#UTS2 DATE

37 2 3
                                    

Hello! Okay lang ba kung i dedicate ko 'to sayo? :')

#UTS2 DATE


Ako nga pala si Melissa Gonzales, 20, running for HRM, at tahimik ang love life. Hays. Ewan ko ba, I almost dated more than 15 na lalake pero yun na nga hanggang date lang, no attachment, never kong naging ka-relationship. Tinukso na nga ako ng nakababata kong kapatid na nilalangaw na daw love life ko. Aba't langya ah?! 13 years old pa lang may girlfriend na! Nahiya naman ako sa kanilang may mga gatas pa sa labi. Di naman sa bitter. Nakakaimbyerna lang talaga kapatid ko. Isipin niyo na lang, nanghihingi sa'kin ng pera pang date sa jowa niya. Jusme! Di na nahiya sa ate niyang walang jowa. Hays.



"Oy, Mels! Kanina pa kita kinakausap." Raiza waved her hands infront of me.





"Ano nga ulit tanong mo?" Napakamot siya sa batok.





"Sabi ko... Kumusta yung dinner date niyo ni Joshua kagabi?" She said in a poker face.





"Very boring. Wala kaming matino na topic. Mas gugustuhin ko pang i-date si Grim Reaper ng Goblin kaysa kay Josh." I replied in a bored tune. Napahalakhak naman si Raiza. Tss.





"Hahaha! Sayang naman kagwapuhan 'nun."





"Gusto mo ibigay ko sayo phone number niya?"





"Ha-ha! No way. Just keep it in your phone." Binibigyan na nga ng blessing, umaayaw pa. Che! Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong mag-ring.





"Yes, Henry?" Ano na naman kailangan nito?





"Starbucks?! As in, ngayon na?" Nyeta. Anong meron? Kung padaliin ako dinaig pa ang manganganak sa starbucks.





"O, ano kailangan ni Henry?" Raiza asked.





"Aba malay ko dun. Pinapadali na ako ng mokong." Sabay ligpit ng mga gamit ko para sa report namin.





"Basta talaga pagdating kay Henry ang active mo. Hays, pag-ibig nga naman. Siya na lang kasi i-date mo." She teased.





"May nililigawan na nga yun, e!" Inis kong sabi.





"Sus, mahal mo pa rin naman hanggang ngayon. Hahaha!"





"Leche ka!" Sabay tapon ng tissues sa mukha niya. Makaalis na nga!



---



Pagkarating na pagkarating ko sa starbucks ay agad kong hinanap kung asan nakaupo si Henry, I'm expecting that he's with his girlfriend but from what I saw siya lang mag-isa. Nakaupo sa gilid habang tutok na tutok sa laptop.

"Anong meron?" tanong ko sabay naupo.

Henry Dominguez, 22, ABM ang course. He's my childhood friend and totally my bestfriend. Ang masaklap pa ay may feelings ako sa kanya. One of the reasons why I entertained myself to date any guys out there.

"Drinks you want?" he offered.





"Double chocolate chip frappuccino." agad naman siyang tumayo para mag-order.





"Here's your order, Madame." natawa naman ako sa kanya. Kung wala lang sana siyang pinupormahan ngayon baka isipin ko pang nagdedate kami pero meron, e. I sighed.





UNTOLD STORIES (A Series of One-Shot Stories)Where stories live. Discover now