CHAPTER 5: "EUDOKAIOSUNE" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

61 2 0
                                    

CHAPTER 5: "EUDOKAIOSUNE" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Lumipas na ang sampung segundo na palugid ni Alberto para sabihin ni Noah ang totoo...

Noah: "Alberto, hindi ako tiktik ng kahit na sino..."

Alberto: "Hindi sapat ang mga sinabi mo para buhayin ka, tapos na ang palugid ko. Paalam!"

Gagamitin na ni Alberto ang dalawang espada upang tapusin ang buhay ni Noah, ngunit...

Fina: "Huwag Alberto!!!"

Biglang humarang si Fina upang ipagsanggalang si Noah. Huli na nang mapigilan ni Alberto ang isang kamay sa pag-atake at tinamaan si Fina sa balikat ng matalim na espada.

Noah: "Fina!!!"

Alberto: "Fina!!! Bakit..."

Fina: "Alberto......"

Nahulog si Fina sa mga bisig ni Noah.

Noah: "Fina... Bakit mo ginawa yun..."

Alberto: "!!!"

Sa kalagitnaan ng mga pangyayari, nakita ni Alberto na may mga mababangis na halimaw na naglabasan. Karamihan sa mga halimaw ay parang mga tao na may anyong mababangis na buwaya at ang iba naman ay nasa anyong baboy.

Alberto: "(Orcs... Kobolds... Anong ginagawa ng mga ito sa mababaw na bahagi ng Piltz?!)"

Fina: "Umalis na tayo..."

Alberto: "Noah, dalhin mo si Fina at tumakas na kayo! Ako na bahala sa mga halimaw."

Noah: "Alberto, napakadami nila..."

Alberto: "Ang maitutulong mo lang Noah ay dalhin si Fina sa ligtas na lugar!"

Fina: "Noah..."

Sa dami ng dugo na nawawala kay Fina, unti-unti siyang nawawalan ng malay.

Mga Halimaw: "Sabi na nga ba may naaamoy kaming dugo ng tao! BWAHAHAHA!"

Sumugod ang mga mababangis na halimaw kina Fina at Noah.

Alberto: "Hindi ko kayo hahayaang magtagumpay mga halimaw! Dual-Wielding Arts, CRESCENT WIND SWALLOW!!!"

Pagkawagayway ng dalawang espada ni Alberto, bigla siyang tumaga sa hangin at may lumabas na kakaibang enerhiya. Tumama ito sa mga halimaw. Nalagas ang bilang ng mga halimaw ngunit sadyang napakarami nito at patuloy na sumusugod sa kanila.

Alberto: "(Kung nandito lang ang mga hukbo ko...)"

Noah: "Alberto, tumakas ka narin! Sa dami nila, hindi mo sila kakayanin!"

Hindi na nagpatumpik pa si Alberto at sumunod narin siya kina Noah at Fina. Subalit may isang anyong hindi malaman saan nanggaling na biglang dumaan sa harapan nila. Anyong tao na nakasuot ng itim ang buong katawan at may talukbong sa ulo.

Alberto: "Illuminati!!! Anong ginagawa ng isang Illuminati dito?! Noah, ito ang patunay na isa kang tiktik!"

Noah: "Hindi ko alam yung mga sinasabi mo Alberto!"

Isang Illuminati: "Mga inutil."

May lumitaw sa kamay ng Illuminati na kasing hugis ng cellphone ni Noah.

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon