2: Ice Ice, Beybe!

142 7 0
                                    

Romeo

"Hey babies.." Sabi ko sabay hawak sa bewang nung dalawa, left and right. Tapos may nakayakap sa likod ko, may sampung libo sa harap ko nakapandarapa.

"Papa Dams, why are you so gwapings?" Tanong nung isang chicks na naka red dress. Aba.. sexy!

"Chill girls, baka mamisplace kagwapuhan ko kung magkakagulo tayo dito. Gwapo ako kasi gwapo ako. At ako ang pinakagwapong nilalang sa universe. Nuff said."

"Eh kanino ka ba nagmana Romeo babes?" Sabi naman nung napakagandang chicks na nakabraces.

"Siyempre sa sarili ko. Wala akong pinagmanahan, sadyang pinanganak akong anghel." Kalmado kong sabi sabay kindat.

Kinilig naman silang lahat. Nako talaga tong mga chicks ko! Gwapo nga kase ako.

"Sige girls, uwi na 'ko ah. May gagawin pa ang isang gwapong kagaya ko." Sabi ko sabay pihit at naglakad papalayo. Nang may sumigaw at natigilan ako bigla sa kinatatayuan ko.

"RO!"

Eleanor? Boses ni Eleanor?

Napaharap ulit ako sa kanila at lumunok. First time kong kabahan ng ganito ah.

"H-Hi Eleanor.." Nauutal kong bati with matching pang gwapong nahihiyang kaway.

"Ano nanamang kalokohan 'to ha?" Sabi niya sabay bangga nung mga chicks ko papunta sakin. Yung mga chix ko parang nagmumukang buffalo wings na sa galit kay Eleanor.

"B-bakit? Long time ah.."

"Wala kong oras para makipag kwentuhan sayo. Kelan ka ba titino, ha?" Tumigil siya sa harap ko. Syeteng seven! Siya parin talaga ang pinakamagandang babae na nakita ng napakagwapo kong mata.

"A-anong ibig mong sabihin? Gwapo naman ak--apfgsh!" Napatigil ako sa pagsasalita nung bigla niya kong sinuntok sa tiyan.

"Romeo Damasco will you please shut the fvck up?! Akala mo ba lahat ng babae natutuwa sayo? Akala mo gwapo ka? Huh! Pwes, hindi ako katulad ng mga manok mo sa likod mo. Dahil hindi ako kailanman mapapangiti diyan sa sinasabi nilang gwapo mong pagmumuka."

"Ano bang ginawa ko sayo? Nagseselos ka nanaman ba? Gwapo nga kase ako." Sabi ko with kindat. Di ko na seseryosohin 'tong babaeng 'to.

"Hindi rin ako mahuhulog sa charms mo a kahit kailan hindi ako nahulog sayo. Wala kang kwentang tao. Wala kang pera, wala kang utak, wala kang pamilya. Ano nalang meron ka?"

"Wala man lahat sakin, at least gwapo ako." Sabi ko sabay ngisi.

"What?! Ano ba romeo! Umayos ka nga just for once! Dahil hindi ako naututuwa!" Sabi niya. Galit ang mahal na prinsesa kamote.

"Eh sino bang may sabing kailangan mong matuwa sa kalokohan ko? Ano ba kita?" Seryoso kong sinabi sa pagmumuka niya.

Natahimik siya bigla.

"Oof! Arouch!!" Sigaw ko sabay hawak ng bibig ko. aba't sinuntok ba naman ako! Kahit muka siyang anghel eh akala mo demonyo kung magalit!

"You are so damn annoying. Get a life asshole!" Pagtaaray niya sabay walk out.

OMG! ODK! YMCA! KKK! Ang sakit sa heart! Pag galing talaga kay eleanor eh tagos hanggang puso!

"Narealize ko na rin.. ang pangit ni Romeo!!" Sigaw nung isa. TEKA ANO?!

Napatingin ako sa chicks ko na ngayon ay nagbubulungan at pinagmamasdan lang ako.

"Omg i can't believe I liked him! Ang yabang yabang eh!"

"Oo nga tsaka look! Ang pangit ng hair!"

"Hahaha! Natatawa ako sa sarili ko!"

"Girls let's go and leave hime alone."

"Dun tayo kay Papa Eul!!"

"H-HOY! Mas gwapo ako dun! Uy balik kayo dito! Hey!"

Yung kupal na Prinsesa Kamonte na yun! Ginaya na nga ako kay Vhong Navarro dahil sa pambubugbog niyang ginawa sa gwapong kayagaya ko pati chix ko, pinaalis pa!

"Girls, may naririnig ba kayong nagsasalita na makapal ang muka?" sabi ng isa sa mga chix kong nang-iwan sakin.

"Hmm, wala... wala..." sagot ng iba.

"So ano? Sabay-sabay na tayong pumunta kay Papa Eul? Buti pa si Papa Eul, di lang gwapo, mabait pa! Di gaya ng iba jan." sabi naman nung babaeng nakita ko kanina sa Coffee shop. Yung babaeng napa-iyak dahil sa sobrang gwapo ko, remember?

Tss. Walang hiyang kupal na Eleanor na yan! Lagot siya sa gwapong kagaya ko.

"Bye mga chix! Bahala kayo, kapag nagpunta kayo dun sa Eul na yun, magmumuka kayong manok!" sigaw ko sa kanila. Gwapo nga kasi ako at dumiretso na ako pauwi.

Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa tindahan para bumili ng Mamon. Gwapo nga kasi ako. Sinamahan ko na din ng isang boteng T-ice. Bawal kase sa gwapong gaya ko ang maraming alcohol.

Pag-uwi ko binuksan ko yung cellphone ko at tumambad sa magandang mga mata ko ang misscalls mula kay Eleanor. Syete! etong babaeng 'to.

Teka nga, ano kayang naisipan nung babaeng yun at bakit ngayon lang ulit siya nagpakita sa gwapong kagaya ko? Gwapo naman ako ah! Pero bakit ang tagal niyang di masyadong nagparamdam? Hmmm, siguro nagpamiss lang siya saken? Gwapo nga kasi ako!

Maya-maya, may natanggap akong text message.

Fr: Prinsesa Kamote

Hoy! Romeo Damasco, kailan ka ba mag-babago? Ha? Tandaan mo nga 'tong sasabihin ko! HINDI KA GWAPO!

Aba! Itong babaeng ito talaga, kunwari pa! Hindi daw ako gwapo? Eh kaya nga siya nag-kagusto sakin dahil gwapo ako eh! Ang gwapo-gwapo ko talaga!

To: Prinsesa Kamote

Sus! Kunwari ka pa! Diba, kaya ka nga nagkagusto sakin dahil gwapo ako? Diba? Diba? Diba? Ayiiieeee!~ Gusto ako ni Eleanor. Ang gwapo ko talaga! :''>

Kapag sa text, chats at calls... anlakas ng loob kong kausapin 'tong si Eleanor ng ganito. Pero pagdating sa personal, naku! Asahan mong hindi ako baback-up an ni Pareng Yolanda! Hindi ko maka-usap ng ayos ang babaeng 'to kapag personal eh. Natatakot ako. Kase alam kong pinagnanasaan niya ang gwapong kagaya ko! Gwapo nga kase ako.

Fr: Prinsesa Kamote

Napaka-kapal talaga ng mukha mo, Romeo! Hindi kita gusto! Kailanman ay hindi ako magkakagusto sa'yo!!!!!!!

Tch. Kahit kailan nga ba, di talaga siya magkakagusto saken? :/ Gwapo naman ako ah! Di ba siya tinatablan ng charms at ng kagwapuhang taglay ko? Sus! Ano bang tanong 'to? Syempre naman! Gusto niya na ako... Nagpapakipot lang 'to eh! *smirk*

To: Prinsesa Kamote

Osige na! Oo na! Kunwari naniniwala ako na wala kang gusto sa gwapong kagaya ko. ;)

*Prinsesa Kamote is calling...*

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MONG KUMAG KA! AAAARRRRGH! GOOD NIGHT! AY TEKA, WALANG GOOD SA NIGHT KO KAPAG NAKIKITA KITA! ANG PANGIT MO!" Pagkasagot na pagkasagot ko, yan agad ang narinig ng napaka-fragile kong tenga! Takte. Tumawag lang para sabihin yan at pinatayan ako agad!

Gwapo Nga Kase AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon