Chapter 36

2.2K 64 5
                                    

Chapter 36

Nagkulong ako sa Cr. Di ko talaga maintindihan sarili ko. Unti-unting tumutulo yung luha ko. Parang ang sakit! Kumikirot… di ko ma-explain basta ang alam ko… Masakit… hindi lang masakit… SOBRANG SAKIT…

Pinunasan at nagpatuyo ako sa Banyo. Sinigurado ko rin di masyadong mahahalata yung mata ko at sinigurado ko din na wala nang tao sa labas.

Bumalik ako sa may pinaglalaruan namin.

“yuki ok ka lang?” tanong sakin ni Mike.

“ha? Ahh oo.”

“bakit namumugto yang mata mo?”

“oo, napaiyak ako kanina kasi lumakas yung hangit may buhangin na napinta sa mata ko, in short napuwing ako.”

“ahhh, ayy oo nga pala, overnight daw ngayon sa bar. Lahat daw tayo magkakaraoke. Sama ka?”

“ha…ahh? Saan?”

“ok ka lang ba talaga? Sabi ko sa bar.”

“ahh, sige, pwede bang di nalang ako sumama? Di maganda pakiramdam ko ehh.”

“pwede naman ata? Wala naman ata magbabawal ehh. Pero malelate na kami ng uwi, overnight ehh.”

“ayos lang sa resthouse lang ako.”

“yyyyyyyyaaaaaaaaaaaaattttttttttttsssssssssssssss” ano ba naman kung makasigaw si cloe!

“oh? Bakit?”

“magbabar daw tayo mamaya!!! Yyiieee!”

“ahh, yats di ako sasama. Masama pakiramdam ko.”

“ha? Ganoon? Sige di na  rin ako pupunta.”

“ha?! Ano ka ba! Have fun! Ok lang ako!”

“sigurado ka?”

“oo naman!”

“oh sige, hatid nalang kita.”

“mabuti pa nga.”

Naglakad kami ni Cloe papuntang Resthouse. Di naman kasi kalayuan ang bahay ehh.

“dito na ako yats.”

“sure ka?”

“yeah.”

“sige baboo! Ingat ka ahh.” Nag-nod ako then hinalikan nya ako sa pisngi.

Pumasok na ako pero nakita ko nanaman si Jocen. Nasa sala. Nakaupo lang at umiinom. Di ko nalang pinansin at medyo binilisan ko yung lakad ko kasi feeling ko hahabulin nya ako at totoo nga! Nasa kwarto na ako nang bigla syang humarang.

“yuki wait.”

“pagod ako, magpapahinga na ako.”

“pwede bang mag-usap mun tayo?”

“pwede bang bukas nalang kasi pagod nga ako!” tapos sinara ko na yung pinto.

Bakit nandito sya? Akala ko sumama sya sa bar. Pero sa totoo lang parang natutuwa pa nga ako ehh.. oo natutuwa na may halong galit at pait!

Nakahiga lang ako sa may kama. Asan na kaya sya? Ano nang ginawa nya? Baka iniwan nya na ako dito? Ano ka ba yuki! Wag ka ngang malungkot! Dapat nga mas Masaya ka pa nga kasi wala sya! Pero.. uurrgghhh! Bakit ko ba iniisip yun! Nakakaasar!

“psstt.. anong iniisip mo!”

WWWAAAAHHHHHHHHH~ napatalon ako sa pagkakahiga sa sobrang gulat.

“a..a…anong ginagawa mo dito!papp….paano ka nakapasok!”

“gamit yung pintuan, kinuha ko yung susi.”

“lumabas ka nga!”

“pano kung ayoko!pahiga nga!” tapos tumabi sya sakin.

“ano ba yan! Umalis ka nga! May sarili naman kayong kwarto ahh! ”

“ano ba yan! Bokapels! Wag kang makulit! Higa ka na rin! ” tapos hinila nya ako pahiga tapos inipit-ipit.

“ano ba ! di ako makahinga!” kung umasta to parang walang nangyari! >:@

“tsk. Wag kang makulit! Mahuhulog ako!”

“ano?!”

“wala… sabi ko payakap!” ano to! nanlalambing kasi may kalokohang ginawa! Di mo ako madadaan jan! >.<

“tulog na tayo”

“ano?! Dito ka matutulog?!”

“oo, bakit? Wala naman silang lahat ehh.”

“ano?! May pinaplano ka?!”

“wala.. grabe ka… tulog na tayo. Wag ka na ring maingay.” Sabagay… inaantok na rin ako… bugla nalang nanghina yung mata ko…. Unti-unting bumabagsak. Inaantok na talaga ako.

“yuki?”

“hmmm….”

“hawakan mo tong dibdib ko” di ko na ginawa.  Sya na yung gumawa kasi antok na antok na ako.

“naririnig mo ba yung pintig ng puso ko?”

“hmm..”oo nararamdaman ko. Malakas.

“tandaan mo… di titigil ang pagmamahal ko sayo hanggat di tumutigil ang pintig ng @$%#^%^%&…” di ko na naintindihan. Ano daw??? Di ko na nakayanan. Nakatulog nap ala ako. NGE! 

It started with one four three =LOVEWhere stories live. Discover now