Chapter 11: Sinfully Falling

722 34 5
                                    


Chapter 11: Sinfully Falling


EUSTACE CYRIL RAZON

"Sino ba kasing sumuntok sa'yo? Mukhang sobra ang galit sa'yo kaya ayan, ang laki ng pasa sa panga mo," umiiling na sabi ni Jared sa akin at nakangiwing tumingin sa panga ko.

Napayuko ako nang bahagya. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ako.

Kanina pa ako tinatanong ng mga kaklase ko tungkol sa pasa sa panga ko. Alam kong naninibago sila dahil ito ang unang beses na nakita nila akong may pasa sa mukha. Hindi kasi ako ang tipo ng taong palaaway. Naturingan ako ritong Anghel sa Lupa na ikinatatawa ko na lang dahil napaka OA ng description nila sa akin.

Kaya big deal sa kanilang makita akong ganito. Parang himala, ganoon.

"Ay sus, nanligaw 'yan si Anghel sa Lupa nang may boyfriend kaya nasuntok," natatawang sabi bigla ni Mana sa tabi ko.

Nanlalaki ang mga matang tumingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay, nanghahamon. Maya maya lang ay bigla siyang tumawa nang malakas. Bumuntong hininga ako.

Ang lakas ng boses nitong si Mana. Kung may teacher kami, paniguradong pinalabas na siya.

"Grabe ang reaksyon mo. Nakakita lang ng multo ang peg?" natatawa pa rin niyang sabi. "Biro lang. Ikaw naman. Para kang aatakihin dahil sa sinabi ko, e." Tumayo siya. Napatingala kami parehas ni Jared. Ngumisi siya nang pagkalaki-laki sa akin bago nag bent at bumulong sa tenga ko. "Nakita ko kayo ni July Ongpin na magkayakap sa gilid ng gym. Si Rigel ang sumuntok sa'yo? O si August?"

Nanlaki ulit ang mga mata ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Sa ganoong sitwasyon tumunog ang bell hudyat na lunch break na. Nakangiting lumayo sa akin si Mana at naunang lumabas ng classroom kasama ang mga kaibigan niya. Si Jared ay tinapik ako sa balikat.

"Sa Photography Club muna ako," sabi niya bago umalis.

Nakita kami ni Mana. Nakita niya kaming magkayakap. Posible ring nakita niya ang mga ginawa sa akin ni July noong gabing 'yon. Iyong halik sa... sa...

Napatakip ako sa mukha. Naramdaman kong nag-init ang buong mukha ko sa hiya at sa alaala sa gabing iyon.

Buong lunch break, ayun lang ang iniisip ko. Lalo na at pagala gala si Mana sa paligid. Nakikita ko siya kung nasaan man kami nina August. Pasulyap sulyap siya sa akin... sa amin. Hindi ko alam kung nanunukso ba siya o ano.

"Dito ka, July," nakangising wika ni Rigel at tinapik pa ang katabing pwesto.

Nagpapalipas kami ng oras sa field pagkatapos naming kumain ng lunch. Maraming bleachers at wooden chairs na nakakalat para mapagtambayan ng mga estudyante sa kanilang free time.

Sumimangot si July. Nakita kong sumulyap siya sa akin. Nabigla ako. Mas lalo siyang sumimangot at padabog na umupo sa tabi ni Rigel. Uupo n asana sa tabi ko si August pero biglang nagreklamo si July.

"Si Mari ang uupo sa tabi ni Ace. Huwag kang ano diyan."

Kunot-noo ko siyang sinulyapan. Nagtama ang mga mata namin. Ngumiti siya. Nag-iwas ng tingin. Tapos ay umirap sa kawalan.

Anong problema niya? Anong nangyari?

Kahit halatang ayaw umalis ni August sa tabi ko, sumunod pa rin siya sa sinabi ng kakambal.

Nag-aalinlangan man, umupo si Mari sa tabi ko. Ngumiti ako nang ngumiti siya sa akin.

May nabubuong tensyon sa pagitan naming lahat. Alam kong sobrang awkward sa pakiramdam dahil noong Sabado ng gabi lang ay nakita ni August, Kirk, at Rigel ang magkayakap na katawan namin July. Paniguradong alam na rin nina Kirk at August kung bakit may pasa ako at sino ang may gawa.

How You Get The BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon