CHAPTER 199
,, KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT,,
...LUMIPAS ANG ISA PANG TAON...
Masayang namayapa si Kisses, masayang iniwan ang mundo sapagkat alam niyang napatawad ng mga taong nasaktan niya.
Pagkatapos manganak ni Esabell ang unang baby nila ni Tristan. Isang linggo ang lumipas namatay si kisses.
Dalawang taon na siyang may sakit na Leukemia, noong araw ng kasal ng dalawa Stage four ang sakit ni kisses, mabuti nga at umabot pa ng isang taon bago binawian ng buhay.
Di man nag katuloyan sina marco at kisses masaya si Marco nag karoon sila ng anak at ngayon my apo na sila yon nga lang hindi nasilayan ni Kisses ang apo dahil sa maagang pag panaw. Hanggang sa pag lipas ng panahon natutunan din mahalin ni marco ang babaing pinakasalan Si Vivoree.
Ang totoong pag-ibig ay walang masayang wakas, dahil ang totoong pag-ibig ay hindi nagwawakas. Ang pagpaparaya ay isang paraan ng pagsasabing mahal kita.”
Mula pa sa simula ay hindi alam ng pagmamahal kung gaano ito kalalim hanggang sa oras ng paghihiwalay.
Ang buhay daw ng tao ay sadyang napakaiksi. Hindi mo alam kung kailan matatapos ang taning mo sa mundong ito. Hindi mo sigurado kung kailan ka lilisan. Hindi mo alam kung kailan ka mamamaalam sa mga taong mahalaga sa iyo.
KAMATAYAN.
Isang bagay na hindi natin maiiwasang lahat. Gustuhin man natin o sa hindi, doon at doon pa rin ang bagsak natin. Sadyang ganoon nga lang ang buhay; may nauuna , may nahuhuli. Hindi ka naman puwedeng makipagbargain kay Kamatayan kapag dumating na siya para sunduin ka. Hindi ka naman puwedeng magsabing, ” Wait lang. Hindi pa ako ready.“
Ngunit ano nga ba ang mas masakit? Ang lumisan? O ang maiwan?
Hindi ko alam.
Ako mismo ay hindi makasasagot sa tanong na ‘yan.
May mga nagsasabing mahirap tanggapin na may taning na ang iyong buhay. Lalo na sa mga taong may mga potensyal, mga taong marami pang puwedeng gawin. Mahirap tanggapin na wala na silang magagawa para iwasan pa ang sa kanila’y nakatakdang mangyari.
May mga nagsasabing mas mahirap ang maiwan, ang maulila. Mas mahirap tanggapin na ang taong mahal mo ay malapit nang mawala sa iyo at wala kang ibang magagawa kundi ang magluksa at tanggapin ito.
Ngunit paano naman ang mga taong biglaan na lamang ang pagpanaw? Ang mga taong wala man lang warning na mamamatay na pala? Ang mga taong kahapon ay ayos pa, ngayon ay lumisan na?
Paano ang mga taong hindi man lang naihanda ang kani-kanilang mga sarili na sila na pala ay mauulila? Ang mga taong biglaan na lamang na nilisan na mga mahal nila sa buhay?
Lahat naman siguro ay mahirap tanggapin. Lahat ay masakit sa damdamin. Ngunit ano pa nga ba ang ating magagawa?
Normal na tayo ay magluksa. Normal na umiyak. Minsan, normal din na magalit at makaramdam na tayo ay nadaya ng panahon. Ngunit pagkatapos ng lahat ng ito, ano na?
Patuloy na iikot ang mundo. Hindi titigil ang buhay natin dahil lamang sa kasawiang ating natamo.
Nauna man sila, sa bandang huli tayo muli ay magsasama-sama sa Kaharian ng Diyos.
One last chapter na lang wakas na hahaha
BINABASA MO ANG
KAPANTAY NG LUPA ANG LANGIT
Fanfiction,,,PART TWO,,, HINDI KASYA SA ISANG ALBUM KAYA GUMAWA NA LANG AKO NEW ALMBUM HAHAHA. ABANGAN BUKAS ANG PAG TATAPOS NG KUWENTUNG ITO, SANA AY NAPASAYA KO KAYO SA PAMAMAGITAN NG KATHANG ISIP KONG STORYA. MAYWARD SAPAT NA HAHA LOVE KO ANG MAYWARD...