CHAPTER 1: "Karaniwang Araw"
Nagsimula ang lahat sa kuwento ng isang lalake na nag-ngangalang Noah. Isa siyang college student, bihira lang pumasok at pumapasok lang siya pag may exams. Isang umaga, nagising siya ng 7:00am...
Noah: "Hindi na naman pumalo alarm clock ko! Late! Midterms pa naman..."
Kasama niya sa bahay ang kanyang Ina na naghahanda ng almusal.
Nanay: "Papasok ka pala? Buti naman naisipan mo. Oo nga pala, exams week niyo na pala. Di na dapat magtaka."
Noah: "Nay naman! Sana ginising niyo ko!"
Nanay: "Aba malay ko bang papasok ka! Dapat hindi ka nagpuyat kagabi! Ako pa sinisisi mo eh nilutuan na nga kita ng almusal."
Noah: "Ahehehe! Sige na nga, nagmamadali na ko."
Nanay: "Anong oras ba simula ng exam mo?"
Noah: "7:30am! Hahaha!"
Nanay: "Ay sinagipak kang bata ka! Gumayak ka na para umabot ka! Wag mong kakalimutan kumain bago umalis."
Noah: "Opo nay! hehehe!"
Pagkatapos gumayak at kumain ng almusal ay madaling umalis na ng bahay si Noah para pumasok. Pagdating niya sa iskul...
Professor: "Good Morning Mr. Noah Lucas! Long time no see! Magaling ka tumayming, I was about to call your name."
Noah: "Good Morning mam! hehehe! Sorry po I'm late."
Professor: "Its ok. Idi-dismiss ko rin naman kayo after this attendance, may mahalaga akong appointment."
Klasmeyts sa buong room: "Yahoo!!!"
Noah: "Hala! Nagmadali pa naman ako. Panu na po yung exam?!"
Professor: "It can wait. Basta mag-review kayong lahat and don't forget na kumuha kayo sa akin ng graduation ring! Bibigyan ko kayo ng mataas na grade kapag magpapa-reserved kayo next week, tumatanggap ako ng installment. Ok class?"
Klasmeyts sa buong room: "Yes mam!"
Professor: "Ok class dismissed."
Pagkatapos umalis ang Prof, inapproach si Noah ng ibang klasmeyts niya.
Klasmeyt 1: "Pare musta na! Kala ko hindi kana magpapakita."
Klasmeyt 2: "Oo nga, manlibre ka naman! hahaha!"
Noah: "Alaws datung ako ngayon. Hehehe! Sige mga parekoy, punta lang ako sa library para makapag-review sa susunod na subject."
Klasmeyt 3: "Magre-review?! O baka naman gusto mo lang makita si magandang librarian? hahaha!"
Klasmeyt 4: "O baka dun mo lang i-break yung score mo sa flappy bird?! kita ko post mo sa facebook. loko ka ang taas nun!"
Noah: "Oi pssst! Ingay niyo, broadcast mode kayo ah. Baka may maniwala sa mga trip niyo. Sige na batsi na ko mga tsong, kitakits nalang."
Pumunta ng library si Noah. Napansin niya na walang katao-tao sa room maliban sa nakikita niyang cute girl sa may counter. Siya yung sinasabi ng mga kaklase ni Noah na librarian, napabulong si Noah sa kanyang sarili...
Noah: "(buo na araw ko. suwerte! ang haba pa naman ng vacant ko.)"
Napatingin yung librarian sa kanya. Pero dedma lang kunyare si Noah at may kinuhang random book sa bookshelf. Pumuwesto at umupo sa may gitnang-gilid si Noah at animo'y binabasa yung nakuha niyang aklat pero minsan pasulyap-sulyap sa librarian. Napangiti yung librarian dahil sa nahalata niya kay Noah, kaya tinawag niya ito.
Librarian: "Sir! Dito po kayo pumuwesto sa malapit. Ang layo niyo po dyan, magaganda pa naman mga books dito sa area ko."
Noah: "Ah eh sure po bang magaganda mga books dyan teh?"
Librarian: "Oo sir, kasing ganda ko kaya? hahaha! joke!"
Noah: "hahaha! kalog ka pala teh."
Lumapit si Noah sa lugar ng librarian at kumuha ulet ng random book at pumuwesto malapit sa librarian. Pagtingin ni Noah sa book cover...
Noah: "Mystical Gate? Hindi po siya pang-reference teh, kakaiba ha."
Librarian: "Hindi mo yan nakuha ng pagkataon lang, isang nakatakdang kapalaran yan."
Noah: "ummmm ano po?"
Naging seryoso ang pananalita ng librarian kay Noah.
Librarian: "Ikaw ang NAHIRANG ng tadhana na mag-uugnay ng mga nawawalang mundo!"
Noah: "ha? ano po yung mga sinasabi mo teh?"
Dahan-dahang nag-dilim ang buong paligid. Hindi na nakita ni Noah ang librarian...
Noah: "Ate librarian! ano po nangyayari?! ate!"
Ang tanging nakikita lang ni Noah ay ang bookshelf na pinagkuhanan niya ng aklat na Mystical Gate. May narinig na tinig si Noah sa di malamang pinagmumulan na nagsasabi...
"Ang aklat ay dapat ma-uwi sa dati niyang kinalalagyan..."
Noah: "Sino po kayo? Saan po kayo?"
"Ang aklat ay dapat ma-uwi sa dati niyang kinalalagyan..."
Bakas sa mukha ni Noah ang takot sa kanyang naririnig na tinig at nakikitang pagdilim ng paligid. Linagay ni Noah ang aklat na Mystical Gate sa dati niyang puwesto sa bookshelf.
Noah: "Ayan ho binalik ko na po. Sino po ba kayo? Ano po ba nangyayari? (baka panaginip ko lang 'to?)"
"Makinig kang mabuti munting hirang, hindi ito isang panaginip. Ito na ang simula ng iyong katungkulan. Kailangan mong tahakin ang mga mundo upang mai-ugnay ang mga nawawala pang mga mundo bago mahuli ang lahat. Ang iyong mundo man ay nanganganib din sa kanyang pag-iral, magmadali ka."
Noah: "Wala po akong naintindihan! Ano po ba nangyayari?! Naguguluhan po ako. Sino po ba kayo?"
"Malalaman mo rin ang lahat sa takdang panahon. Magmadali ka munting hirang, ito na ang oras upang matupad ang kapalarang naghihintay sayo."
Biglang lumiwanag ang bookshelf ng tila nakaka-bulag na liwanag at ito'y bumalot sa paligid ni Noah.
--- END OF CHAPTER 1: "Karaniwang Araw" ---
BINABASA MO ANG
DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDO
FanfictionAnime and Video Games Crossover Fantasy Story! Mula sa kuwento ng isang lalake na hinirang ng tadhana upang iligtas ang ka-iralan ng mga nawawalang mundo. Samahan si Noah Lucas sa kanyang pakikipag-sapalaran laban sa mga utak ng pagkawala ng iba't-i...