"Alam mo Pol, kung talagang mahal mo kung sino man ang babaeng iyan, gagawin mo ang lahat maiparamdam mo lang sa kanya kung gaano at ano siya sa buhay mo."
Maganda ang araw, sa lilim ng isang puno, sa harap ng isang simpleng bahay ay may dalawang lalakeng nag-uusap habang nagkakape.
Matamang nakikinig ang binata habang nakamasid sa mga sasakyang dumaraan sa harap ng bakuran.
Isang binatang nasa edad trenta, matangkad at may balingkinitang katawan ang humihigop sa kanyang kape. Mapapansin ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata, wari mo'y may magandang binabalak.
"Ang swerte naman yata ng babaeng napupusuan mo ah, sino ba iyan?" Kakikitaan ng interest ang may edad na lalake, nasa quarenta y singko ang edad, may ilang puting buhok ngunit kung tutuusin ay mas bata pa rin tingnan dahil sa palangiti nitong awra.
"Mami-meet mo din po siya 'to, soon..."
Nagtawanan pa ang dalawa bago nagpaalam ang binata.
Sa paglalakad palabas ng bakuran ay nasalubong naman niya ang pinsang babae, ang anak ng kanyang tiyo.
"Oh Kuya Pol, kailan ka pa nakabalik ng Pinas?" Masayang bati sa kanya ng pinsan habang akay ang anak nitong babae, kasunod ang isang batang lalaki at marahil ang asawa nito.
"Gracey, kamusta ang buhay may asawa?" Niyakap ni Pol ang pinsan sabay kurot sa batang babae na akay nito kanina.
Tumango naman si Pol sa asawa ng pinsan na si Kaloy.
"Pol, kamusta P're?" Si Kaloy na ngayon ay karga na sa kanyang balikat ang anak na lalake.
"Heto pare, magpapakasal na soon."
"Ikakasal kana kuya?" Takang tanong ni Grace sa pinsan.
Sa pagkakaalam niya ay wala naman itong naging nobya.
Ang akala nga ng buong angkan nila ay papasok ito ng seminaryo. Nagpakalayu-layo at walang masyadong naging balita sa binatang pinsan.
At heto, bigla na lamang susulpot at mag-aasawa na agad?
"Yes, malapit na, sige mauna na ako't susunduin ko pa ang misis ko."
***
Espesyal talaga sa akin si Zayda, kaya gagawan ko talaga siya ng story. Gusto kong mailagay yung mga life lessons na natutunan, natututunan ko along the way. Sakto lang na naisip kong si Grace at Kaloy plus si Mang Andres talaga ang nasa prologue.
Love comes when you least expect it to come. When you let go, that's when it leads you back to square one.
Zayda fell, got hurt. She fell once again. Then got broken again.
Over and over, until one day realised love is not for her to keep, that love is not for her to chase.
That maybe love is not fair. Or that love is not what she wanted it to be.
She let herself drift away, to the thought of falling, or to the idea of love itself.
This is Zayda, and here's a story about a girl turned into a woman, and a guy.
Will he break her again?
BINABASA MO ANG
Another Woman Inlove
Ficção GeralThis is Zayda's other side of the story. Of being broken and alone, of getting tired of falling over and over. Of love, faith and acceptance. Of moving on and loving yourself. That love never comes in an expected way, form and moment.