#UTS3STRANGERS
It's Monday morning. Agad akong napabalikwas mula sa aking kinahihigaan at napatingin sa aking cellphone. Time checked, it's already 7:00 AM. Damn it! Male-late na ako sa first subject namin --- as always.
Nagmamadaling tumakbo ako papuntang banyo at naligo. Pagkatapos ay nagsuot na rin ng uniporme at school shoes. Tamang tingin lang ng sarili sa salamin sabay suklay ng aking buhok at apply ng pulbos sa mukha't leeg. Syempre, tamang spray din ng pabango. Kinuha ko na ang aking bag at isinukbit sa'king balikat.
Heto... Pasakay na ako ng traysikel kahit nakatikim ng kaunting sermon kay mama. Nang makapara ng masasakyan, biglang natuon ang aking atensyon sa isang lalaking pasahero ni kuya drayber na nakaupo sa harapan at abala sa pagtitipa ng cellphone nito.
At this moment, napahinto ako sa paghakbang palapit sa traysikel nang mapagtanto at mamukhaan ko ang lalaking pasahero.
"Dito ka na lang sa harap maupo, Ineng. Hindi na bakante ang upuan sa likod." Saad ni kuya drayber na agad pumukaw sa'king diwa.
"Uhm... O-oo, s-sige ho." Nauutal kong sagot at nakitang may apat na estudyanteng pasahero rin pala sa likuran.
Nang makabawi sa pagkabigla kanina ay huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako mapakali, sa mga oras na ito kinakabahan ako, hindi dahil sa kaalamang late na nga ako sa klase ngunit... Dahil sa presensiya ng lalaking katabi ko ngayon.
Hindi ko alam kung anong nakain ko at bigla akong napatingin sa gawi ng aking katabi. At sa pagkakataong iyon, parang gusto ko nang lamunin na lamang lupa dahil sa sobrang hiya!
"Ang gaga mo talaga! Bakit kasi tumingin ka pa sa kaniya?!"
Saway ko sa sarili pero sa isip ko lamang.
Paano ba naman kasi? Nang mapatingin ako sa kaniya ay agad nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko iyon inaasahan kaya alam kong nakabahid ngayon sa aking mukha ang pagkabigla salungat naman sa lalaking kaharap ko na nakatitig lamang sa akin. Ni hindi ko mawari at mabasa ang tingin na itinapon niya sa akin.
Mukhang ako lamang ang nakakakilala sa aming dalawa.
Agad kong binawi ang aking tingin at sa kalsada na lamang itinuon ang mga mata. Ramdam na ramdan ko ang panlalamig ng aking kamay at ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib na tila ay nakikipagkarerahan sa bilis ng tibok nito. Marahil ay sa kadahilanang napakalapit niya ngayon sa akin kompara sa mga araw na nagkakasalubong lang kami ng daan sa school.
Pagkarating ko sa school, nagmamadaling tinahak ko ang daan patungo sa aming classroom.
"Geez! Late na nga talaga ako! Ulit..." Asar at pabulong kong sabi. Ang mga magagaling ko naman na kaklase ay nagsipalakpakan pa. Nakakahiya!
...
After class, napag-isipan kong pumunta ng library. Nakagawian ko na rin kasi ang laging pagpunta rito para maaliw lalo na kapag vacant time.
Pagkatapos kong makapili ng babasahin agad akong humanap ng mauupuan at saka komportableng naupo. Hindi pa ako nangangalahati sa'king binabasa nang makarinig ako ng mahinang tawanan. Isang lamesa lang ang pagitan mula sa puwesto ko. Doon, nahagilap ng dalawa kong mata ang pigura ng isang magkasintahan na naglalambingan.
Kitang-kita ang kislap sa bawat mga mata nila patunay na sila'y masaya at nagmamahalan. Magkahawak ang kanilang kamay. Nakasandal ang ulo ng babae sa balikat ng lalaki. Ni walang pakialam sa kanilang paligid at parang may sarili silang mundo.
That made me realize one thing...
That we used to be like that...
He used to look at me like that...
He used to smile at me like that...
He used to care for me like that...
He used to love me like that...Like, I am the only precious gem that needs to be treasure and to be value.
Yeah, like that... But that was all before...
Noong may kami pa.
Tumayo na ako mula sa aking upuan at sakto naman na pagtayo rin nila.
"Okay, diretso lang sa daan ang tingin." Sa isip-isipan ko.
As we passed by each other... With opposite paths.
I wondered,
That maybe... We're just a perfect strangers.
And it'll stay that way.
- FIN -
Sinipag ako. Di ko alam. 😆
Welcome, Red Velvet and NCT127 here in Manila, PH! 😍✨
YOU ARE READING
UNTOLD STORIES (A Series of One-Shot Stories)
Ficción GeneralCompilation of untold stories. Date Started: April 9, 2017 © All rights reserved Follow Me: @thatlittlecrybaby Highest rank: #97 - One-sided, #12 - Puppy Love9