CHAPTER 3: "Mahika" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

119 1 0
                                    

CHAPTER 3: "Mahika" (Mystic Fantasy Chronicles Arc)

Kinabukasan ng madaling araw. Sa isang malamig na bukang-liwayway, gumayak sina Noah at Fina patungong Piltz Forest upang maturuan ng Gray Magic si Noah. Habang sila'y naglalakbay...

Noah: "Malayo ba ang Piltz Forest?"

Fina: "Hindi naman, may isang oras lang ang lalakarin mula sa Selka."

Noah: "Layo! Wala ba tayong sasakyan?"

Fina: "Malayo pa ba yun sayo? Isang oras lang naman! Sayang ang pera kung aarkila pa tayo ng asno o kabayo sa isang oras lang na lakaran."

Noah: "Ay ganun ba..."

Fina: "At isa pa, magandang pagsasanay narin 'to sa katawan at para umigi ang espiritual na lakas natin na kakailanganin sa paggamit ng Mahika."

Noah: "Ah sige, sabi mo eh. hehehe!"

Makalipas ang isang oras ng paglalakbay...

Fina: "Nandito na tayo sa Piltz Forest! Noah, bilisan mo naman!"

Noah: "Hintay lang! Iniwan mo naman ako, alam mo namang hinihingal pa ko..."

Fina: "Hahaha! Sige pahinga na nga muna tayo. Malapit narin sumikat ang araw."

Habang nagpapahinga silang dalawa, nagsimula nang magpaliwanag si Fina tungkol sa Mahika.

Fina: "Bago tayo magsimula sa concentration exercises, gusto kong maintindihan mo kung ano ang Mahika o Magic. Ang Mahika ay isang uri ng lakas o puwersa na magagamit mo upang makagawa ng mga pambihirang mga bagay. Dati ginagamit lang ito sa mga palabas bilang pang-aliw sa mga manonood. Sa paglipas ng mga panahon, nagagamit na siya bilang bahagi ng pakikipag-laban sa pamamagitan ng espiritual na lakas o Astral Strength. Bawat tao ay may angking kakayahan, may pambihirang astral strength, o kakaibang talento sa paggamit Mahika..."

Noah: "Lahat pala ng tao puwede gumamit ng Mahika?"

Fina: "Hindi lahat."

Noah: "Huh? Akala ko ba, bawat tao?"

Fina: "Totoo na bawat isa sa atin ay may astral strengths, pero hindi ibig sabihin nun ay lahat ng tao ay kayang matutunan ang mahika. Maaaring may kakulangan siya sa pag-iisip o hindi niya magamit ang astral strength niya sa 'di malamang dahilan."

Noah: "Ah ok."

Fina: "Maraming uri ang Magic, pero ang tatalakayin ko lang sayo yung basics. Ito ay ang White, Black at Gray."

Noah: "Teka, may binanggit ka dati na Blue Element."

Fina: "Hindi ko na tatalakayin yun dahil mas mataas na antas na Magic yun."

Noah: "Sana hindi mo na binanggit yun, nahi-hiwagaan tuloy ako. hahaha!"

Fina: "Matutunan mo din yun pagdating ng panahon. Balik tayo sa usapin. Ang White Magic ay pang-defense, Black Magic naman ay pang-offense. Ang Gray Magic naman ay pang-support."

Noah: "Ay pang-support lang pala matututunan ko..."

Fina: "Ano ka ba?! Dapat nga matuwa ka! Hindi basta-basta itinuturo ang Magic! Ang isa pang dahilan kaya tayo nandito sa Piltz Forest, para walang makakita sa atin. Mahigpit kasi na ipagbabawal ng Valencia Church Council sa mga priestess ang magturo ng Mahika!"

Noah: "Talaga? Maraming salamat po pala sayo..."

Fina: "Balik ulet tayo sa talakayan. Ang Gray Magic ay may mga uri din. Ito ay ang Offensive Support, Defensive Support at Passive Support. Ang ituturo ko sayong Gray Magic ay isang uri ng Passive Support na tinatawag na 'Levitation'. Maaari kang lumutang sa hangin!"

Noah: "Wow na-excite naman ako! Ibig sabihin puwede akong lumipad ng matagal at mataas na mataas?! Cool!"

Fina: "Hindi ka lilipad ng mataas! Aangat kalang ng bahagya at ang pagtagal sa paglutang ay depende sa antas ng iyong espiritual na lakas o astral strength. Panoorin mo kung paano ko siya gagawin."

Ipinikit ni Fina ang kanyang mga mata at nagnilay. Makalipas lang ng ilang segundo, pagdilat ni Fina ng kanyang nga mata ay unti-unting siyang umaangat sa kanyang kinatatayuan hanggang sa siya'y lumutang sa hangin. Si Noah ay nanggilalas sa kanyang namalas...

Noah: "Ngayon lang ako nakakita ng ganito... Hanggang saan ang pinaka-mataas mong paglutang Fina?"

Fina: "Sa antas ko, siguro hanggang taas lang ng bahay namin. At hanggang isang minuto lang ang kaya kong itagal sa ganitong paglutang..."

Bumaba na si Fina sa kanyang pagkakalutang.

Noah: "Game! Ituro mo na sa akin yung Levitation!"

Fina: "Sige ikaw naman, subukan mo."

Tinuro ni Fina ang tamang paraan ng pag-concentrate sa paggamit ng Mahika. Sinubukan kaagad ni Noah ang Levitation Magic. Lumutang si Noah ng hindi hihigit ng sampung talampakan at bumagsak sa lupa ng wala pang sampung segundo.

Noah: "Awts! Hanggang dun lang nakaya ko. Nakakangawit din pala."

Si Fina naman ngayon ang natulala sa kanyang nakita...

Fina: "Noah... Ang hirap paniwalaan na ito ang unang subok mo sa Levitation..."

Noah: "Bakit mo nasabi Fina? Bagsak nga ako kaagad eh..."

Fina: "Yung pinakita mong antas sa Levitation, katumbas ng anim na buwan naming pagsasanay bilang mga priestess nung pinag-aralan namin ang Levitation sa ministerio..."

Noah: "Talaga? Hindi pala biro yung nagawa ko... Paano pa ako umigi sa Levitation? Papaano ko pa palalakasin ang espiritual na kapangyarihan ko?"

Itinuro ni Fina ang mga paraan na nalalaman niya sa pagpapalakas ng espiritual na lakas kay Noah. Mula sa mga pagsasanay ng pangangatawan hanggang sa pagpapatalas ng kaluluwa. Lumipas ang apat na araw ng pagsasanay sa Piltz Forest, sa mga huling sandali bago sumibol ang araw...

Noah: "Fina! Tignan mo kung saan na ako umabot sa Levitation!"

Pinakita ni Noah ang resulta ng kanyang pagsasanay.

Fina: "Noah! Ang galing! Sasabayan kita!"

Lumutang narin sa hangin si Fina upang magpang-abot sila ni Noah.

Noah: "Woah! Ang taas natin!"

Fina: "Mahigit dalawampung talampakan ang taas natin! Nakakatuwa ka, ang bilis mong natutunan ang Levitation! Naabutan mo agad ang antas ko sa Levitation sa ilang araw mo lang na pagsasanay."

Noah: "Maraming salamat Fina... Tignan mo oh, ang dami palang magagandang tanawin dito sa Piltz Forest!"

Fina: "Pagmasdan mo rin ang araw na pasikat palang!"

Noah: "Ang ganda!"

Fina: "Halos araw-araw ko nakikita ang pagsibol ng araw sa umaga. Pero iba pala kapag may kasama kang nakikita ito."

Napangiti silang dalawa sa nasasaksihan nilang kagandahan ng pagbubukang-liwayway. Natutunan na ni Noah gumamit ng Mahika, saan kaya niya magagamit ito?

--- END OF CHAPTER 3: "Mahika" (Mystic Fantasy Chronicles Arc) ---

DAIGDIG NG MGA NAWAWALANG MUNDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon