Mga salitang nakakakilig
Puso ko ay lumalakas ang pintig
Hindi mapakali sa iyong titig
Ako ngayon sayo ay umiibigAno ang ginawa mo sakin giliw?
Sayong kagwapuha'y nababaliw
Ako ngayo'y nagmumukhang sisiw
Sayong mga tawa'y naaaliwOh aking sinisinta
Ikaw lamang ang aking prinsipe
Sa puso't isipan ika'y nag iisa
Hindi na mapapalitan ng ibaIpangako mong wag akong lisanin
Sapagkat magdudulot ito sakin ,
Ng mabigat na pasanin
Sa akin ika'y aking mithiinIkaw ang pagkain
Sa puso kong gutumin
Nag iisang gamot sa puso kong masakitin
Ngayo'y pagkatao ko ay masiyahinSalamat sayo, Ako'y muling nabuhay
Buhay ko'y nilaanan mo ng kulay
Noong ako'y nagiisa't malumbay
Wala na akong hinihintay