ko sa kanila
"Guel, si Trist kase eh. Pinagkalat na si...... ano yung hinahangaan mo eh." Pag-amin ni Glenn sakin
"Ano? Traydor ka talaga kahit kailan Trist! Pano na yan? Eh kung layuan niya ako?" Sabi ko sa kanila
"Ehhh, sorry na Guel, galit ka ba?" Tanong ni Trist
"Hindi naman sa galit pero, ayusin mo yan. Pag hindi, alam mo na Trist." Ako
"Oo na! Ako na bahala." Trist
"Huy Migs! Totoo ba yung nabalitaan ko!" Pagsingit ng isang babaeng kabute dito sa tabi ko with matching hawak sa braso ko at puppy eyes na nakakasuka at daig pa ang clown sa kapal ng make-up, pati na rin pala ng muka.
BINABASA MO ANG
The Return
Novela JuvenilLahat ng ginagawa mo ay may katumbas na karma, mabuti man yan o masama kaya mag ingat ka kasi hindi mo alam kung paano ibabalik ng tadhana sayo ang ginawa mo. Walang pinipiling oras, lugar at lalo na sa taong magiging susi para magawa ang karma mo.