1: Ang Lalaking Maganda

250 8 6
                                    

Romeo

"Girls! Tama na! Hindi ko na kaya 'to! Tanggapin niyo nalang ang katotohanan na hinding-hindi ko kayo sasagutin" sabi ko ulet sa mga babaeng pinagkaguluhan ako dito sa park.

Eh bakit nga ba kase ang gwapo-gwapo ko? 

Every step ko kasi eh may babaeng mahuhulog sa 'ken.

Ako si Romeo. Romeo Damasco. 

Whoo! Nakakapagod na'to!

Tumahimik kayo girls! Hindi ko kayo sasagutin!

Nagpatuloy ako sa paglalakad dito sa park, at ganun padin may mga babaeng nagkandarapa sa kagwapuhan ko.

Napag-isipan kong mag-kape at pumasok ako sa isang coffee shop na malapit lang dito sa park.

Binuksan ko ang pintuan ng coffee shop (malamang) at pumasok dun. 

"Hmm, capuccino miss! Yung Grande!" sabi ko sa cashier na nakanganga sa harapan ko. Nilalangaw na nga eh, "Miss, miss! Wag mong pagsamantalahan yung mukha ko, Please! Baka matunaw ako at mawala na yung kagwapuhan ko. Kunin mo na lang yung order ko at ihatid mo lang dun sa table ko! Oke?" panggagalit ko dun sa cashier. 

Aalis na sana ako sa counter nang may nakalimutan ako,

"Ay oo nga pala miss, yung bayad!" sabay abot ko ng 100 pesos at nandun padin yung cashier, nakatunganga.

"Ser! Ang gwapo mo po!" sigaw niyang sabi habang tinanggap yung pera ko.

"Alam ko! Wag kang sumigaw!" sabay kuha nung sukli ko.

Gwapo kase ako.

Naghanap ako ng mauupuan ko at dun, nakahanap ako ng upuan sa gilid ng malaking salamin na bintana ng coffee shop.

Hinahantay ko yung order ko pero nabigla ako nung paglingon ko sa bintana.

Nakita ko yung mga babaeng nagkagulo-gulo at nagsiksikan sa labas at tinitingnan akong nagaantay ng order. Gwapo nga kase ako. 

Naririnig ko pa nga dito sa loob yung mga sigaw nila eh.

"Pogi mo!"

"Iuwi mo na ako, dali!"

"OMG! I'm dying!"

Pero isa lang yung sagot ko sa kanila.

"Nope!" with hand gestures talaga.

"Kyaaaaaaaaaah!" sigaw pa rin nung iba.

Nag-hand gesture na nga ako ng 'Shhhhh!' sa kanila pero nagpatuloy pa rin sila sa pagsigaw sa labas.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"Bakit nga ba kase ang pogi-pogi ko? Tcccccccch" nag smirk nalang ako habang pinabayaan ko nalang sila dun sa labas.

At dahil nga ang gwapo ko at patuloy parin yung mga babae sa pagsigaw sa labas, nakita ko sa peripheral sight ko na lumalapit sakin ang isa sa mga bantay na babaeng gwardya.

Kaya sinenyasan ko ulit yung mga babaeng nagkakandarapa at halos maubusan na ng boses sa katitili. At nung mahalata nila na papalapit na yung gwardya, medyo kumalma sila ng konti at nagsi-alis na isa-isa. 

"Ehem. Sir?" sabi nung guard. 

At dahil nga gwapo ako, inisnob ko lang sya at hinintay ang sunod nyang sasabihin. 

"Sir, eto na po ang order nyo!" dugtong ng guard. 

Ang weird naman, imbis na waitress ang magbibigay sakin nito, naging guard.

Ang hirap talagang maging gwapo, lahat ng tao handa kang pagsilbihan.

Lord naman kasi, bakit ako lang yung ginising mo nung nagpabagyo ka ng kagwapuhan? Bakit ako lang? Kaya ngayon, eto ako. Pinagkakaguluhan at naghihirap na sa pagtakbo at pagtatago para lang makaiwas sa stampede at suffocation.

Gwapo kase ako.

Eh kung mag-donate ako sa Gwapocation Foundation? Para naman mabawas-bawasan ang panget sa mundo. Ehhh wag na! Sayang ang chixx.

"Psst.." Bigla akong natauhan nang sitsitan ako ng babae sa gilid ko. Customer rin at umiinom ng kape habang nagbabasa ng libro.

Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagsasabing, HU U?

"A-Ang gwapo mo.. nakakaiyak." Sabi niya sabay punas luha. Wtf?!

Ngumisi ako at bumalik sa kape ko. "Alam ko."

Nang matapos nang uminom ng kape ang isang gwapong kagaya ko, dumiretso ako sa park para maghanap ng chicks. Kahit na kung saan saan lang naman talaga sila nahahanap at sila ang kusang lumalapit sakin.

Lord bakit ganun? Talo ko pa ata lahat ng artista sa kagwapuhan ko.

Sino nga ba yun, si Danwiela Padilla? Ay Daniel pala. Ang laki laki naman ng eye bags nun! Eh anong binatbat niya sa napakahabang pilik mata at nakakahypnotize na mata ko?! Yung mata ko mas kumikinang pa sa mga bituin! Pwede nang iflashlight! Alam niyo kung bakit ganun?

Gwapo nga kase ako.

"AHHHHHHHHH! SI PAPA DAMSSS!!!"

Ooops. Here comes my girls! Gwapo nga kase ako :"">

Gwapo Nga Kase AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon