Chapter 21: Push and Pull Game

655 25 3
                                    

Chapter 21: Push and Pull Game


JULY MARIEL ONGPIN

Basang basa ng luha ang mukha ko habang tumatakbo ako palabas ng bahay nina Ace.

"Wala talaga akong report ngayon sa Chemistry. Excuse ko lang 'yon kay July para pumunta siya. Kailangan nila ng quality time ni Ace." Narinig kong sabi ng isang boses sa labas ng gate.

Si Rigel. Natigil ako sa pagtakbo. Dahan-dahan akong lumakad palabas ng gate.

"Kailangan na nilang mag-ayos. Hindi na kaya ng mga mata ko ang kadramahan nila," ani August.

"Kasalanan mo lahat 'to, e..." si Rigel.

Paglabas ko ng gate, nakayuko lang ako pero alam kong nasa harapan ko sila at natigil sa pagpasok sa gate nang makita ako.

Tatlong pares ng panlalaking black leather shoes at isang pares ng black leather shoes ang nakikita ko habang nakayuko. So, they were all here.

Mas lalong bumuhos ang luha mula sa mga mata ko.

"Oy, July! May maganda akong balita sa'yo!" sabi ni August at lumapit sa akin. Umakbay siya. "Alam mo ba? Nagcheck na ng exams kanina. Bagsak tayo kaya may supplemental class ulit tayo this weekend!" Malakas siyang tumawa.

Maganda bang balita 'yon? Nanatili akong tahimik. Ano pa bang bago? Hindi naman nakakagulat ang balitang iyon. Sanay na akong bumagsak sa mga exams. Sanay na akong hindi pumasa. Pero ngayon ay may kakaiba akong nararamdaman. Hiya. Nahihiya ako kasi pagkatapos kaming turuan ni Ace, hindi pa rin kami nakapasa. Parang nasayang ang effort niyang turuan kami. Hindi pa rin kami nakapasa. May pag-asa pa ba ang isang katulad ko?

Nakakawala ng confidence. Noon, kapag sinasabi nilang puro ganda lang ako, proud pa ako kasi maganda ako. Kahit wala akong talent, maganda ako. Kahit hindi ako matalino at puro palakol ang grades ko, maganda pa rin ako.

Ngayon, simula nang magkagusto ako kay Ace, unti-unting nauubos ang confidence at yabang ko. Nahihiya ako kasi ang bobo ko. Nahihiya ako kasi bukod sa ganda ko, wala akong maipagmalaki.

Napakasama pa ng ugali ko. Bakit kaya nagkagusto si Ace sa isang tulad ko? We are exact opposite with each other. Siguro kung hindi ko siya nilapitan at inakit, hinding hindi siya titingin sa isang tulad ko. Hinding hindi siya magkakagusto sa akin.

Tinakpan ko ang aking bibig nang humagulgol ako. Naramdaman kong nanigas ang braso ni August na nakapulupot sa akin.

"Oy, bakit ka umiiyak?" Sa tanong niyang iyon ay mas lalo lang bumuhos ang luha ko.

Nagsilapitan sina Kirk, Mari, at Rigel sa akin. Marahang hinatak ni August ang braso ko para maharap ako sa kanya. Buong pwersa niyang tinanggal ang palad ko sa pagkakatakip sa aking bibig. Nasaktan ako doon kaya mas lalo akong umiyak.

"August, ano ba! Nasasaktan mo si July, e!" reklamo ni Rigel.

Binaliwala ni August ang reklamo ni Rigel. "Bakit ka umiiyak?" mariing tanong niya.

Sinubukan kong magsalita pero puro hikbi ang lumalabas sa bibig ko. Napapikit si August at malalim na bumuntong hininga.

"July..." Sumikip ang dibdib ko nang marinig sa aking likod ang paos na boses ni Ace. "Pag-usapan natin 'to."

"Ano bang nangyari?" pagalit na tanong ni August kay Ace.

"August, please, kailangan naming mag-usap ni July..."

How You Get The BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon