Chapter 4 -Ang Batang Halimaw

34 6 4
                                    

Lumipas ang gabi at saka kami muling kumilos.






Mula sa butas na yon papunta sa kalsada kung saan kami tumalsik.





Bakas pa rin ang mga nangyari.

Ang mga parte ng kotseng sumabog na nakakalat kung saan-saan.

Ang mga lasog-lasog na laman loob.


Hanggang ngayon ay nandyan padin sila.

Nasa kalangitan.




Umasa na lang kami na hindi sana kami makita ng mga bagay na yon.





Naglakad kaming dalawa.

Nakaupong naglakad.

paunti-unti.

Hanggang makarating sa 7-eleveng una naming pinanggalingan.




Doon. Maraming pagkain.

Doon. Ligtas kami.

Maliban sa basag na salamin sa kanan.


Pero bago pa kami makarating, para bang may sumusunod sa likod namin.





Hindi ko tiyak kung ano ito pero tingin ko isa nanaman sa mga bagay nayon.








*Iiwwwww*

Isang malakas na wangwang galing sa kalangitan.



Huli na. Mukhang nakita na nila kaming dalawa.

"Takbo" sigaw ni Del.


Pagtakbo namin sa loob, agad naming hinanap ang room na para lang da mga staff.

Ang liwanag.

Ang asul na liwanag na nanggagaling sa labas.

Na kitang-kita sa lahat ng salamin sa paligid namin.

"Tara na! Tara na!" Sigaw ko sabay pasok sa kwarto.

Sumunod nadin sa kin si kuya.






Pagpasok na pagpasok namin don, agad kaming naghanap ng pwedeng ipangharang sa pinto.



Ref.

Tama. Ref.

Nagtulong kami sa pag-usog sa ref pangharang sa pinto.







Napaupo na lang kami at inisip ang mga nangyayari sa mundo namin.

"Ha-haa-ha-haaa" hinihingal kong sabi.


Akala ko ligtas na kami non.




"Alfred. Alfred. Tignan mo" tawag sakin ni Del.

Napalingon ako kung saan siya nakatingin.




Isang problema.

Ang buong kwartong iyon.

Salamin din ang dingding.


At may isa pa kaming problema.

Isa sa mga bagay na yon, nakatitig sa amin.

Nalutang at handang umatake.

"Huwag kang gagalaw" kinakabahang sabi ko kay del.

Nagkatinginan lang kaming dalawa habang hinihintay umalis ang bagay.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon