1

19 5 17
                                    


1

***

City Hall

Alas onse ng umaga, sa gitna ng ingay at kaunting init ay kapansin-pansin ang magiliw na mukha at ngiti ng isang binata habang nakatitig sa nakaupo at abalang dalaga.

“Magandang umaga Binibining Zayda.” ubod ng tamis na ngiti ni Pol habang nakatayo sa harapan nang nakakunot-noong si Zayda.

Sino ba naman ang hindi magtataka; una, sa dami ng mga taong nagpupunta ng munisipyo, bukod tangi ang lalakeng nasa harapan niya yata. Nakabutones hanggang dulo ang suot na long sleeves, nakabrush-up ang buhok, hindi naman siguro pamada ang nilagay nito ano?, nakaslacks na itim na pang-ibaba at sa hula ni Zayda ay nakaleather na sapatos ito. May dala pang isang bungkos ng puting rosas at may hawak na kahon ng cake at, jusko, lechong manok?

Pangalawa, yung mga lalake sa panahon ngayon, kung hindi nakapantalon at polo o t-shirt at nakashorts ay hanep ang pormahan. Pero ang isang ito, napag-iwanan yata ang kalendaryo sa bahay!

Pangatlo, at pinakahuli, kakilala siya ng lalake? I mean first nick name basis? Close sila? Sino itong nagtime-travel yata sa future at pinagtitripan siya.

Mga lalake talaga, bored siguro ito at siya na naman ang balak paglaruan.

Walang bago at hindi na siya basta-basta maniniwala at kakagat sa mga ganyang style.

“Anong maitutulong ko sa’yo mister?” nakangiti man ay hindi naman abot sa tenga na wika ni Zayda.

“Una sa lahat binibini, tanggapin mo muna ang mga bulaklak at mumunting regalong laan ko para sa iyo.” sabay abot sa kanya ni Pol ng mga dalang regalo.

Sabay sabay namang nagkantiyawan ang mga ibang empleyado sa munisipyo ng makita ang mga inabot kay Zayda.

“Ako ba e pinagloloko mo mister? Bawal ang suhol dito ah, pinapaalala ko lang.” gusto man mapangiti ni Zayda ay pinigilan niya.

Hindi siya pwedeng bumigay lang sa ganito. Pinaalala sa sarili na isa lang ang gusto ng lalake at hindi niya iyon hahayaan.

“Bakit naman kita lolokohin, seryoso ako at gusto kong iparating sa iyo iyon ngayon.” sabay ngiti pa nang ubod ng tamis.

“Sige ah, anong kailangan mo?” patay-malisyang nilapag ni Zayda sa gilid ang mga regalong ibinigay sa kanya.

“Mag-a-aplay sana ako ng lisensiya para sa kasal.” may munting panghihinayang sa puso ni Zayda, ano ba naman ang inaasahan niya?

Isa siyang empleyado sa munisipyo ngayon at sa may application of marriage license ang department niya kaya natural na yun ang pakay ng lalake. At malamang ang lalakeng ito ay ikakasal na sa iba. Sus Zayda, umasa kana na naman! Kastigo niya sa sarili.

“Sino ang ikakasal?” pagkumpirma n Zayda sa kaharap.

“Ako, binibini…”

“Ilang taon kana?” mabilis na tanong ni Zayda na hindi man lang pinatapos ang lalake sa unang sagot nito.

“Tatlumpo’t isa,”

“ ‘Yung magiging misis mo, ilang taon na?” abala kunyari sa pagkuha ng mga dokumento si Zayda para ipa-fill-up sa lalake.

“Dalawampu’t siyam na siya.” nakangiti pa rin na sagot ni  Pol.

“Parehas na kayong nasa tamang edad kaya hindi na kailangan ng parent's consents dito, pero dapat ay kasama mo siya ngayon kasi parehas kayong may pi-fill-up-an at isa pa, kailangan ninyong magpasa nung NSO birth certificate tsaka yung CENOMAR, parehas na galing ng NSO ‘yun…” habang nagsasalita si Zayda ay siya namang kuha ni Pol nung mga dokumento sa kanyang tabi.

“Dala ko na po ang lahat ng mga kailangang dokumento, binibini, isa pa nandiyan na lahat ng mga hiningi mo.” sabay abot ni Pol ng isang malaking brown na envelop kay Zayda.

Bago tanggapin ang envelop ay uminom muna ng tubig si Zayda dahil pakiramdam niya ay nanunuyo na ang lalamunan kakasalita.

Pagkabukas at pagtingin sa mga hininging dokumento ay nasamid si Zayda sa nakita.

What the hell!

Masama ang tingin na muling tinitigan ni Zayda ang lalake. Huminga ng malalim at nilapag ang mga papeles.

“Mister Apolinario San Miguel,” buong pagpipigil ni Zayda na batukan ang lalake dahil nakangiti pa rin ito at wariy seryoso din sa kalokohang binabalak.

“Ako nga binibini…”

“Nasaan ang mga kasamahan mong crew, pagkatapos ba nito sisigaw kayo ng ‘Wow Mali’, igu-good time ako, at akala ninyo nakakatawa? Hindi e, maghanap na lang kayo ng ibang lolokohin, hindi kayo nakakatawa. Okay? So, sige alis na.” niligpit na ni Zayda ang mga papeles at muling inabot kay Pol, kasama nung mga binigay na regalo ng huli.

Sumeryoso naman ang mukha ni Pol bago nagsalita.

“Sa pagkakaalam ko at pagkakabigay ng mga karampatang impormasyon sa akin ay tama naman ang lahat ng mga dokumentong dala ko ngayon, may kulang pa ba at hindi ka naniniwala niyan, Zayda?” nahigit ni Zayda ang paghinga niya.

Ang baritono kasi ng boses ng lalake sa harapan niya, seryoso din at pakiramdam niya’y kailangan niyang sumunod dito.

Pero, sino ba naman kasing matinong tao ang gagawa nito? E madalas katripan lang ang mga ganitong senaryo. Hindi ba?

“Mister, una sa lahat, nag-aaplay ka ng marriage license, tama ba?”

“Ganun na nga, binibini…”

“Dala mo din yung lahat ng documents na kailangan tama ba?” hinilot ni Zayda ang kanyang sentido dahil parang kumirot ito bigla.

“Tama binibini,” seryoso rin na turan ni Pol.

“At kailangan ng presence ng both party kapag mag-aaply,alam mo din iyon, tama ba?”

“ Nandito ako at kasama ka, kaya tama kang muli…”

“May NSO at CeNoMar parehas, tama ba?”

Muling tumango ang lalake.

“At parehas na tayong nasa tamang edad kaya pwede na tayong magpakasal, tama ba?” balik na tanong ni Pol kay Zayda kaya wala sa sariling napatango ang babae.

“Kaya ano pang kulang diyan?” muling tanong ni Pol kay Zayda.

“Wala na.” wala sa sariling sagot ni Zayda.

“Pirmahan mo na din yung parte mo niyan, para maiproseso na natin ang ating lisensiya.” dugtong ni Pol kay Zayda.

Hinawakan ni Zayda ang bolpen at ng akma ng pipirma ay muli siyang natauhan.

“Hoy! Teka nga,loko ‘tong lalakeng ito ah, anong akala mo sa akin, magpapakasal sa iyo? Sinuswerte ka naman! Maghanap ka ng ibang babaeng magogoyo mo, labas!” sigaw si Zayda dahilan para pagtinginan siya ng ibang mga tao.

Wala na siyang pakialam. Pinagloloko kana nga, alangan matuwa ka pa!

“Ngunit Zayda, ikaw lang ang aking iniibig, ikaw ang gusto kong pakasalan at makasama habang buhay.” lumuhod pa ito sa harapan ng desk ni Zayda.

Jusko Lord!

Inaamin naman niyang pinagdasal niya dati na sana may ganitong tagpo sa buhay niya, pero ngayon? Ikababaliw yata niya!

****

Natuwa ako kay Zayda kaya balak ko na itong ituloy! Yey! Gusto ko na naman pasayahin ang sarili ko...

Another Woman InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon