CHAPTER 191
,,,KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT,,,
"Bitiwan mo ako kailangan ko ng umalis, nakikiusap ako sayo, sana bigyan mo ako ng pag kakataon makausap ko ang anak ko, miss na miss kona siya" nag mamakaawa si kisses kay marco.
" Anong nangyayari dito? "
Napalingon silang lahat, nakita nila si Niel.Nag taka naman ang lalaki, bakit seryuso ang mga mukha nila at isa pa magkayakap sina marco at kisses at umiiyak.
" Love, anong ibig sabihin nito? Kilala mO ba sila? "
Hinila niya si Kisses.
" mag papaliwanag ako Love" umiiyak si Kisses.
" Mr Barber? Kilala mO ba ang asawa kO, kilala niyo ba siya? Bakit hindi ko alam ang bagay na to? " daming tanong ang gustong malaman ni Niel, ilang taon sila nag sama ni kisses ngunit ni minsan hindi nag kuwentu ang asawa. Ang sabi patay na raw mga taong malalapit sa kanya kabilang ang kanyang magulang.
" dude Mabuti pa kayo na mag usap ng asawa mO, sigi mauuna na kami"
Hindi naituloy ang dapat sana pag uusapan nilang business dahil sa nangyari, sumakit ang ulo ni john, nararamdaman niyang kumikirut ang mata niya.
Nag alaala si Aya kaya minabuting umuwi na sila, nag paalam na rin sa family De Leon. Saka na raw sila ulit mag usap usap.
Si Marco Ang nag Drive pauwi. Habang nag mamaneho hindi mapakali. Iniisip pa rin ang nangyari kanina.
Samantala sina kisses at niel naka uwi na rin sa bahay.
Galit na galit si Niel, napakagago niya para hindi alamin ang nakaraang buhay ng kanyang asawa, kriminal pala ito, mamamatay tao, ngunit kahit ganon ang nalaman niya nanunumbalik parin ang pag mamahal sa asawa kaya di magawang magalit ng subra.
Naawa siya kay Kisses, imbis na saktan o awayin, niyakap niya at pinalakas ang loob, sa ilang taon pag sasama nila, pag mamahal at pag aalaga ang naranasan sa piling ni kisses, baka nga dahil sa kanya ay nag bago, ngayon alam na niya ang katutuhanan mas kailangan ng asawa ang supurta para sa kanya, para di nito maisipan balikan ang kanyang nakaraan at di maisipan wala siyang kakampi.
" im so sorry, love, im sorry, " habag na habag si kisses, di kinuwentu ang nangyari sa kanya noon dahil mas ginustung mag bagong buhay.
Ito na pag kakataon para malaman ni niel ang buong kuwentu ng kanyang nakaraan.
"Im sorry Love, im sorry kong nasigawan kita kanina? "
Umiyak si kisses, subrang bait ng asawa niya, sa lahat ng bagay di niya Question, parating malawak ang pang uunawa nito, naramdaman din niya pag mamahal at pag alaga, naramdaman niya na minsan tao din siya sa kabila ng bintang nilang isa siyang hayop. Ang totoo di naman siya dating ganyan, siya yong tipong taon mapag mahal at mapag bigay at maalaga ngunit dahil sa ginawa ng kanyang magulang don siya nakadama ng inggit at galit, hanggang sa dinala ng matinding galit at naging itim ang kanyang puso, nang makilala si Niel muling nakadama ng linaw at kaginhawaan sa buhay at mamuhay ng tahimik at malayo sa mga taong mapang husga.
,,,, ITUTULOY,,,,
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
Fanfiction,,,PART TWO,,, HINDI KASYA SA ISANG ALBUM KAYA GUMAWA NA LANG AKO NEW ALMBUM HAHAHA. ABANGAN BUKAS ANG PAG TATAPOS NG KUWENTUNG ITO, SANA AY NAPASAYA KO KAYO SA PAMAMAGITAN NG KATHANG ISIP KONG STORYA. MAYWARD SAPAT NA HAHA LOVE KO ANG MAYWARD...