#UTS1 HIGH SCHOOL CRUSH

48 2 4
                                    

Reminder: Hindi po si Jimin ang portrayer, okay? Naisip ko lang ilagay picture niya dito. Hahaha! 😂

Meg, I dedicate this for you!

                                        

XXX

#UTS1 HIGH SCHOOL CRUSH



Grade 7 pa lamang si Jennie Sanchez simula nang maging crush niya si Jaye Malcom, hindi sila magkaklase. Sa katunayan nasa higher section ang crush niya samantala siya nama'y nasa pangalawa sa higher section. Ilang distansiya lang ang classroom niya sa kanyang crush kung kaya't masuwerte siyang nakakapagnakaw ng tingin. Naaalala niya pa yung mga araw na tuksuhin na siya ng mga kaibigan niya na patay na patay kay Jaye.


Well, hindi naman ito gaanong ka-gwapuhan, love is blind daw kasi, pero bawi namin ito sa katalinuhan lalo na sa Matematika, nakakaturn-on daw kasi since Math ang subject na weakness niya, makulit at palabiro ang binata. Si Jennie na nga ang matuturing na dakilang stalker  ni Jaye, maging pamilya nito ay kilala ng dalagita.

Ngayong nasa ikasampu na silang baitang wala pa 'ring pinagbago. Crush niya pa rin si Jaye. Habang tumatagal,mas lumalala. Naisip niya love na kaya ito? Napailing siya, hindi! Malabo yun.

"Omg! Malapit na ang foundation day. Anong plano niyo girls?" tanong ni Ella na bestfriend niya. Actually, lima silang lahat. Bumuntong hininga si Jennie.


"Nalilito ako kung mag-memedics ako o elements. Ayoko naman mag-sponsor dahil nasa tabi lang at wala gaanong ginagawa. Kung medics naman baka di ako mapili." sagot ng dalaga. Sa araw kasi ng Foundation Day nila ay ang Pass-in-Review kaya kailangan makilahok ng lahat na Grade 10 students. Kailangan niya nang makapag-decide bago pa ang formation.


"Mag-elements ka na lang, Jennie. Di ka na lang kasi sana nag quit sa scouts, edi di ka nahihirapan ngayon." dagdag ni Rose.


"Atsaka, ayaw mo 'nun? Every formation niyo makikita mo si Jaye! Kyaaa! CAT officer siya di ba? Edi, chance mo na 'te! Malay mo? Mapansin ka na niya." wika naman ni Sarah. Aba't halos mag-aapat na taon na siya sa paaralan nila ngunit di pa siya napapansin nito, ni kausapin man lang, o ni sulyapan man lamang. Kaya't sana bago matapos ang Junior High nila, goal niya na mapansin siya nito.


"Deal! Mag-eelements na ako. Para sa inyo, para kay crush at para sa 'kin." determinado nitong sinabi sa sarili. Bahala na si Kim Taehyung  kung magmukha siyang clumsy sa formation nila, but she'll do her best na di mapahiya kay crush. Aja! Fighting!




---

Ito na... Ito na ang araw na kanyang ikinakakaba ngunit ikinakikilig rin. Ngayon ang unang araw nila upang i-hensayo sila sa tamang marching at paghawak ng mga riffles. Bawat platoons ay may mga assigned leaders at malungkot sa isipan ni Jennie dahil kapwa babae ang maghahandle sa kanila pero ayos na rin yun para di siya makita nito at makapag-focus rin ang dalaga. May punishment pa naman kapag di umayos during sa kanilang formation.


Habang nagroroll call ang kanilang platoon leader, di maiwasan ng malikot niyang mga mata na hanapin si Jaye. Asan na ba yun nagtatago?, naitanong niya sa sarili. Naku, naku!  Pag yun nambabae baka mahampas niya ang hawak-hawak na riffle sa haliparot na babae.

Tingin dito, tingin doon, tingin dito, tingin doon, tingin dito, tingin do--- ayun! Huli siya! Napangiti ng malawak si Jennie ng mahagilap ng kanyang mga mata si Jaye. Naka white t-shirt ito with black jeans, ganun lang ka simple pero halos maubusan na siya ng hininga sa malakas na appeal ng binata.


UNTOLD STORIES (A Series of One-Shot Stories)Where stories live. Discover now