Jeepney Scene

35 2 0
                                    

"Opo, Tita" sabi ko.

Alangan naman tanggihan ko siya diba? Minsan na nga lang humingi ng pabor si Tita Clarice tatanggihan ko pa. Malaki utang na loob ko sakanya kaya kahit sa maliliit na paraan gusto ko siyang tulungan. Gusto ko siya mapasaya. 

Inabot ni tita ang isang maliit na kahon

Medyo mabigat sya pero ayos lang, kahit ano para sakanya. Wala pa nga yung bigat ng kahon kumpara sa mga libro na dinadala sa ko sa school eh. Tsk. 

KAYA KO TO! 

Kinabukasan.

Sumakay ako ng jeep papuntang airport. Dagdag gastos kasi kung magtataxi pa ako eh. Tsaka hindi ako sanay sumakay sa naka aircon na sasakyan. Nasuska ako. Ewan ko ayoko lang nung amoy.

Himala at TRAFFIC ngayon. Di naman ganito sa probinsya ah. Hindi naman ito tulad ng Maynila na halos araw-araw nagsisiksikan ang mga sasakyan sa kalsada. Madals traffic lang dito pag bakasyon, nagsisiuwian kasi yung mga tao. Pero hindi naman Christmas ah? Hindi rin naman araw ng mga patay. Nakakapanibago talaga.

Nakinig na lang ako sa music dun sa jeep. Si Manong driver mukhang feel na feel din yung pinapatugog. Halos hindi niya marinig yung umapara. Kailangan pa sumigaw ng malakas para marinig niya.

Sa hindi inaasahang, pagtatagpo ng mga mundo

May minsan lang na nagdugtong, damang dama na ang ugong nito

Di pa ba sapat ang sakit at lahat? Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo

Ibinubunyag ka ng iyong matang sumisigaw ng pagsinta

 

Tadhana yun na kinanta ng Up Dharma Down. Matagal na din tong kanta pero ang ganda pa ding pakinggan.

Napaisip ako. 

Ano kayang feeling ng mainlove? Di ko pa nararanasan yun eh..

Wala pa kasing nagkakagusto sakin...MALI!

Wala naman talagang magkakagusto sakin.. bukod sa pangit na nga di pa matalino! Wala pang talent. Well, hindi naman talaga ako pangit. Hindi lang gustuhin. Napaka common daw kasi ng mukha ko eh. Hindi special. Tsaka sa panahon ngayon, iba na yung epitome ng maganda. Maganda ka kung maputi ka, makinis, matangos ang ilong, seksi, mahaba yung legs. Wala sakin yung mga katangian na yun eh. So, inassume ko nalang n pangit ako kahit may nagsasabi naman saking maganda ako.

Number 1 na dun si Jake. Napaka supportive naman kasi na kaibigan nun. Ultimo ngang boses ko na kakambal ata ng kulog tsaka kidlat eh pinupush niya. Sabi niya unique daw boses ko. Unique nga. Psh.

Di ko maiwasang isipin na napagkaitan talaga ako ni Lord.

“miss, hindi ka pa ba bababa?” sabi ni manong

 

NASA AIRPORT NA PALA

Anubayan di ko namalayan.

“ sorry ho,manong"  tsaka ko inabot yung bayad.

Living in a World Without Love (under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon