Her Reason (Elie's POV)

166 129 25
                                    


"Bes anong gusto mong regalo?" Tanong sakin ng bestfriend ko dahil malapit na ang Christmas party namin sa room.

"Earphones!" Sabi ko dahil kailangan ko talaga. Ilang buwan narin kasi ang lumipas nang masira yung headset ko kaya, gusto kong magkaroon ulit.

"Hindi na bes! Dapat hearing aid nalang!" Sabay tawa. Nakitawa nalang rin ako. Pero deep inside nalungkot ako di dahil sa sinabi niya kundi dahil naisip ko ulit yung reason kung bakit ako nahilig sa pagkukulong sa sarili ko sa musika gamit ang earphones.

One year na at wala parin akong progress. Ang nangyari lang sakin ay unti unti lang na nabibingi. Pero atleast sa music.

Di naman kasi ako mahilig masyado sa headset eh. Nagawa ko lang gawing hobby ang pakikinig nang mangyari yun one year ago.

The day when he left me, kasabay ng pagkawasak ng puso ko ay ang pagkawasak ng bawat araw ko sa tuwing naririnig ko ang boses niya. Dati parang musika na sobrang ganda ang boses niya... pero mula nung iniwan niya ako para na itong speaker na basag, masakit na sa tenga pati narin sa puso.

Dahil sa bawat pagbukas ng kaniyang bibig... hindi na ako ang nagiging bukambibig..

Iba na...

Siya na.

And it hurts me more every time he say how much he love her in front of me.

Parang kailan lang ako yung pinagmamalaki niya sa mga kakilala niya.. Pero ngayon iba na..

Sobrang sakit...

Di man lang niya naisip na baka nasasaktan din naman ako no? Na baka nadudurog din naman ako..

Na baka wasak na wasak na yung puso ko kada sinasabi niya kung gano niya kamahal yung taong pinili niya para manatili sakanya.

Ang sakit marinig yung mga bagay na sakin niya sinasabi dati pero ngayon sa iba na..

Sobrang sakit lang..


Kaya yun I chose to build a world with only me and music. Me and the lyrics.

Me and just the music.

Ayoko ng masaktan pa kaya kung pwede nga lang di ko na tangalin ang headset panghabang buhay. Para di ko na siya marinig..

Di ko na maalala yung boses niya..

Para wala ng sakit..

Kasi nakakahiya naman kung anniversary na nila tapos anniversary narin ng durog kong puso diba? HAHAHA.

Ang hirap kasing mastuck sa dati...

Sa mga pangako niya, sa memories namin, sa mga phonecalls na ang tanging ginagawa niya ay ang kantahan ako, sa paghatid niya sakin tuwing hapon at sa lahat lahat ng mga bagay na nagpapahirap sakin sa pagmomove on.


"Sige na. Earphones lang okay nako." Sabi ko sakaniya. Nginitian naman niya ako. After weeks dumating ang Christmas party namin. I got what I wished. I got the only way to move on. I'm now back to my world with only music. Wala ng iba pa.

Walang siya.

Walang kami.

Only me.. and just music.

I will never let anyone invade my world again.


But...

...as they say, unexpected things happen at the most unexpected time at the blink of your eyes.


Nagulat ako nang may magtanggal ng earphones ko in just a split second.

"Hey! Give it back to me!" Sabi ko at tinangkang kunin pabalik ang earphones ko pero itinaas niya ito para di ko maabot.

"Ano bang trip mo?!" Pasigaw kong sabi. He just smiled.

"Sungit mo naman miss. Kanina pa kasi kita tinatawag pero di ka lumilingon. Eto oh, nahulog mo." Sabi niya ng nakangiti. Agad ko namang tinignan yung hawak niya. It was my book entitled "Sparks" which is my favorite one. Kinuha ko agad yun at yung earphones ko.

"Salamat." Sabi ko then umalis na.

Habang naglalakad ako binuklat ko yung libro ko. Napatigil ako nang makita ko ang sticky note.

*******
I'm Sky. :) You are?

*******

I turned my back to find him but he was nowhere to be found but when I turned around, I saw him, I saw him smiling at me. It made me smiled a bit.

"Miss mo na ko agad?" I rolled my eyes. KAPAL!

"So, anong pangalan mo? I'm Sky Crux. Don't worry di ako mamamatay tao o nangingidnap or kahit ano. I just wanna know your name."

"Elie." He smiled.

"Cute name." I smiled.

Sometimes it's good to breathe out of your own world. Nakakagaan. Para bang nabawasan ka ng alalahanin. May reason kung bakit ako binigyan ng pagkakataon na umalis saglit sa mundong ako lang ang naroon. Para maginhawaan.

Makalanghap ng sariwang hangin.

Magbuild ng new world..

With another person.

Which is good. No---Wait, It's Better.

Better than being alone.

Better than having just your own.


"Pwedeng sumabay?" Sabi niya sakin ng sobrang ngiti.

"Sure." I smiled a bit.

We walked the road.

The road to somewhere I don't mind where will it be.

I'll just enjoy the companion of the Sky. :)


END


Hi! Thank you for arriving here. Wahuhuhu. *cries* Hahaha. Thank you ulit! God bless! :*

Her ReasonWhere stories live. Discover now