Chapter 10.1- Date?!
Amara POV
Siguro nagtatanong kayo kung anong pinag-usapan namin ni Joanna."Saan ka nag-aaral Amara?" Tanong niya. Hindi ba niya kilala ang kaisa-isang anak ng may-ari ng Wilford High na si Amara Sophia Gonzales? Hahaha, funny.
"Saan pa ba? Edi sa school na ang parents ko ang nagmamay-ari. In short, sa Wilford High." Nakita ko sa kaniyang mukha ang gulat na may halong pagkahiya.
"Oh? Bakit parang nagulat ka?" Tanong ko.
"Kasi doon din ako nag-aaral. Hindi ko alam na kausap ko na ngayon ang kaisa-isang anak ng may-ari ng Wilford High!" Aniya.
"Well. You're lucky. Bestfriends pa tayo." Ayan nanaman tayo sa gulat na mukha.
"Hah? Bestfriends? Akala ko po friends lang?" Tanong niya. Gusto ba nya o ayaw? Swerte nga siya eh. Ako pa mismo ang nakipag-kaibigan sa kaniya.
"Gusto mo o ayaw? Swerte ka nga eh. Pero kung ayaw mo... Hindi na kita pipilitin." Pang-asar ko dito.
"Ani ka ba! Joke lang! Syempre gusto!" Sabi niya habang pumapalakpak. Hahaha. Para siyang bata😂
Eventually nakita ko si Ginno na parang may hinahanap. Siguro pagkain. OR SIGURO AKO. Kinuha ko ang kaniyang atensiyon.
"Oh Ginno! Sorry natagalan ako. Kausap ko si Joanna. Sige, babalik na ako sa table natin." Sabi ko.
Pagkabalik ko sa table namin, kumain na ako agad. Syempre gutom ako eh. Bakit bawal? Habang kumakain ako, may nakita akong lalaki. Nakatingin sakin. Nakangisi.
Hala baka rapist yan. Madali akong tumayo para hanapin si Ginno. Hindi ko mahanap! Hala, saan pumunta yun? I-text ko nalang kaya.
To: Ginno
Ginno! Nasaan ka na ba? May lalaking nakatitig sakin! Baka rapist! Or kidnapper! Ginno! He's following me. Saan ka na?Totally. He's following me. I decided to head to Nicole's table.
"Nicole! Help! Kanina may nakatitig saaking lalaki. Hinanap ko si Ginno pero--" hingal na hingal ako. Pero pinutol ni Nicole yung pangungusap ko.
"Woah. Amara. Kalma. Trixie bigyan mo nga ng tubig. Hingal na hingal eh." Utos niya kay Trixie. Tinanggap ko naman ito. Nang kalmado na ako, sinilip ko muna kung nandoon pa siya. Parang wala na.
"As I was saying, kanina, noong kumakain ako, may nakatitig saaking lalaki. Mukhang siyang rapist or kidnapper, basta ganern. So syempre natakot ako, hinanap ko si Ginno. Pero ito yung nakakatakot... Sinusundan nya ako. Kaya ko naisipan na dito muna ako hangga't hindi ko pa nakikita si Ginno." Sabi ko.
Maya-maya nag-reply saakin si Ginno.
From: Ginno
Ok ka lang ba dyan? Nakina Joanna ka daw. Sorry natagalan ako kasi nakapila pa ko dito. May inoorder lang. Gusto mo bugbugin ko? -GPaano niya alam na kasama ko sila Joanna? Siguro noong kinausap ni Ginno si Joanna. Siguro hiningi yung number. Pinagpatuloy ko ang pagbasa ng text.
Gusto mo bugbugin ko? Wiwss. Concerned? Hahahaha. Nagpaalam na ako sa aking mga bago kong kaibigan at bumalik na saaming table.
"Oh Ginno! Ilang minuto ka pa nandyan?" Tanong ko.
"Ah. Kakarating ko lang. Nasaan na yung lalaking yun? Ano bugbugin pa natin?" Hahaha. Di parin tumitigil.
"Wag na. Wala na eh. Plus, ayokong mag-iskandalo baka masira ang pangalan ng family ko." Sabi ko. Bakit? Totoo naman eh! Masisira rin ang reputation ng pamilya ko.
And there was (an awkward) silence--
(A/N: Fellow Grade 5 Theresians, naalala nyo pa 'to? 😂 Meditation of A Broken World.)
Dahil hindi na namin alam kung anong sasabihin sa isa't-isa.
"Oh, Ginno no one should ever know about this. I ditched my fruends just for this." Nagui-guilty ako.
"Gusto mo alis na tayo? Tara na. We payed for the bill anyways." At tuluyan na kaming umalis.
___________________
Chapter 10.1 mga dree!!! 😂 hope you have a great summer! Thank you sa lahat na nagsusupport dito! We reached 16.8K reads! Thank you!🦄
BINABASA MO ANG
Miss Maldita meets Mister Bad Boy (on hold)
Подростковая литератураDahil sa pagtataray ni Amara at pagyayabang ni Ginno, mahuhulog kaya sila sa isa't-isa? [Highest Rank: #179 in Teen Fiction] [05||19||17]